Chapter Thirtyfour

8.1K 326 19
                                    

Rara

Maaga akong nag ayos para sa isang okasyon, matagal ko nang gusto mangyari ito.

Mama, Papa.. alam ko eto yung pinapangarap niyo para sakin.

Natigilan ako sa pag iisip nang biglang may kumatok kaya agad kong binaling ang mga mata ko sa naka saradong pintuan

"Dear? Are you ready?" napangiti ako bahagya sa boses mula sa kabilang bahagi ng pintuan.

"Opo Tita, isusuot ko nalang yung accessories ko" Biglang bumukas ang pinto kaya naman napangiti ako bahagya

"Wow! Dear, you look gorgeous" Lumapit si Tita sa akin at tumayo sa likod ko, habang nakatitig sa repleksyon ko sa salamin

"You know.. your Mama and your Papa will be proud of you.. also, Cielo" ngumiti siya ngunit bakas sa mga mata ng isang Ina ang kalungkutan nang banggitin niya ang pangalan ng anak.

Napayuko tuloy ako dahil tila isang kidlat ang tumama sa puso ko. Ngunit isang malambot na kamay ang humaplos saaking pisngi

"Huwag kang malungkot dahi bawal ang malungkot espesyal na araw na ito" ngumiti ako sa sinabi niya

"You made us all proud, Rara. Congratulations" sabay halik sa ulo ko kaya ako'y napangiti at kahit papaano ay nabawasan ang bigat na nararamdaman ko. Hinintay ko siyang makalabas ng kwarto at tsaka humarap ulit sa salamin.

Taon na pala ang lumipas pero parang kahapon lang ang lahat. Pilit kong pinigil ang luha na pabagsak sa mga pisngi ko dahil alam ko na kung nandito siya sa tabi ko ay tiyak kong proud din siya saakin.

Huminga ako nang malalim at nagsimulang suotin ang hikaw na binigay niya saakin noon.

"Salamat, Cielo" Bulong ko sa hangin bago ko lisanin ang silid.

"Wow Rara! You're so beautiful! Tingin ko ay ipagpapalit ko na si Ann" natawa naman ako sa bungad ni Cindy

"Subukan mo lang Cindy talagang kakalbuhin kita!" Biglang niyakap ni Cindy si Ann na kunwaring nagseselos

"Sorry na you know naman that you're my one and only" ang cute nilang dalawa at ang tagal narin nilang magkasama at sa tingin ko ay tumino na si Cindy dahil kay Ann.

"Lets go na at mahuhuli tayo" pag aaya ni Cindy kaya sumakay na kami sa kotse papuntang venue kung saan gaganapin ang graduation ko.

Habang nasa biyahe lumilipad na naman ang isip ko. Iniikot ko nang paulit ulit ang paningin ko sa loob ng sasakyan ngunit kulang. Naramdaman kong may humawak sa kamay ko, napatingin ako sakaniya habang siya ay nakangiti.. kamukhang kamukha niya talaga ang kakambal niya

"I know she's so proud of you" tumango ako at ngumiti. Maswerte ako dahil ang pamilya niya hindi ako pinabayaan kailanman dahil alam nilang mas kailangan ko sila ngayon. Sa mga panahong halos sumuko na ako ay nandiyan sila para bigyan ako ng lakas.

Nakarating na kami sa venue at ang daming tao na mga nagbabatian. Kailangan maging masaya ako ngayon kasi ito na yung gusto kong maabot.

"Rara!" Lumingon ako sa tumawag sakin

"Isay!" Agad ko siyang niyakap

"Girl na miss kita! Ang tagal natin di nagkita! Mga 2 weeks!" Natawa ako baliw parin talaga siya

"Girl na miss ko ang tawa mo, ganyan kalang lagi ha?" Niyakap ko siya nang mahigpit

"Susubukan ko, Isay.." hinagod niya ang likod ko pero kumalas narin ako agad sa pag kakayakap bago pa tumulo ang luha ko.

One Seat Apart (GirlxGirl)Where stories live. Discover now