Fate 17

13.6K 321 32
                                    


Nanigas sya sa kanyang kinatatayuan. Hindi nya alam kung ano ba dapat ang i-rereact sa sinabi nito.

"You may go now." Seryosong sabi ng kaharap nya. Doon naman sya natauhan. Marahan syang tumango dahil sa pakiwari nya ay kung magtatagal sya dito baka magbreak down sya sa harapan nito. At ayaw nyang mangyari iyon. Kahit mahal nya parin ito ay hindi sya maghahabol dito. Alam nyang sa huli ay sya parin ang masasaktan. Sapat na ang limang taong pagdudusa. As much as possible ay iiwasan na nya ito. Pero paano nya nga ba iyon gagawin gayong araw araw nya ito nakakasama? Gayong mahal na mahal nya parin ito?

Nang makalabas sya mula sa office ni Rick ay doon palang sya nakahinga ng maluwag. Napangiti sya ng mapakla bago nag-angat ng mukha at marahang pumikit. Sa ginawa nyang iyon ay unti unting umagos mula sa kanyang mga mata ang mga luhang kanina pa nya pinipigilan.

Ngayon alam ko na ang nararamdaman nya dati noong ipinagtatabuyan ko pa sya..

"Kendra? Ayos ka lang? Bat ka umiiyak?" Doon naman sya naalarma. Agad syang nagbukas ng mga mata at mabilis na pinunasan ang mga luhang nandon.

"Ayos lang ako Jess." Nginitian nya ito for assurance subalit hindi parin ito kumbinsido.

"Pinagalitan ka na naman ba ni Sir?" Nakakunot ang noong tanong nito. Agad naman syang umiling.

"Naku hindi. Ang bait nga nya ngayong araw eh." Pagsisinungaling nya. Mukha namang napaniwala nya ito dahil lumiwanag na ang mukha nito.

"Ganun ba? Tsaka nga pala, napanood mo na ba yong video?" Pilit nyang nilalakasan ang loob sa tanong nito.

"O-Oo.. Saan nyo ba nakuha iyon?" Pinilit nyang maging kaswal ang boses nya.

"Sa internet. May nag upload kasi non kagabi eh. Since sikat si Sir Ty, mas mabilis na kumalat. Anonymous yong nag upload kaya I wonder kung mahuhuli nila iyon." Seryosong saad nito sa kanya.

Hindi kaya si Charlotte ang nag-upload? Nah! Hindi naman nya ata ipapahiya ang sarili nya..

"How about Rick-- este Sir Maverick? Wala ba syang aksyon na ginagawa? Hindi ba sya galit?" Nagtataka lang kasi sya sa inasta nito kanina. Parang okey lang dito na nakalat yong video na yon.

"Ang bali-balita ay pumunta sya sa Manila kagabi gamit ang private chopper nya dahil ipinaimbistiga nya ang tungkol dito. Tapos ngayong umaga ay bumalik din agad sya dito sa Cebu." Marahil iyon ang rason kung bakit parang puyat ang mukha nito.

"Ganun ba? Sino naman kaya ang nagpakalat non?"

"Baka isa sa mga naging babae nya." Napakunot naman ang noo nya sa sinabi nito.

"Mga babae?"  Di makapaniwalang tanong nya. Hindi nya lubos maisip na marami itong naging babae. Ang kilala nyang Rick ay stick to one at hindi pinaglalaruan ang babae.

"Ano ka ba girl! Akala ko ba ay alam mo na dating womanizer iyang si Sir Ty."

Seriously?!

"Ohh? Bat parang hindi ka makapaniwala diyan? Sa gwapo ba naman ng CEO natin, malamang pati panty malalaglag sa titig nya palang."

Inikutan nya naman ito ng mata. Hindi parin sya makapaniwala pero kailangan na nyang ikuha ng kape si Rick baka mapagalitan na naman sya nito.

"Ewan ko sayo Jess. Pati panty idinamay mo pa. Sige na, mayron pang ipinag-utos si Sir sa akin." Tinanguan naman sya nito.

The Twisted Fate: His Revenge, Her Heartbreaks (COMPLETED) जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें