♬ 13

595 63 23
                                    

Thirteen

Who is he to you?

1. Bring mineral water wherever you go.
2. Do not forget your medicine and drink it every 4 hours.
3. Stop reading books. Let your eyes rest for one week.
4. Visit the infirmary after lunch and have a check-up. I already ask Ms. Marie about this, she's already expecting you.
5. You only have 1 hour to practice for the upcoming music fest. There are still a lot of time for that.
6. After practice. Just go back to the dorm. I might sneak again inside.
7. Check your email, I sent your new email and pw for the writing contest. Finish your new poem first, its deadline is on friday. No need to rush
8. Eat vegetables. No junk foods please.
9. Sleep early.
10. Stop thinking too much.

I mentally groaned as I read the note posted on the mirror inside our room. Lance made this! I am definitely sure about it. Sulat palang ay kilalang-kilala ko na.

Narinig ko ang tawa ni Chriselle habang nagaayos siya ng gamit niya, "Kanina niya 'yan nilagay bago siya umalis. Hindi daw kasi siya makakasama sa 'tin. Ngayon 'yung pre-exam na pinaghahandaan niya at ang alam ko whole day iyon na gaganapin sa zigzag theater"

Ngayon pala 'yon? Bakit hindi man lang niya sinabi sa akin? Sana ay pinilit ko nalang siyang umuwi sa dorm nila kagabi para nakapagpahinga siya ng maayos. He's so stubborn just like me, hindi na ako nagtataka't magkaibigan kaming dalawa.

Agad ko nalang na kinuha ang note at pinasok iyon sa bag ko.

"Una na ako" paalam ko kay Chriselle. Hindi ko na narinig pa ang sagot niya dahil tuluyan ko nang isinara ang pintuan ng kwarto namin.

Maayos naman na ang pakiramdam ko, may onting sinat pero hindi na katulad kahapon na sobrang sakit ng ulo ko at halos hindi ako makatayo sa kama ko. Siguro nakatulong talaga iyong pagbabantay ni Lance sa akin kagabi at pagaalaga niya. Nagaalala tuloy ako, puyat siya at pre-exam nila ngayon. Sana magawa niya 'yung routine niya ng maayos tulad nang sa mga practice niya.

Alam ko malalate na ako sa klase pero kailangan ko pang pumunta sa opisina ni Mr. Bracelli para kunin ang pyesa na tutugtugin ko para sa annual music fest. May tatlong kanta akong kailangang pagaralan para sa fest. Diniscuss 'yun ni Ms. Aw nuong nakaraang meeting. 'Yung isa para sa opening number, tapos 'yung tugtog para sa mga dancers at 'yung pangatlo ay may kasama akong galing din sa music department na kakanta pero hindi ko pa naman alam kung sino ang makakasama ko sa bawat performance.

Habang naglalakad ako sa corridor ng music department, halos lahat ata ng madaanan ko ay napapatingin sa akin. Tinataasan ko sila ng kilay pero patuloy pa rin nila akong sinusundan ng tingin at kapag nakakalagpas ako ay saka sila nagbubulungan. Now, what's the matter with them? Tumigil ako sa paglalakad at pinagmasdan ko lang 'yung mga tumititig sa akin. Bigla silang nagiwas ng tingin at nagbulungan. I groaned in frustration. Hindi ko na sana sila papansinin pa at maglalakad na sana uli ako ng biglang may humawak sa dalawa kong balikat.

Nanlaki ang mga mata ko nang maamoy ko 'yung pamilyar na pabangong 'yon, "I miss you, Fermatta" aniya na parang ibinulong niya lang iyon sa akin.

I heard everyone gasped because of his gesture. Alam kong malapit lang siya sa akin dahil naramdaman ko ang pagdampi ng hininga niya sa gilid ng tenga ko. Bigla akong napaharap sa likod at duo'y nakita ko si Hilton na sobrang lapad ng ngiti sa labi.

Sinimangutan ko agad siya at hinampas ko agad siya sa dibdib, "You idiot. Don't do that again, you might kill me!" asik ko sa kanya dahil kinabahan ako sa pabigla-bigla niyang pagsulpot. Kung siguro may sakit ako sa puso ay namatay na ako dahil sa kumag na ito.

Soul LibrettosWhere stories live. Discover now