Chapter 11

4.3K 109 12
                                    

Chloe

The class started with a bliss. Dahil nga bumalik kami sa Neophyte ay puro mga bagong muka ang kasama namin although I recognized some of their faces.

Sabay sabay kaming umupo nila Xia at April sa bandang likod pero kinalaunan ay lumipat ng upuan si Xia. Seems like she knows someone already. I rest my head on top of my arms at the table while waiting for our professor. More than five minutes had passed when I heared footsteps entering our classroom kaya bumangon na ako.

"Good morning class. I am Sir Fidelgo and I will be your History teacher. " I just yawned. Tsk boring.

I went back to my original position, resting my head on top of my arms on the table. I know naman na hindi niya ako sisitahin. He was my professor before that is why I already know him.

"since most of you ay hindi ko pa kilala, introduction muna tayo" nagsimula ng magpakilala ang bawat isa. Sinabi rin nito kung anong elemental power meron sila. I didn't bother listening to them and just waited for my name.

"Chloe Grace Monroix. Fire User" sabi ko. May nagtaas naman ng kamay. Jared Santiago ang natatandaan kong pangalan nito. Tumango naman ng isang beses si Sir Fidalgo para tumayo

"Uhm anak ka po ba ng hari at reyna?" Tanong nito. Napasinghap naman ang iba at nagbulungan. Sabagay iilan lang ang mga may alam. Halos lahat kasi dito ay mga bago. Maaaring kaka upgrade pa lang ang halos lahat dito. Mayroon kasing dalawang eskwelahan ang Endroit. Ang Elemental Training Academy at etong kingdom magical academy. Sa training kasi ay doon yung mga hindi pa masyadong hasa sa kanilang kapangyarihan o kaya naman ay hindi alam na meron sila nito.

My head turned to Xia. Why did Sir Takuma decided to enroll her here instead at the Elemental training academy? 

I immediately removed my gaze to her and instead focused to the person who asked me.

"I was adopted." That is all I could say and immediately sat. This is my way of saying that I don't want to answer any of their questions anymore. Sunod sunod ang nagpakilala hanggang si Xia na.

"Maxinne Xiara Reyes. Uhm hindi ko pa alam ang elemental power ko" nahihiya nitong sabi. Whispers enveloped the whole room. Inawat naman ni Sir. Fidelgo ang lahat at sinabing tumahimik

"Its the principal's decision. I think he believes na makakayanan niyang makipagsabayan sa mga tao rito once na malaman niya ang kapangyarihan niya."binigyan nito ng ngiti si Xia at nakahinga naman ito ng maluwag. Nang umupo ito ay nagtuloy tuloy ang pakikipagkilala hanggang sa natapos ang klase.

I immediately went to where Xia is.

"Xia" tawag ko dito. Napaangat naman ang tingin nito at nagtatakang tumingin sakin. I need to start my mission given by sir Takuma which is training her to be able to know her charm.

Hindi ko alam kung bakit sa dinami dami ng pwedeng magturo sa kanya ay ako pa ang napili. Kung tutuusin hindi ko rin kaya pang makontrol ng masyado ang kapangyarihan ko kapag nahahaluan ng emosyon.

"Bakit? May kaylangan ka?" umiling naman ako

"Ako kasi ang inatasan ni Sir Takuma na magtrain sayo para malaman kung anong klaseng elemental ka" deretso kong sabi. Gulat namang expression ang nakita ko rito. Hindi niya siguro inaakalang ako ang magiging trainor niya.

Sabagay ako nga hindi ko rin inaasahan ang lahat ng ito.

"Ano bang gagawin natin?" Inosente nitong tanong. Siguro narealize na rin niya na wala kaming magagawa sa kasalukuyang sitwasyon. Hindi naman kasi kami close sa isa't isa kaya maaaring nag aalinlangan siya.

"Diba narinig mo na yung about sa rate? We have one month para mapalabas yang elemental power mo. In order for us to do that, kaylangan nating magtrain. We'll start tomorrow morning. 3 am " sabi ko dito. Gulat naman itong napatingin sakin

"3 AM?! Bakit ang aga?!" Tanong nito sabay kamot sa ulo

"3 am dahil meron pa tayong klase ng 7 hanggang 5. Hindi pwedeng gabi dahil meron tayong curfew" Explain ko

Tumango na lamang ito at iniwan ko na ito.

Mabilis lumipas ang oras. Bago kami matulog ay pinaalalahanan ko si Xia na gumising ng maaga dahil sa training. Gusto pa sanang sumama ni April kaso alam ko namang hindi niya kayang magising ng ganong kaaga.

--

2 am ng gumising ako para makapag ayos. Tinignan ko naman ang katabi kong higaan. Hanggang ngayon ay tulog pa rin si Xia

Bumangon na ako at nag ayos. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay ginising ko na ito

"Xia tara na. Malapit ng mag alas tres"

Tinataboy lang naman nito ang kamay ko kaya napabuntong hininga na lamang ako. Lumabas naman si Sifera at tumingin rin dito.

Paano mo gigisingin siya? Malapit ng mag alas 3 pag 4 pa tayo aalis baka wala na tayong oras para makapag ensayo

Tumango na lamang ako at kumuha ng timba at nilagyan ng tubig.

Sisigaw pa sana siya ng takpan ko ang bibig nito.

"Wag kang maingay. Natutulog pa si april. Baka magising natin. Mag ayos ka na" sabi ko. Tumango naman ito at tinanggal ko na yung kamay ko sa bibig niya.

Matapos niyang mag ayos ay magsimula na kaming gumayak. Naipagpaalam ko na kay sir Takuma na sa isa sa mga training room kami mamamalagi.

Tahimik kaming naglalakad papunta doon ng magsalita ito

"Saan ba tayo pupunta?"

"Doon tayo sa training ground sa may main. Medjo malayo siya ng konti pero kaya naman. It is better if doon tayo magtratraining dahil kompleto ang mga gamit"paliwanag ko. Tumango naman ito at hindi na nagsalita

Ng sa wakas ay nakarating na kami, agad ko namang sinet ang hologram. Na makakapagpabago sa itsura ng room. Kung kanina ay isang malawak na bakante lang ito, naging isang parang forest na. Mangha namang napatingin dito si Xia at nagulat.

"Lahat ng nakikita mo ay hologram pero mahahawakan mo siya. Para siyang illusion na totoo." Paliwanag ko

"Lets start na" sabi ko. Tumango naman ito at agad kaming nag indian sit.

"first muna nating gagawin ay dapat malaman kung ano ang elemental mk"

"Pano ba gagawin yon?" Tanong nito.

"Mag concentrate ka. Parang nagmemeditate lang. Damhin mo lang yung sarili mo. ipikit mo ang mga mata mo" agad naman niya itong sinunod at nirelax ang katawan

"Good. Now magfocus ka. Hanapin mo yung center mo. Pag may nakita kang pinto ay buksan mo at pumasok ka" sinunod naman niya ito at nakita kong concentrate na concentrate talaga siya.

Ilang minuto na ang lumipas pero hanggang ngayon nakapikit pa rin ito. Maya maya lang ay iminulat na niya ang kanyang mga mata

"Wala akong nakikitang pinto or anything. Parang madilim lang." Bigo nitong sabi.

"subukan mo uli"

Ilang oras na kami dito at mag uumaga na pero hanggang ngayon wala pa rin kaming progress

"Nakakainis naman eh! Huhu wala na bang ibang way?" Reklamo nito

Napabuntong hininga na lamang ako. Mukang mahihirapan kami.

"Wala eh. Mag uumaga na. Sige subukan mo ng isa pa. Kapag ayaw talaga bukas na lang natin ipagpatuloy" sabi ko.

Sinubukan naman niya ito pero wala pa rin talaga kaya bumalik na lang kami. Dumiretso kami sa kwarto namin at agad na nakatulog naman ito. Samantalang ako naman ay lumabas para magpahangin.

○○○○○○○○

Edited version hehehw mas ok na yung plot pero sorry sa mga maling grammar, spelling and many more. Saka ko na aayusin siya pag tapos ko na yung story. Kaya ko lang naman ineedit kasi ayaw ko yung plot dahil walang patutunguhan but all in all eto na po :)

Kingdom Magical Academy (EDITING) #Wattys2016Where stories live. Discover now