Fate 26

16.1K 328 26
                                    

Short Update. Isiningit ko lang kahit may Final exams. 😂


6 months later...

"Itay, matagal pa po ba tayo?" Nayayamot na tanong sa kanya ni Daze kaya ginulo nya ang buhok nito.

"Malapit na little buddy." Nakita nyang lumiwanag naman ang mukha nito.

"Hindi po ba makakapunta si Inay?" Napangiti naman sya ng mapakla sa tanong nito.

"Busy ang nanay nyo." Mapait nyang sagot.

"Nagseselos po kayo?" Nakangisi na nitong tanong.

"Nah! Bat naman ako magseselos sa mukhang kalabaw na Adrian na yon?" Ngayon ay tumatawa na si Daze.

"Hindi raw nagseselos." Panloloko pa nito.

"Tigilan mo nga ako Daze Asylum. Gisingin mo na yang si Madison, nandito na tayo." Ngumiti naman ito ng malapad pagkaalam nitong dumating na sila sa kanilang pupuntahan.

"Madi.." Marahan nitong inuyog uyog si Madison.

"Madi.." ulit pa nito ngunit ayaw paring gumising.

"Hay naku itay, ikaw na nga pong gumising dito. Baka nagpapalambing na naman po ito sa inyo." Pailing iling na sambit ni Daze habang salubong ang kilay.

"Ano ka ba naman kuya! Binuking mo na naman ako." Natatawa nitong sabi habang kabubukas lang ng mga mata. Agad itong umupo at hinalikan sa pisngi si Daze.

"I love you parin Kuya HB." Panloloko nito.

"HB?" Nakakunot ang noong tanong ni Daze.

"High Blood. Hihihi" Sabay lapit agad nito sa kanya at yumakap.

"Love you itay. Pagalitan mo po si Kuya, aawayin na naman po ako nyan." Bulong nito sa kanya kaya napatawa nalang sya ng mahina.

"Ito talagang little angel namin napaka pilya. Sige na baba kana baka uusok na naman ilong ng kuya mo." Natatawa nyang sabay sa kakulitan nito. Tumango naman ito at agad lumabas ng sasakyan.

"Narinig ko po iyon." Nakakunot ang noong sambit ni Daze.

"Joke lang yon anak. Sige na, samahan mo na ang kapatid mo sa labas ipapark ko lang to ng maayos." Tumango lang ito sa kanya bago lumabas ng sasakyan.

Napangiti naman ng abot tenga si Rick habang pinagmamasdan nya ang kambal. Limang buwan na ang nakakalipas simula nong dalhin nila sa Chicago si Madison para doon operahan. Nang mga panahong iyon ay halos mawalan na sila ng pag-asa pero alang alang sa kambal ay ipinapakita nilang malakas sila. Kagaya ng sinabi ni Doctor Cabrera ay 50/50 nga ang syansa ni Madison. Pero hindi na nila inurong ang operasyon. Isang linggo pa sila doon ay nakahanap na sila ng donor at isinagawa ang operasyon tatlong araw pagkatapos non.

Apat na oras ang ginugol sa operasyon at lahat sila sa hospital ay kinakabahan at nag-aantay sa magiging resulta ng operasyon dahil si Madison daw ang pinakabatang sumailalim ng heart transplant sa hospital na yon. Walang mapagtataguan ng kaba at takot sina Kendra at Rick sa puntong iyon. Tanging dasal at pananalig ang syang naging sandata nila.

Nakahinga lang sila ng maluwag nong sinabi ng doktor na successful ang operasyon. Halos yakapin na ni Kendra ang doktor sa pasasalamat nya rito. Wala ng mas sasaya pa sa puntong iyon. Lahat ng takot nila ay tuluyang nabura at napalitan iyon ng panibagong pag-asa. Ipinangako nilang mas aalagaan nila ng mabuti ang kambal lalong lalo na si Madison.

3 weeks after the operation ay pinayagan na ng doktor na ilabas ng hospital si Madison. Ngunit habang hindi pa gaanong naghihilom ang sugat ay dapat maingat ito sa mga galaw nito at may listahan ng bawal at maaari lang gawin ni Madison ang ibinigay ng doktor sa kanila. On going rin ang medication nito.

Naglagi pa sila ng isang buwan sa Chicago bago sila bumalik sa Pilipinas. Nang sa ganon ay sigurado na silang naghilom na ang sugat ni Madison buhat ng operasyon. Sa loob ng isang buwang pamamalagi doon ay mas naging maayos ang pagsasama ni Rick at Kendra. Naikwento narin nya ang tungkol kay Drake dito. Hindi ito makapaniwala subalit ganon talaga ang buhay. The least you expected to happen, happens. Hinihintay nalang nila ang pagbabalik ni Drake dito sa Pilipinas para pag-usapan ang lahat.

"Itay! Bat ang tagal nyo po dyan?" rinig nyang sigaw ni Daze na syang nakapagpabalik sa kanya sa realidad.

"Sige, lalabas na ako." Natatawa nyang sabi. Minsan talaga ay hindi nya mabasa ang iniisip ng batang ito. Napakaseryoso at nagiging magalitin narin pero pagdating kay Madison ay tiklop ito. Kahit naiinis na ito rito minsan ay nakikita mo paring hindi nito pinapatulan si Madison sa panloloko nito sa kanya. Mahal na mahal lang talaga nito ang kapatid nya.


Lalabas na sana sya nang biglang tumunog ang cellphone nya.

Kendra Calling...

Parang tumalon naman ang kanyang puso. Subalit napalitan din iyon ng konting inis.

"Yes?" Kunyari ay walang kainteres nyang tanong.

"Nakarating na ba kayo dyan? Ayos lang ba ang mga bata?"

"Uhm." Tanging sagot nya.

"May problema ba Rick?" Huminga sya ng malalim bago sumagot.

"Are you with Adrian?" There, He said it!

Narinig nya namang mahinang tumawa ito.

"Of course..."

"Fine. I'm hang--"

"Of course not! Kalma kalma lang Vergara. Engagement party ni Adrian ngayon." Nagulat naman sya doon.

"What just did you say?" Paninigurado nya.

"Okey, get out of the car first. Nababagot na ang mga bata." Nanlaki naman ang mga mata nya sa sinabi nito.

Agad naman syang lumabas ng sasakyan.

"Hi Handsome." Pagkatapos ay yumakap ito sa kanya. Nasa estado parin sya ng gulat. Papaanong nasa harapan nya ngayon si Kendra at nakayakap pa sa kanya? Ang buong akala nya ay kasama nito si Adrian dahil may ipapatulong daw ang mukhang kalabaw na iyon.

"Itay, pakisarado po yong bibig mo baka po pasukan ng langaw." Panloloko ni Daze kaya sinimangutan nya ito.

"I thought you were with---"

"Duh! Sa tingin mo palalampasin ko ang okasyong ito sa buhay mo?" Napangiti naman sya ng malapad sa sinabi nito.

"Thank you."

"I love you." Then she gave him a quick smack on the lips bago hinila ang kambal.

"Let's go kids."

Lumingon naman si Madison sa kanya at kumindat ito. Kaya napangiti nalang syang sumunod sa kanila at inakbayan si Kendra.

"I love you too." Bulong nya rito. Pagkatapos ay pumasok na sila sa hall ng hotel. Ngayon gaganapin ang awarding ceremony para sa mga top businessmen ng bansa at isa si Rick sa mga paparangalan.

And by the way, they were 2 months engaged. And Kendra is 1 month pregnant..





~HueHue, magbunyi sa mga KenRicks dyan. Hahaha! 1 Chapter to go then Epilogue. Staytune, LoveLots!~

-RuRu

The Twisted Fate: His Revenge, Her Heartbreaks (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon