♬ 2

1K 89 44
                                    

♬ Two

Creole of Note

"Gusto mo ipablotter na 'tin siya?" inosenteng tanong sa akin ni Chriselle habang inaayos niya ang medyas niya. Inirapan ko siya dahil sa suggestion niyang imposible namang mangyari. Ipablotter eh ni hindi ko nga alam ang pangalan ng hayop na 'yon.

Napangiwi si Chriselle sa akin dahil sa paulit-ulit kong pagirap sa kanya. Nakita kong inayos niya ang damit niyang pangp.e. Nasa girls locker room kasi kami ngayon at naghahanda para sa p.e namin ngayong umaga.

"Bakit naman kasi lumabas-labas kapa ng dorm eh alam mo namang gabi na. Kung sana natulog ka nalang nun edi sana hindi nawala 'yang notebook na puro tula ang laman"

I rolled my eyes once again dahil sa pagsesermon niya. Oo, 'yung notebook na 'yon ay punong-puno ng tula. Kelan ko ba naisipang magsulat ng tula? Sa sobrang tagal nuon ay hindi ko na halos matandaan tapos 'yung mga tulang naisulat ko na ay duon ko inilalagay. Nakacompile duon tapos kukunin lang ng pangahas na 'yon. Sigurado akong kapag nakita ko siya ay tatapayasin ko ang balat niya at ipapakain ko siya sa mga zombie sa walking dead.

Nang matapos kami sa pagaayos ay lumabas na kami ng locker room at nagpunta sa soccer field. Soccer kasi ang p.e namin ngayon. Ewan ko ba't pati sa mga babae eh pinatake ang subject na ito kahit obvious naman na panglalaki ito. Kung sana ay badminton o volleyball edi sana hindi kami nagbibilad ngayon sa initan.

Nakasimangot ako habang nakapila sa hilera ng mga babae. Ang sabi kasi eh grupo-grupo daw muna kami, dalawang grupo ang magkalaban at hindi ko alam kung saang grupo ako mapapapunta. Sana ay kagruop ko si Chriselle para kahit papano ay hindi ako mapanisan ng laway sa klase na iyon. Pero dahil sobrang swerte ko ay magkaiba ang bilang namin kaya magkaiba kami ng grupo. Ang kasama ko tuloy ay iyong mga lalaking mga mukhang manyakis. Okay lang din nman dahil mukha naman silang malalakas at hindi nila ipapatalo ang grupo.

Nuong nagsimula ang laro eh nakuntento kaming mga babaeng umupo nalang sa bleaches. Sabi kasi nung mga lalaki eh sila-sila muna ang maglalaro. Technique daw kahit na hindi ko naman makita kung saan ang technique duon.

Uminom nalang ako ng uminom ng tubig duon sa tabi.

"Narinig mo ba 'yung balita? Pupunta daw dito sa school ang Creole mamaya" narinig kong sabi nung babaeng nasa tabi ko lang.

I'm not eavesdropping. It's just thatwe're sitting close to each other na halos marinig ko na ang pinaguusapan nila.

"Talaga? Ibig sabihin makikita natin si Hilton?"

"Oo girl! Sana lang ay magperform din sila. Balita ko ay kakausapin lang sila nung dean para maging judge sa annual music fest"

"Ganon ba? Pero okay na rin 'yun magaaudition nman ako sa music fest so makikita ko rin sila ng malapitan!" kinikilig na sabi nung isa kong kaklase.

Napailing nalang ako dahil sa sinasab nila. Nagfafangirling nanaman sila sa isang.. ano nga ba 'yon? Creole? Parang pamilyar sa akin 'yung word na 'yun. Hya bahala na nga, wala din naman akong pakialam kung sino ang mga 'yon.

Hindi nalang ako umimik at tumayo na ako dahil tinawag na ako nung kateam namin para maglaro.

Buong umaga ata eh masakit ang katawan ko dahil sa paglalaro ng soccer. Mabuti nalang at music ang kasunod naming subject kaya hindi na ako mapapagod pang magisip ng magisip ng kung anu-anong technical terms.

"I said lower down your jaw when you're singing para maging maganda ang pagproduce niyo ng kanta" anas ni Mr. Bracelli sa amin.

Ginawa ko ang kanyang sinabi. Ngayon ay choral singing ang ineensayo namin, well para sa aming music department. Instrumentalist ka man o hindi kailangan mong magkaroon ng voice lesson. Anila eh hindi lang kailangang marunong kang tumugtog. Paano mo lalapatan ng tamang nota ang isang kanta kung hindi ka marunong kumanta.

Soul LibrettosWhere stories live. Discover now