DO NOT READ YET

3.6K 110 20
                                    

Chloe

Kinabukasan ng madaling araw ay agad ko ng ginising si april para mag ayos at pupuntahan namin ang council ngayon.

Pagkatapos naming mag ayos ay gumawa ako ng sulat para kay Xia incase na hanapin niya kami atsaka inihabilin ko naman na siya kay Nigel.

Tumawag na kami ng pegasus para sakyan papunta sa council. Mas mapapadali kasi kami pag iyon ang sinakyan namin kumpara sa bus.

Biglang dumating ang dalawang pegasus. Ang isa ay kulay Violet habang ang isa naman ay pink. Sinakyan na namin ito at lumipad na.

Ilang oras lang ay nakarating na kami sa Endroit council House. Tanging nag mga council lang o mga kadugo ng council ang pwedeng pumasok dito pati na ang hari at reyna. Kaya kami nakakapasok dito ay ako kasi ang anak ng dating hari. Nung una ay tutol sila sa pagtulong ko sa pagpapalaganap ng kaayusan sa Endroit pero dahil ang kasalukuyang reyna ang may gusto, hinayaan na nila ako. Sa totoo lang ayoko rin naman makipagplastikan sa mga taga council pero sa tingin ko kung nabubuhay pa sila, eto rin ang gusto nilang gawin ko. Mga matatanda na kasi sila hehe ... hay stop thinking about that Chloe.

Walang ngiti akong pumasok sa kung saan sila nagpupulong. Doon ay naabutan ko silang seryosong nag uusap. Agad kong napansin ang isang nakaupo sa may katabi ni Craig Hall. Ang tumatayong leader ng council.

Marina Syfer

Agad rumehistro sa muka ko ang pag alala. Isa siya sa mga taga council na tinanggap ako ng buong buo at makita siyang nanghihina ay nakakalungkot isipin.

"You may now leave except Marina ang Angus" agad naman nagsi alisan ang mga taga council. Nginitian pa ko ng tatay ni Nigel. Ngumiti naman ako ng pabalik

Ng matira kami ay agad kaming umupo ni April sa may bakanteng upuan.

"April and Chloe, glad you are already here. So lets start. Angus already told you about Marina's situation right now am I right?" Tumango na lamang kami. Tumayo ito at nagpatuloy.

"You also know that the dark gryms attacked Endroit but the weird thing is that they didn't tried to attack anymore. Alam naman natin na ang mga dark gryms ay aatake ng aatake kahit pa maubos sila pero after their first attack ay wala ng sumunod. When the dark gryms dissapeared, that is when Marina started having dreams. A nightmare for all of us" napatingin naman kami kay Marina. Ngumiti na lamang ito ng pilit. Mahahalata mong masama ang pakiramdam nito base sa pagkapayat niya mula nung huli kong kita sa kanya. Nagpatuloy naman Sr. Craig kay nabaling muli ang tingin ko

"One night, Marina had a dream. A vision" seryoso nitong sabi

"What will happen to the Endroit?" Agad kong tanong

"The thing is, the vision isn't for Endroit. Its a vision of you." Rumehistro sakin ang pagkagulat.

Ako?

"I had a vision. Its dark. Then suddenly I heard your voice. You were calling someone. Xierra." Nanghihinang paliwanag ni Marina. Mas lalo pa kong nagulat sa sinabi nito. Bu-buhay siya?

Agad akong lumapit dito at hinawakan ang mga kamay nito.

"Tell m-me, where can I find her?" Nanginginig kong sabi. Hanggang ngayon hindi ako makapaniwalang buhay siya.

Simula ng malaman ko na mayroon akong kapangyarihan ay inalam ko ang buong pagkatao ko. Nakilala ko mula sa paghahanap ko si April at siya ang nagsabi sakin sa lugar na ito. Dapat nga hindi siya lumabas mula sa lagusan pero dahil gusto niyang makita ang mundo ng mga tao, lumabas pa rin siya. Its a long story.

Ng malaman ko ang mundong ito ay inalam ko lahat ng pagkatao ko. Inalam ko kung mayroon bang taga endroit ang nagpaampon o lumabas man lang sa lagusan at sa paghahanap na yon, nalaman ko kung sino ba talaga ako.

Anak ako nila Cerifina Xyrene Monroix at Cristoffer Xian Monroix. Ang dating hari at reyna. Nalaman ko rin na mayroon akong kakambal pero hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung nasaan ito at kung anong nangyare dito. Sinubukan kong hanapin ito pero kahit saan,walang nakapagtuturo sakin kung nasaan ito.

Ang ikinakatakot ko ay baka may masamang nangyari dito pero dahil sa vision ni Marina, lumakas ang paniniwala ko na darating ang araw magkikita kami.

"I'm sorry I don't know. My only vision is that Xierra, the one you are talking to,is asking for your help. I think she is in pain at that moment. I also heard you sob and beg." Nanghihina kong binaba ang mga kamay nito at yumuko. Ibig sabihin malalagay sa panganib ang kapatid ko?

Kaylangan ko siyang hanapin. Kaylangan kong malaman kung ligtas ba siya o kung may masama ng nangyare sa kanya.

Agad akong tumayo at hinarap si Sir. Craig

"What are we going to do. We know that all Endroit will be soon in danger. We must move now. We should find why Marina is getting weaker and weaker and if those kronos are the one responsible" seryoso kong saad. Tumango naman ito

"Some soldiers are already in a move to find out why all of these are happening. The king and queen also ordered some of the high ranks to search" kaylangan ng malaman kung bakit nangyayari ang lahat ng ito.

"And Chloe,report all of these to Sir Takuma but tell him to do not tell to the students the situation" tumango na lamang ako at nagpaalam na para bumalik sa academy

"Chloe are you alright?" Nag aalalang tanong ni April sakin. Umoo naman ako. Sa wakas ay lumakas muli ang loob kong makikita ko na siya isa sa mga araw na ito.

Kaylangan kong magpatuloy sa paghahanap dito dahil baka nasa banganib na pala ang buhay nito

Maghintay ka lang Xierra, magkikita rin tayo. Pangako.

Kingdom Magical Academy (EDITING) #Wattys2016Where stories live. Discover now