♬ 35

357 41 13
                                    

Thirty-five

No us

Magisa akong bumalik sa Fur Elise ng gabing iyon. Iniwan ko si Cael kahit ilang beses niya akong tinawag para ihatid. I am scared to hurt him more just by looking back, kaya't mas pinili kong mapagisa.

I've realized that in this world you can't have what you really want that easily. May mga bagay na hindi para sa 'yo. Tulad ni Cael sa akin, at ako kay Clef. Now, I don't know whats more hurtful. Iyong pagiwan ko ba sa kaibigan ko o iyong makita kong may kasamang iba ang taong mahal ko.

I think both have wounded my heart in a different way. Dahil kung hindi siguro ay hindi ko mararamdaman ang hapdi nuon sa aking dibdib.

Niyakap ko pang mabuti ang sarili ko ng umihip ang hangin. I am meters away from Fur Elise, halos tanaw ko na ang malaking pinto ng hotel at ramdam na ramdam ko na rin ang pagod sa katawan at isip.

Narinig ko ang sagitsit ng isang kotse sa aking tabi. I didn't mind looking at it. Hindi ako masasagasaan dahil nasa sidewalk ako. Kung hindi lang iyon huminto sa malapit sa akin, ay hindi ako titigil sa paglalakad.

I watched the car's door to open hanggang sa may lumabas na lalaki sa driver's seat. His familiar built made my heart jumped into it's place.

Tumatahip ang dibdib ko habang pinagmamasdan siyang naglalakad palapit sa akin sa ilalim ng ilaw ng mga poste. His serious gazed met mine at halos madurog ang puso ko ng maalala ko ang nasaksihan kanina sa bar.

May namumuong luha sa mga mata ko but I don't want to cry in front of him. Ayokong ipakita na pagkatapos ng apat na buwan ay isang iyakin pa rin ako. Isang mahina na palaging lumalapit sa kanya. Now I can't borrow his shoulders anymore because I know it will only stab my own heart hanggang sa mamanhid ako sa sakit.

Nang makalapit siya sa akin ay tumaas ang kanyang kamay. Suminghap ako at napapikit sa gulat pero pakiramdam ko'y lumukso ang puso ko sa tuwa ng maramdaman ang mainit niyang haplos sa pisngi ko.

"Hey, are you okay?" masuyo niyang tanong. I amsy gasped because of the tone of his voice. It sounds real, like he really cares for me. But I have to stop dreaming. This is Clef in front of me. The guy who can leave me without second thoughts.

Iminulat ko ang mata ko at kitang-kita ko ang pagaalala sa kanya.

"Nagaway ba kayo ng boyfriend mo?"

Umigting ang panga niya at nagsalubong ang kilay sa akin. I want to savor this moment, iyong ganito kami kalapit pero alam kong hindi ko pwedeng lunurin ang sarili ko sa mga kathang-bagay.

Huminga ako ng malalim bago tinanggal ang kamay niyang nakalapat pa rin sa pisngi ko. I felt my knees weaken but I still manage to stand straight. Yea, you have to Fermatta dahil kung hindi ay talo ka nanaman.

"I'm okay, Clef. Why are you here?"

"I saw you and Cael sa labas ng Subway. You were shouting, sabihin mo sinaktan ka ba niya?"

Umiling ako, "No. Go home now babalik na ako sa Fur Elise" I said coldly before walking pass through him.

Kung patatagalin ko pang nasa harapan ko siya ngayon ay baka hindi ko kayanin. Baka bigla akong bumigay at sabihin sa kanya lahat ng nararamdaman ko kaya hanggang maaga ay dapat umiwas na ako.

Another wind blew to my skin. Napahinto ako sa paglalakad ng maramdaman ang kamay niya sa aking balikat.

"Ferm, tell me. Sinaktan ka ba niya? You were crying hard" aniya bago tumigil, "I never saw you cried like that before"

Soul LibrettosWhere stories live. Discover now