♬ 4

876 79 30
                                    

Four

Pride

Pagkatapos nilang tumugtog ay bigla akong napatayo sa kinauupuan ko. They all looked surprised by my sudden action. Nakataas pa ang kilay ni Mr. Bracelli sa akin. I sighed deeply, "Excuse me" ani ko at kinuha ko ang mga gamit ko at lumabas na ako ng music room.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko at bigla nalang akong naasar sa pakikinig sa kanila. Maybe I am just overthinking about it. Sana pala ay hindi ko nalang sila pinanuod na magpractice para hindi ko naramdaman ito.

"Fermatta!" narinig kong sigaw ni Mr. Braceli sa akin nuong palayo na ako sa music room. I looked at him, "Just in case you change your mind. You can email me your application form"

Nang marinig ko iyon ay mas bumilis ang lakad ko pababa ng building na iyon. Tito Bracelli is like a living nightmare for me. Nakakaasar.

Buong hapon hanggang gabi ay nagkulong ako sa dorm. Kulit ng kulit sa akin si Chriselle kung kamusta daw ba ang panunuod ko sa practce ng Creole at ang tanging sinasagot ko lang sa kanya ay 'Fine' habang nakatutok ako sa pagbabasa ng libro. Salamat naman at nasa huling chapter na ako nito.

"You know what Ferm? You're really different" umungol lang ako nuong narinig ko si Chriselle na sabihin iyon. Ngayon ay patay na ang ilaw sa kwarto at ang tanging bukas nalang ay ang lampshade sa gilid niya. Tulad niya ay nakatingin lang ako sa kisame ng kwarto namin na pinuno niya ng glow in the dark stickers. Puro iyon hugis stars na sa dulo ay may malaking half moon. They are beautiful.

"I envy you" aniya. Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya.

"Why?"

"It's because you can do what you really want. People think that you're strong. Everyone knows that you're the daughter of the great Elizabeth Rivera" napatawa siya pagkatapos niyang sabihin iyon, "Pero parang wala ka lang pakialam sa atensyon na binibigay nila sa 'yo" pagpapatuloy niya.

"Because I don't want attention Chriselle. I just wanted to become happy" napatahimik siya nuong sinabi ko iyon sa kanya as if parang may narealize siya, "Ikaw? Do you want attention Chriselle?" tanong ko sa kanya.

I saw her looking straight in the ceiling. Her brown eyes are refelcting through the shade of light the lamp is giving on her. She's really pretty just like this glow in the dark stickers all over our ceiling. They shine just like her.

"I do Ferm. I love attention" aniya.

Duon natapos 'yung paguusap namin nuong gabing iyon. Hindi ko alam kung sino ba sa aming dalawa ang unang nakatulog. Ako ba na nakatingin lang sa ceiling ng kwarto namin o siya na naghuhumming ng isang lullaby.

Chriselle was my friend since I walked through the corridors of Cecilian. First year we're classmates, blockmates to be specific kaya siguro naging close talaga kami. She's also my room mate, nuon eh naasar ako sa kanya dahil sa kakulitan niya wala siyang ginawa kundi ang punahin ako sa mga ginagawa ko but I get used to it and she got used to me. Siya lang ang nakatagal sa ugali ko maging si Lance that's why sa kanila lang ako may pakialam.

May ba din naman nagtangkang maging kaclose ako pero kapag lumalabas na ang katarayan ko ay iniiwan na rin nila ako. Maybe you can only find few real friends in this world.

Nang mga sumunod na araw ay naging normal ang araw ko, hindi katulad nuong nakaraan na kung anu-ano at kung sinu-sino ang nakikilala ko. Maliban sa bago naming subject sa calculus eh ibang libro naman ni Nicholas Sparks ang binasa ko. Dear John.

"Hopeless romantic" siniko ko si Lance dahil bulong siya ng bulong nuon sa akin. Nandito kasi kami sa labas ng girls dormitory kung saan palagi akong tumatambay. Kung itatanong niyo si Chriselle ay paniguradong nanduon nanaman 'yun sa dance studio at nagprapractice ng routine para sa auditon niya next week.

Soul LibrettosWhere stories live. Discover now