♬ 24

504 48 8
                                    

♬ Twenty-four

Sana ikaw nalang

Nang sumunod na araw ay maaga akong bumangon para pumasok sa last pep talk na gagawin ng mga mentor para sa annual music fest. Imbis na mga pyesa ng kanta ang ilagay sa aking bag ay iyong kahon ng sapatos ni Clef ang nilagay ko duon. 

Hindi ko pa rin alam kung kakausapin ko ba siya mamaya o hindi basta ang alam ko ay dapat kong ibigay 'to sa kanya bago niya pa puntahan si Ingrid para kunin ang sapatos niya. I know it would be awkward. Bahala na kung anong mangyari! Siguro'y pagkabigay ko ay aalis nalang ako bigla nang hindi umiimik. 

I rushed through the hallway dahil ayokong malate ngayon para sa huling peptalk ni Mr. Bracelli at Ms. Aw, baka kasi may announcement silang sasabihin sa huling pagkakataon. Pakiramdam ko ay pagkatapos nang mangyayari bukas ay mawawala ang lahat ng pabigat sa buhay ko. Siguradong babalik nanaman sa normal ang buhay ko, 'yung walang schedule na susundin, hindi ko na uli maririnig ang boses ni Giovanna o ni Aldon na sinisigawan ako. I will be free again. 

I heard my phone ringing habang naglalakad ako. I looked at it and my lips automatically formed a smile when I saw my dad's name on the screen. Agad kong sinagot iyon kahit na mabilis ang lakad ko. 

"Honey" bungad niya sa akin. 

Oh God, I miss this man so much. Kung sana ay malapit lang ang bahay namin sa Cecilian, maari ko siyang puntahan kahit araw-araw pa. 

"Good morning dad. I miss you"

"I miss you more anak" anas niya sa akin. 

"What's with the call?" 

"I just wanted to ask if you're doing fine. Your mom called me this morning.. "

Tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi niyang iyon, "And? She's not calling me. It's been three weeks since she last called me"

That day when she said I shouldn't write.

Nakarating na ako sa pintuan ng visual room at huminto ako sa tapat nuon dahil sa tawag ni daddy. Pinagmasdan ko ang paligid at nakita kong parating si Searcy kasama si Clef na parehas naglalakad sa pasilyo, "She's flying back to the Philippines. She's going to watch your performance" 

Nawala ang tingin ko sa kanilang dalawa at nanlaki ang mata ko. Mom's going back to the Philippines? Ang akala ko ba ay next month pa ang uwi niya galing sa world tour? Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil sa unang pagkakataon ay papanuorin niya akong umakyat sa stage. Nuon ay kahit na palagi akong nasa honor roll ay ni hindi niya nagawang umuwi sa Pilipinas para sabitan ako ng medal. It was always dad! This would be the first time pero kahit ganuon ay gusto ko ring maasar dahil alam kong babalik lang si mom dito para panuorin ako sa pagtugtog. If it's not because of music she wouldn't dare to come back, hindi ko tuloy alam kung dapat na ba akong kabahan o hindi. I'm sure she'll expect a lot from me. I don't if I will pass her expectations. I'm not like her.

"You still there honey? I know you're surprised"

"Uh.. yeah" tipid kong sagot. I don't know what should I tell him. Ni hindi ko nga alam kung gusto ko ba talagang nanduon si mommy kapag nagperform ako but I know if I told that to him, he'll be sad and upset dahil alam kong gustong-gusto niyang kasama si mom.

Napabuntong-hininga nalang ako, "I should go now dad may meeting pa akong aatend-an. Just take care of mom kapag pumunta kayo dito bukas"

"Yeah. Sure anak. Good luck and I love you"

"I love you too"

Huminga ako ng malalim nang marinig kong pinatay niya na ang tawag. Dad's presence is enough bakit kailangan pang umuwi ni mommy? Pero diba iyon naman ang gusto ko? Ang pagtuunan niya ako ng pansin? But I wanted her to acknowledge me for writing poems not for playing piano.

Soul LibrettosWhere stories live. Discover now