♬ 44

272 20 5
                                    

Forty-four

They love you

Narinig ko ang ilang kaluskos sa aking likod. My heart beated so fast. Malakas na hangin ang tumama sa akin at unti-unting sumabog ang aking buhok na kanina ay nakaponytail lang. I actually don't like tying my hair dahil kahit nuong nasa Pilipinas ako'y sanay akong nakabuhaghag iyon but here at Naples, palaging nililipad iyon at sumasabog kaya laging nakatali.

Nang lumingon ako sa aking likuran ay pinanlisikan ko ng mata si Clef, "Huwag kang maingay" I hissed at him.

Imbis na seryosohin ay tumawa lang siya sa akin na parang naaliw siya sa pagiging seryoso ko. Hindi ko na lang siya pinagtuunan ng pansin at humawak sa barandilyang naruon at marahang umakyat sa mataas na hagdan.

My heartbeat exceed it's normal rate as soon as I stepped my feet on the flatform. The feeling of floating above sanked into me. I slowly traced my finger on the circle shape concrete cement of the light house. Nang makarating ako sa gitna ay humarap ako sa karagatan.

Ang langit na nagkukulay dilaw, at pula mula sa pagiging asul nito. Ang mga ulap na unti-unting gumagalaw sa iisang direksyon. The birds that are flying freely on the sea. The horizon looked so near from here, parang abot kamay ko lang at maari kong makuha sa isang iglap ng kamay.

"Do you now prefer the sunset than watching the stars?"

Agad akong napatingin kay Clef na nakatayo lang rin sa aking tabi. Katulad ko ay pinagmamasdan niya rin ang ganda ng dagat at ng takip-silim. I can even hear the waves from below this lighthouse where we are.

"I still like the stars more... but there's just something about the sunset that makes me calm" pagsasabi ko sa kanya ng totoo.

Tumingin siya sa akin at nakita ko ang nakataas niyang kilay na parang tinitignan niya kung nagsasabi ba talaga ako ng totoo sa kanya. Inangat niya ang kanyang kamay at naramdaman ko iyong humawak sa akin para mahila ako papalapit sa kanya.

Naghuramentado ang puso ko pero hindi ako nagreklamo. As soon as my body touched his ay agad niyang ipinulupot ang kanyang braso sa magkabila kong bewang, closing the small space between us.

My breathe hitched lalo ng maramdaman ko ang paghalik niya sa tuktok ng aking braso, "Uh huh... " he murmured, "How about the sea? Do you now like the sea?" malambing niyang tanong na halos makapagpatunaw sa aking puso.

Unconciously, I nodded to him without any second thoughts. I felt him smiling with my answer, "That's good to know, Ferm" aniya bago ko muling naramdaman ang paghalik niya sa aking ulo.

Halos mapapikit ako ng dahil duon. I can feel the insects in my tummy having their ride in a roller coaster. Nakakabaliw. It almost feel surreal.

I have never like the sea before. Ni wala akong matandaang ala-ala na nagpunta ako sa beach kasama si Daddy o si Mommy na natuwa ako. Samantalang siya ay gustong-gusto na nasa tabing-dagat.

Nuong una ay hindi ko talaga iyon naeenjoy. The second day here, he made me try boating and snorkeling. Ayoko pang sumama dahil medyo malamig ang tubig kahit na mataas naman ang araw but when I dipped my body beneath the water, I saw the different creatures only sea could show me. It's like entering another world only fearless could do.

Sa mga sumunod na araw ay kung anu-anong activity ang pinatry sa akin ni Clef. We ride a banana boat, we went to the cave just near here and spent the rest of the afternoon swimming. We also went to the other island na pagmamay-ari rin ng kaibigan ng pamilya nila Clef. We even tried cliff diving!

Soul LibrettosWhere stories live. Discover now