♬ 26

467 35 5
                                    

Twenty-six

Almost 

Song used: Almost is never enought by Ariana Grande

Halos mawalan ng lipstick ang labi nang patuloy ko iyong kinagat-kagat habang nakatayo sa harapan ng buong production team ng Annual Music Fest. Naglalakad pabalik-balik sa harapan namin si Giovanna habang ako'y halos mahilo sa kaiikot niya.

Hindi tulad kanina ay wala ng tao sa loob ng dressing room kundi kami nalang. The Creole, Ms. Bracelli, Ms. Aw, Giovanna and Xylus and the rest of the production team of annual fest. Ni hindi ko nga alam kung bakit nandito pa ako. Rene's probably looking for me right now dahil malapit nang magsimula ang pangalawang performance ko kasama ang dance department.

"Pia has four performances at tatlo duon ay puro group performances" ani Xylus habang nakatingin sa amin.

"The other singers can do Pia's part sa group performance" suhestiyon ni Aldon habang nakasandal siya sa lamesang malapit sa kinatatayuan ko.

Tumango ang iba sa kanya, "The only problem here is her performance with Hilton and Ferm" ani Maximo, isa sa mga arranger ng kantang ginagamit namin ngayong music fest.

"Can we just drop the performance? The board requested it because of Pia pero hindi na pwedeng magperform si Pia ngayon so what's the essence of the performance?" nakabusangot na tanong ni Dwaine.

Huminto sa paglalakad si Giovanna at mariin niyang tinignan si Dwaine, "We can't just do that Dwaine! You know that the board is expecting this performance. Isa pa kasama na ito sa program, paano nalang kung mawawala? Okay sana kung hindi alam ng manunuod!"

"Eh sinong papalit sa pwesto ni Pia?"

Halos lahat ng tingin ay napadako sa akin nang itanong iyong muli ni Dwaine. My jaw dropped upon the realization of my existence in this meeting. Bago pa sila makapagsabi ng kung ano ay inunahan ko na agad sila.

"No! I won't replace Pia!"

Wala akong pakialam kung magmukha akong bastos sa harap ng mga producer. I don't like what they are thinking right now. I don't want to sing in front of those people, I don't even want to play the piano. Nakapasok ako sa Annual Music Fest dahil sa mga kundisyon nila sa akin nuong nagaudition ako and now they are doing this thing to me! This is too much. That's impossible!

Kitang-kita ko ang pagsimangot ng mukha ni Giovanna at ang pagngiwi ni Mr. Bracelli sa harapan ko. I wanted to roll my eyes and walk out from the room but I know it wouldn't help me lalo pa't problemado sila ngayon.

"We can't jus tell Fermatta to sing in front of those people. She's a piano major, isa pa only those student who's level E is entitled to have a performance with Creole" anas ni Aldon.

"But what can we do now? Hindi rin pwedeng ang iba ang gumawa nuon dahil ang lahat ay nakafixed na sa mga performance na gagawin nila. Fermatta is our last resort" ani Giovanna.

Tumango sa kanya si Xylus, "Giovanna's right. Kasama sa program ang production number na 'yon. Ano nalang ang sasabihin ng board kung may mawawalang isang palabas? Isa pa reputasyon ng Cecilian ang pinaguusapan dito"

"Hindi maiiwasan ang ganitong pangyayari tuwing Annual Music Fest. This is not the first time it happened, madalas mabilis na napagtatakpan ang ganitong pangyayari nuon" dagdag pa ni Ms. Aw.

"But it's not us to decide kung dapat bang kumanta si Fermatta"

Lahat sila ay napatingin sa akin nang sabihin iyon ni Aldon. Halos mapunit ang mukha ko dahil sa pagsimangot sa kanilang lahat. Lumapit sa akin si Giovanna at wala na ang simangot na nakaimprenta sa kanyang mukha kanina.

Soul LibrettosWhere stories live. Discover now