♬ 11

711 72 25
                                    

Eleven

I am different

Pagkauwing-pagkauwi ko sa dorm ay nakita ko agad na nakataklob ng kumot niya si Chriselle. I wanted to wake her up but I know she's too disapointed and maybe mad at me. Hindi niya na kasi ako nireplyan pa kanina which bothers me a lot. We're like sisters at hindi si Dwaine ang makakasira ng relasyon namin kaya naman naman kinontact ko agad that night si Lance at ito lang ang sabi niya.

"Ask Dwaine if he can date Chriselle para maniwala si Chriselle na hindi ka nakikipagdate sa gusto niya"

Okay. How should I do that? Hindi naman pwedeng bigla ko nalang tawagan si Dwaine at sabihing makipagdate siya kay Chriselle. That's outrage. Malay ko ba kung may girlfriend din si Dwaine like Clef o kaya ayaw niyang idate ang kaibigan ko dahil may iba siyang gusto. Chriselle is just a fan how can I convice him to date her? Napabuntong-hininga nalang ako duon.

Sumunod na araw ay ganuon pa rin ang nangyari. Halos para akong hangin sa paningin ni Chriselle and it fustrates me a lot. Nakadagdag pa ang palagi kong pagkakabunggo kay Pia. Nabunggo niya kasi ako habang naglalakad ako sa corridor papunta sa Humanity class ko, nabunggo niya rin ako nuong nasa canteen ako. Wala naman siyang binabanggit kundi 'Sorry, hindi ko sinasadya' pero nakakaasar lang dahil bakit palaging ako ang nababangga niya? I'm thinking kung sinasadya ba niya iyon o talagang clumsy lang siya at isa ako sa nabibiktima ng pagkaclumsy niya.

Nuong hapon tuloy ay tumambay ulit ako sa studio E sa building nila Lance kung saan siya palaging nagprapractice. He's practicing this hiphop move na tingin ko ay mahirap, nakaupo lang ako sa harap niya at nakasandal ang likod ko sa malaking salamin habang ang dalawang tuhod ko at salo-salo ang baba ko.

"I told you ask Dwaine" aniya habang ginagawa iyong popping sa dibdib niya. Mahina ang music mula sa karaoke pero enough para marinig namin ang tugtog.

Tinignan ko lang siya at sinamaan ng tingin, "You think ganun lang kadali?"

Tumigil naman siya sa pagsasayaw at tumingin sa akin, "You're with him yesterday. Kahit papaano close na kayo"

"He's not a friend" simple kong sagot.

"Yeah. But Chriselle is your friend and in order to save your friendship with her you have to do it. It's not bad to ask someone for help sometimes. You're human too" mahabang salaysay niya duon na parang pinapangaralan ako. I just so hate him when everything he says is true. Totoo naman, hindi ko naman kayang tanungin si Dwaine kung pwede niyang idate si Chriselle? What would he think? That I'm feeling close or someone like I'm not really am pero sabi nga ni Lance it's about Chriselle. She's childish I know, minsan sobra na nga ang pagakisip-bata pero sino bang iintindi sa kanya kundi kami lang dalawa ni Lance.

Kinuha ko nalang ang cellphone ko at nagtayp duon ng message, alam ko kasing wala sila sa Cecilian ngayon dahil pahinga nila hanggang sunday, kung siguro nandito lang siya edi sana kinausap ko nalang siya. Sa monday kasi hanggang sa mga susunod na araw ay palagi na silang nandito para sa practice ng music fest. I just typed if he can date my friend. Itinago ko na uli ang cellphone ko pagkatapos kong isend 'yung message na 'yun at pinanuod nalang ulit si Lance sa pagsasayaw niya.

Nang hapon ay nagpasama ako kay Lance na tumambay sa harap ng dorm kung saan palagi akong tumatambay para makapagsulat ng tula. He's just sitting beside me habang kumakalikot siya sa cellphone niya. I am thinking if I should send my poems online, may nage-mail kasi sa akin na sinasabing tumatanggap sila ng entry for poems and short story na pwedeng mapublish kung sakaling magustuhan nila tapos nagbigay ng email kung saan pwedeng isend 'yun, ang problema ko lang ay may theme ang bawat entry na dapat pasukan at ang theme for this month is about loving someone. How am I supposed to write something like that kung hindi ko pa naman naeexperience? I do write poems about friendship, family, self pero ni isang beses ay wala akong matandaan na nakapagsulat ako ng tula tungkol sa pagmamahal sa isang lalaki. I am still normal, am I not?

Soul LibrettosWhere stories live. Discover now