♬ 31

476 35 6
                                    

Thirty-one

Walk on the other side

Pagtulog ang unang ginawa ko ng makarating kami sa Fur Elise. Fur Elise is a medditeranean inspired hotel sa downtown ng Los Angeles. Dito kami mamamalagi sa loob ng dalawang buwang pagtigil namin sa lugar na ito.

I don't know but I really feel so exhausted sa sobrang haba ng byahe namin papunta dito. Nang makalabas ako kanina sa eroplano ay umihip ka agad sa akin ang malamig na hangin at halos mapamura ako ng hindi ko man lang naisipang magsuot ng jacket. Isama pa ang jetlag sa init ng ulo ko.

I want to blame Blaire for my jetlag pero hindi naman siya ang nagsabi sa akin na isipin ko ang lahat ng mga isiniwalat niya sa akin.

Come on, Fermatta. You should move on. Huwag mo na iyong isipin pa.

They broke up. That's it. If he really want some company he could have called me. Nuong nakausap ko sila Dwaine sa skype ay dapat nagpakita siya sa akin. Sa ginagawa niya ay pinapamukha niya lang sa 'kin kung gaano niya ako hindi gustong makita o makausap. Para saan pa ang pagaalala ko sa kanya kung wala rin naman iyon para sa kanya. I know how it hurts when someone you love leaves you. Alam na alam ko ang pakiramdam na iyon pero anong gagawin ko kung hindi naman ako ang gusto niyang karamay. It will just hurt my heart. It will just double the pain. Mas okay na itong ganito. 'Yung malayo sa kanya. 'Yung malayo sa sakit.

I should stop hoping for more. Dahil kapag umasa nanaman ako ay siguradong masasaktan lang ako at ayoko nuon.

I slowly opened my eyes when I felt my phone vibrating. Pumintig ang ulo ko at hindi ko mapigilang hindi mapapikit muli dahil sa sakit na naramdaman ko. Halos mapamura ako ng muli nanaman iyong magvibrate.

Agad kong hinagilap ang cellphone ko at sinagot ang tawag ng hindi man lang tinitignan kung sino iyon.

"F-ferm"

I heard those soft voice. Pumayapa ang dibdib ko dahil sa lambing ng pagkakasabi niya sa pangalan ko. Nanatiling pikit ang mga mata ko habang pinapakinggan ang mahina niyang paghinga.

"Are you inside your room now? Hindi kita nakitang bumaba kanina para kumain"

I didn't utter anything when he asked me. Not because I'm tired, but because I just wanted to hear his voice like this. Halos makatulog ako habang nasa tenga ko ang aking cellphone. Hindi na rin siya umiimik pero alam kong hindi niya pa rin pinapatay ang tawag dahil sa mahina niyang paghinga duon.

"You're making me worried, Ferm. I'm outside your room. Please open the door"

Napamulat ka agad ako ng marinig ko iyong sinabi ni Cael. He's outside! Hindi ko na nagawa pang magisip at dali-dali na akong tumayo sa kama para pagbuksan siya ng pinto. When I opened the door, I saw him standing there holding his cellphone in his ear. Worry is evident in his face.

"A-are you okay?" nagaalala niyang tanong habang pinapasadahan ako ng tingin.

Halos mapairap ako ng marealized kong hindi man lang ako nagsuklay bago ko siya harapin, but who cares. This is Cael who's in front of me.

Umalis ako sa harapan niya at nagsimulang bumalik sa kama ko at humiga. Ibinaon ko ang mukha ko sa malambot na unan at naamoy ko iyong bulaklak na sunflower. Goodness, this is heaven! Mas lalo akong inaantok sa amoy nuon.

Naramdaman ko ang pag-uga ng kama ko at alam kong nakaupo na rin siya duon. Maya-maya lang ay naramdaman ko na ang haplos niya sa pisngi ko, "They are going to a bar tonight. You want to come with them?"

Soul LibrettosWhere stories live. Discover now