Fate 25

17.2K 327 24
                                    

Isang linggo na ang nakaraan simula nong kaarawan ng kambal at so far ay maayos naman ang pakiramdam ni Madison. Pwera nalang kahapon dahil medyo nahirapan na naman itong huminga pero pagkatapos nitong uminom ng gamot ay naging maayos na ulit ang pakiramdam nito. Ngayon nga ay pinapasok na ito ni Kendra sa School dahil ang sabi ng doktor ay okey lang naman daw basta every 3 days ay kailangan nilang macheck ang heart rhythm nya.

Tungkol naman kay Maverick, sinabi na nito kay Kendra na alam na nito ang tungkol sa sakit ni Madison. He insisted to her na next month ay dadalhin nya sa Chicago si Madison para doon ipasuri. Nong una ay nagdadalawang isip pa si Kendra pero sa huli ay pumayag narin sya. After all, mas kailangan iyon ng anak nya para mas mapaayos ang kondisyon nito.

Tungkol naman kay Charlotte at Rick ay tinutoo na nila ang pagpapalaya sa mga sarili nila. Balak ni Charlotte na pumunta sa California kasama si Andi next month para maipakilala nito ang totoo nitong ama. Pero hanggang ngayon ay hindi pa nasasabi ni Rick kay Kendra ang tungkol kay Drake. Humahanap pa ito ng tyempo.

KenRick are both busy right now. Kahapon lang ay lumabas ng bansa si Rick para sa business niya doon. May aasikasuhin kasi sya tungkol sa mga investments. Si Kendra naman ay abala din sa kanyang trabaho dito sa Cebu. Sya kasi ang inatasan ni Rick na humandle ng kompanya habang wala ito. Iyon nga ang ikinakainis nya, dapat sana ay si Cade nalang ang pinagbilinan nito.

"Kenz, busy ka mamaya?" Tanong sa kanya ni Karla.

"Oo ehh. May tinatapos kasi akong PowerPoint Presentation para sa meeting bukas." Nakita naman nyang napalabi ito.

"Ano ba yan! Sige na nga. Next time nalang." Pagkatapos ay ngumiti na ito.

"Sorry talaga Karla. Kung hindi lang talaga sana ako busy ehh." Tinanguan naman sya nito.

"It's ok. Anyway, kumusta na kayo ni fafa Ty?" Kinikilig nitong tanong. Napaikot naman sya ng mata dito.

"Wala namang kami ahh." Kunyari ay patay malisya nya kaya hinampas sya nito sa kamay.

"Dzuh! Alam naman na ng lahat ang tungkol sa inyo ano. Best in cheka kaya ang mga tao dito." Natatawang sambit nito.

"Hindi na ako magtataka kong pati kulay ng panty ko ay alam nyo rin." Biro nya rito.

"Baliw. Haha! So ano nga? May forever ba?" This time ay sya naman ang humampas dito.

"Ewan ko sayo Karla. Magtrabaho ka na nga." Natatawang sita nya.

"Naku, if I know kinikilig yan." Pang-aalaska pa nito.

"Matanda na ako para sa mga ganyan ganyan. Ano ba!" Pagpipigil nya ng tawa. Sa totoo kasi ay kinikilig parin ito sa tuwing naaalala nya ang paghalik sa kanya ni Rick noong nakaraang linggo. Ang ikinakainis nya lang ay after non parang wala lang ulit kay Rick. Naku! Papaano na ang virgin lips nya. Dapat ay panagutan sya nito.

Really Kendra? Mas virgin pa ata ang imbornal ehh. Panloloko ng isipan nya.

"Ano yan te, pa virgin? Hoy Maria, hindi mo ako madala dala nyang pa dalagang pilipina effect mo." Sabay bato sa kanya nito ng binilog na tissue.

"Hindi mo talaga ako tatantanan ano?" Natatawa nyang sabi.

"Hinding hindi hanggat hindi ka magshare nyang kachurvahan nyo ni fafa Ty." Napatawa nalang sya sa sinabi nito.

"Oo na! Nag-aassume na naman ako. Malay mo may HD pala yon sa akin." Biro nya.

"Halata naman eh. Naku, kung manligaw ulit sayo si Sir ay grab the opportunity kana ok?"

"Makagrab the opportunity naman ito. Sige ikaw nalang mag grab." Natatawa nyang sabi.

The Twisted Fate: His Revenge, Her Heartbreaks (COMPLETED) Where stories live. Discover now