Chapter 12

4.1K 108 6
                                    

Chloe

Napabuntong hininga ako.

Agad na lumabas si Sefira at lumipad sa gilid ko.

Napapadalas ang pagbubuntong hininga mo ah.

Hanggang ngayon kasi ay nag aalala ako kung makikita ko pa ba sila. Isa rin yung kung paano ko malalaman ang elemental ni Xia.

Sagot ko habang nakatingin sa harap. Andito nanaman kasi ako sa likod. Hindi ko alam kung bakit pero tuwing pumupunta ako dito ay narerelax ako at nakakapag isip isip.

Yun lang ba?

Napabuntong hininga muli ako. Napachuckle naman si Sefira.

Sabi na nga ba.

Ngumiti naman ako sabay baling sa kanya

Wala talaga akong natatago sayo no! Syempre kung ano ang nasa isip ko nalalaman mo.

Binaling ko muli ang tingin ko sa harap at ngumiti ng malungkot

Dapat na ba akong sumuko?

Ano ba sa tingin mo?

Nangingilid ang luha na binaling ko ang tingin ko sa kamay ko.

Nahihirapan akong pakawalan siya. Gustong gusto kong lumaban kahit na masaktan ako ok lang. Deserve ko naman yon. Pero kung wala na talaga, hindi ko na ipagpipilitan ang sarili ko

Agad na nagsipatakan ang mga luha ko na tumatama sa kamay ko. Lumapit naman si Sefira at niyakap ang balikat ko. Agad kong tinakpan ang muka ko ng kamay ko at doon humagulhol

Ng mahimasmasan ay agad akong bumalik sa kwarto at nag ayos. Tinakpan ko ng make up ang mga mata ko para hindi halatang kagagaling ko lang sa iyak.

Pagkatapos ay dumiretso na ko sa klase.

----

Ng matapos ay sabay sabay na kami nila Xia at April na kumain sa canteen. Kasama rin namin yung bagong kilalang kaibigan ni Xia na Celine ang pangalan. Agad kaming nag order at kumaim

"Grabe ang ganda mo sa personal" manghang sabi nito sabay titig sakin. Nailang ako at the same time nagtaka

"Kilala mo ko?"

"Oo naman no! Sikat ka kaya sa Elemental training academy. Sinasabing magaling ka daw lalo na sa paghawak ng mga armas." Naflatter naman ako. Nagkwentuhan lang kaming apat hanggang sa ilang sandali lang ay narinig namin magsi hiyawan at impit na kilig ang mga kababaihan. Agad naming sinundan ng tingin sa kung saan sila nakatingin

Doon ay tumambad samin ang grupo ni Nigel Montero. Sa likod nito ang mga kaibigan niya. Tinagurian siyang Light king kahit hindi pa naman talaga sure kung doon nga siya. Siguro dahil lagi siyang napupunta sa Light at siya ang nagiging head lagi

Pagkatapos nilang pumasok at umupo sa isang table ay nagsitilian nanaman muli ang mga madla. Agad na kumabog ang puso ko.

Easy heart.

Mula sa pintuan ay pumasok si
Zhion Florenz. Kasunod rin nito ay ang kanyang mga grupo. Tulad kanina ay umupo rin sila sa katapan na table nila Nigel. Kitang kita na parang may barrier sa pagitan ng dalawang grupo. Siguro ay dahil si Nigel ang namumuno sa Light samantalang si Zhion ay sa Night.

Tulad ni Nigel, si Zhion ay laging nasa Night at lagi ring siya ang namumuno rito kaya kahit wala pa yung hatol ay sure ball ng sa Night siya at si Nigel ay sa Light.

Ilang sandali pa ay nagpatuloy lang ang pagkain ng lahat na parang wala lang. Bumaling ang tingin ko kay Nigel at nahuli ko naman siyang nakatingin sakin. Tipid naman akong ngumiti. At nagtuloy ng pagkain pero ilang sandali lang ay hindi na ko natiis kaya agad kong binaling ang paningin ko sa kanya.

Nahuli ko siyang nakatingin rito at kumabog ang aking dibdib. Kaya lang hindi sa saya.

Kita kong nakatingin ito sa table namin hindi para sakin kundi para kay Xia. Tinignan ko ito at bumaling rin ang tingin niya kay Zhion at nahihiyang ngumiti rin.

Agad akong tumitig sa pagkain ko at doon na lamang pinagtuonan ng pansin ang atensyon. Ilang sandali lang ay agad akong tumayo at sinabing may gagawin.

Nanlalabo man ay pinilit ko paring magpakatatag at ng makarating ako sa safe haven ko. Ang likod ng school ay doon ko na binuhos ang lahat at humagulgol.

Agad na lumabas si Sefira mula sa kwintas ko.

Shh... please don't waste your precious tears to someone like him

"Hi-hindi ko kaya Sefira. Natatakot ako. "

I know you are a strong person kaya alam kong makakaya mo yan.

"I guess this is really the end of us" nanginginig kong sabi. Siguro nga tama na. Alam kong nasaktan ko siya ng sobra at hindi ako deserving para sa kanya

We will get through this. I know we will. Andito lang ako

Ilang sandali lang ay unti unti na kong nagiging ok. Siguro ay tanggap ko na rin. Na may mga bagay na dumadaan sa buhay natin hindi para magstay kundi para bigyan tayo ng aral.

Ng mahimasmasan ay hindi na ko umattend sa mga klase. Magpapalusot nalang siguro ako na may sakit. Nagpahinga na lamang ako sa kwarto at agad na nakatulog.

Gumising na ko ng 5 at nakita kong wala sila Xia at April. Kakatapos lang kasi ng klase. Dahil ayaw ko pang kumausap o may magtanong man ng kung ano ay minabuti kong pumunta na lang sa library.

Ng makarating ay nakita kong mangilan ngilan ang nagbabasa. Siguro ay para malaman ang tungkol sa Endroit.

Naghanap naman ako ng librong mapaglilibangan ng magpop up sa utak ko ang gusto kong hanapin na uri na libro.

Ilang sandali lang ay may tatlo akong nahanap na libro. Agad akong umupo since nakacarpet ang sahig kaya malinis naman. Sinimulan kong basahin ang title ng libro.

Ways to know your element

How to release your element

Controlling your element

Yung dalawa ay para makatulong sa training ni Xia. Kahit man may ugnayan sila ni Zhion ay gagawin ko pa rin ang tungkulin ko na iniatas sakin.

Samantalang ang isa naman ay para mismo sakin. Sa larangan kasi ng armas ay kahit papano magaling ako pero kung ang pag uusapan ay ang elemental power ko, masasabi kong hindi ko pa kaya.

Ang fire element ay isa sa pinakamahirap na element na icontrol. Kaya ko naman ang mga basics kaya lang pag hinahaluan ko kahit ayaw ko man ng emosyon ay nagwawala ito at lalong lumalakas.

Hindi ko na namalayan ang oras kaya ng nalaman kong 11 na ng gabi ay binalik ko na ang mga librong ginamit ko at umalis.

Habang naglalakad ay kapansin pansin ang katahimikan. Agad kong binilisan ang paglalakad dahil medyo madilim na. Malapit na sana ako ng may humigit sakin.

○○○○○○○○

Second edited update hehehe sino kaya ang humigit kay Chloe...can you guess?

Vote and comment


Kingdom Magical Academy (EDITING) #Wattys2016Where stories live. Discover now