Chapter 13

3.9K 102 13
                                    

Xia

Isang linggo na ang nakalipas pero hanggang ngayon hindi ko pa rin nalalaman ang element ko kaya puspusan ang pagtratraining namin ngayon. Idinilat ko ang isa kong mata. Nakita kong parang malayo ang nilalakbay ng isip ni Chloe. Halos isang linggo na itong tulala kaya madalas kaylangan ko siyang tawagin ng dalawang beses.

"Uhm Chloe?" Napaigtad ito at napatingin sakin. Sinabi kong wala pa rin talaga at unti unti ng nauubos ang oras namin.

"Sige. Bukas na lang natin ituloy" at deretsong umalis. Napakunot naman ang noo ko. May problema kaya siya?

Lumabas narin ako tutal naman tapos na kami. Agad akong bumalik sa kwarto. Naabutan kong tulog pa rin si April pero wala si Chloe. Baka may inaasikaso.

Hindi ko na pinansin yon at agad ng nag ayos. Tutal naman kasi hindi rin ako makakatulog sa maikling oras.

------

"Ok ngayon ay pipili kayo ng weapon niyo. Kung ano ang napili niyo, hindi niyo na siya pwedeng baguhin kaya dapat ay tignan niyo kung anong type ng weapon ang makakagalaw kayo ng maayos" sabi ni Ms. Zarina. Siya ang teacher namin sa weapon subject. Every wednesday to friday ito. Nung last week kasi ay diniscuss lang niya yung iba't ibang klase ng weapon para daw maging familiar kami at para madali kaming makakapili ng weapon.

"Follow me"

Agad kaming sumunod sa kanya. Kahit naka ilang araw na ako dito hindi pa rin nawawala ang paghanga ko sa mga dinadaanan namin. Para kasing hindi pa rin kapanipaniwala ang mga pangyayari. Na yung akala ko sa fairytales lang may mga ganito pero talaga pa lang totoo sila.

Ilang sandali lang ay tumigil si mam sa isang pintuan na gawa sa metal kaya napatigil na rin kami. Tinapat nito ang kanyang kanang palad. Bigla na lang umilaw ang pinto kasama na rin yung kamay ni mam. Napawow na lang ako. Grabe ang galing talaga!

Kaya siguro ako mabilis mamangha dahil hindi ko pa nararanasan ang makapagpalabas ng element. Minsan iniisip ko nga na baka nagkamali lang talaga sila. Na baka wala naman talaga akong element.

Umiling ako. Kaya ko to. May tiwala naman ako na tama ang tingin nila sakin. Na kabilang ako sa kanila.

Nang binaba na ni Mam ang kamay niya ay parehong nawala yung ilaw. Saka biglang nagbukas yung pinto.

Nagsipasukan na kami. Sobrang lawak niya pero walang kahit anong mga gamit maliban dun sa gitna na may lamesa na may pagitan saming salamin na pinto. Teka asan yu-

"Ok class. Hindi simpleng pipili lang kayo ng weapon ay ok na. Kaylangan niyong paghirapan ang pagkuha ng isa sa mga ito. Sa loob ng glass door na kung saan nakalagay yung lamesa ay may mga weapon dito. Sa oras na mahawakan niyo yung weapon, mayroong lalabas na trial sa inyo. Pag napagtagumpayan niyo yon, sa inyo na yung weapon. Mag uupgrade ito base sa lakas o sa galing niyo sa paggamit nito"

Kinabahan ako bigla. Baka kasi pumalpak ako. Sa pagtratraining kasi namin ni Chloe, mga basic lang ang ginawa namin. Mas focus kasi kami sa pagpapalabas ng charm ko.

Napakagat na lang ako ng labi at tinignan isa isa ang mga kasama ko. Halata mong yung iba excited at yung iba naman kinakabahan tulad ko. Hay pano na to?

"just remember the things na itinuro ko. Although those are all just basic, malaki ang maitutulong nito sayo mamaya" napangiti ako at tumango dito. Kahit na yon lang yung sinabi niya, parang nagkaroon ako ng lakas ng loob.

Kaya mo yan Xia!

Nagsimula nang mag tawag si mam. Ang una niyang tinawag ay Dandeli Quin ang pangalan. Nang tumayo ito, siya pala yung laging nasa dulong nakaupo. Napatingin ako sa grupo ng nag uusap sa gilid ko at pinagtatawanan siya.

Napairap na lang ako. Uso rin pala dito ang bullying. Akala ko mga mababait lahat ng tao dito. Hindi rin pala.

Nang makarating na siya sa loob ay biglang nagsara yung glass door. Lumapit siya sa may table at pumili. Isang sword.

Biglang nagdilim yung lugar sa loob. Kaya hindi namin siya makita at kung ano na ang nangyayari sa kanya. Ilang sandali lang ng biglang may lumitaw na parang 3d projector at doon nakita namin si Dandeli na naglalakad sa teka- kagubatan? E diba nasa loo-

"As you can see, after you choose a weapon, the room will randomly pick a place that it would imitate. Kaya parang totoo talaga." Pagkatapos niyang magsalita ay nakita naming may biglang lumitaw na mga lobo.

Nagsimula na silang maglaban. Grabe nakakatakot yung itsura ng lobo. Hindi siya yung pangkaraniwan na napapanood ko sa national geographic dati sa kabilang mundo. Mas malaki at mas maraming mga ngipin ito.

Habang patagal ng patagal yung oras ay mas dumadami pa lalo ang mga umaatake sa kanyang mga lobo. Mahahalata na rin sa kanya ang pagod.

Napasinghap ako ng biglang makalmot ng isang lobo ang braso nito at napaatras.

"Wag rin kayong makampante. Lahat ng matatamo niyong sugat ay madadala niyo kahit wala na kayo sa loob" teka so ibig sabihin pwede kaming mamatay sa loob?!

Te-teka hindi ko ata to kaya! Hidni pa ko ready!

Napakagat ako ng labi. Maya maya ay huminga ng malalim. Kalma ka lang Xia. Hindi ka mapapahamak. May mga healer naman na darating siguro incase na sobrang lala na ng mga sugat siguro.

Ilang minuto rin ang tumagal ng lang minuto bago naubos ang mga lobo. Napaluhod itong hinihingal. Biglang umilaw yung espada nito at nagform ng isang mas magandang espada. Wow!

"Good job." Napatingin ako kay Mam. May hawak itong mic. Nakakonekta siguro sa loob kaya narinig siya nito.

Biglang bumalik sa dati at pati yung mga nakalatag na mga weapon ay bumalik rin sa dating pwesto. Nakaluhod naman habang hawak nito ang espada si Dandeli. Agad na pumasok ang mga paramedics / healer sa loob at inalalayan ito.

"Ok next."

====

Sorry for the longgg update. I'll try to update more often kaya sorry po. Marami rin po kasi akong ginagawa and I think baka sa summer ko tatapusin na to then ieedit ko. Hindi kasi ako satisfied sa way ko ng pagsusulat dito kaya ieedit ko siya after kong matapos. Yun lang and next update not sure kung kaylan but I think next week sat din. Every weekends ako mag uupdate :)

Kingdom Magical Academy (EDITING) #Wattys2016Where stories live. Discover now