♬ 45

322 18 0
                                    

Forty-five

Jealous

Rated SPG ahead.

The rest of the afternoon, all I did was to listen to Tita Catalina talking about Clef's childhood. Natatawa pa ako kapag naririnig kami ni Tito Fredd at Clef ang mga kwento nito at kinakantyawan ng magasawa ang anak nila.

"Bata pa lang si Clef, mahilig ng tumugtog. Alam mo naman 'yun 'diba? He was seven when he had his first guitar recital. Twelve nung nagsabing gustong magaral sa Cecilian" ani Tita habang nakafocus ang tingin sa mga hinihiwa niyang kamatis para sa tomato pasta na niluluto niya para sa hapunan.

"Kaya nga kahit gusto namin siyang pagtake-in ng business course, hindi namin pinilit. Ikaw Ferm?"

"Po?"

Sumulyap siya sa akin habang marahang nakangiti, "Tatapusin mo naman pagaaral mo sa Cecilian 'di ba? Hindi mo kami gagayanin ng Tito Fredd mo na nagtanan?" natatawa niyang sabi.

Ewan ko pero agad naginit ang pisngi ko dahil duon. I never thought about that! Bata pa ako para duon even Clef! Goodness.

Muling humalakhak si Tita Catalina habang pakiramdam ko'y sobrang pula na ng aking pisngi. Pagkatapos maluto ng tomato pasta ay ang pagprito naman ng chicken ang pinagkaabalahan namin. I volunteered to fry dahil madali lang naman 'yon. Siguro naman ay hindi ko iyon masusunog, basta tamang init lang at 'pag nakitang brown na ang meat ay aalisin na.

Now I really regret why I did not have any interest to know about cooking nuong nakikita si Mommy na nagluluto dati o si Manang sa bahay.

I was busy dipping the meat in the oil when suddenly I felt my phone vibrating in my pocket. Agad kong kinuha iyon ng makitang matagal pa bago maluto ang chicken at tinignan ang ilang notifications na nagpop-out sa screen.

It was notifications from instagram. There are few people who sent me a request for follow. Inisa-isa ko muna iyon para makasiguradong hindi sila mga fans ng Creole of Note.

Siguro naman ay walang makakaalam na instagram account ko ito. My profile picture is the lighthouse and the sunset. Ang user naman ko rin ay hindi ko buong pangalan.

Well, basically I can only share my feeds to seven person, the Creole of Note members. Lance, Chriselle. Oh and shoot! I forgot Blaire. Sila lang naman kasi ang pinagkakatiwalaan ko. Baka kapag nalaman ng iba na nasa Naples kami ay hindi umabot ng bukas ay nasa eroplano na ako pabalik ng Pilipinas.

Nang makitang mga account iyon nila Hilton, Chriselle at iba pang Creole member ay agad kong inaccept ang requests at finollowback sila. Wala pang ilang minuto ay may nakita na akong nagsend ng message sa kanila.

hill.to_tothewest:
Is this really you, Ferm? 🙀

Hindi ko mapigilang hindi mapatawa dahil sa ginamit niyang emoji. Why is he so gay? Bakit pakiramdam ko kahit sa chat ay sobrang kulit ng unggoy na 'to?

Agad akong nagtipa ng reply sa kanya.

_fivera:
Moron. Of course

hill.to_tothewest:
Why am I expecting this reply from you? 😭 but anyway, we're going to Naples next week. Diyan kami magchri-christmas sa inyo! 😼 'di kami niyaya ni Clef pero pupunta pa rin kami 😹

Oh hell. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa duon o hindi dahil kapag pumunta sila dito ay siguradong magugulo ang tahimik naming mundo ni Clef but on the other side, masaya ring magcelebrate ng Christmas ng marami. Isa pa, kahit ideny ko iyon ay alam kong namiss ko rin sila.

Soul LibrettosWhere stories live. Discover now