☆ Chapter 5

4.7K 126 11
                                    

Ilang sandali pa ay nakarating na si Xia sa pinagganapan ng party. Ang bahay ni Cass. Masaya silang nakisali at kahit naiilang man si Xia ay pinagsawalang bahala na lamang niya ito. Ipinagtataka ni Xia na yung mga kasama sa party ay yung mga taong pinandidirian siya sa highland pero himbes sa mangyari yon ay sinasali pa mismo siya sa pagparty.

Ngayon lang naman eh. Aniya ng kanyang isip. Pagkakataon na rin niya ito upang matanggap siya ng lahat.

"Iha kain na. Mamaya mo na ituloy ang paghahanap ng impormasyon sa kanya." Tinignan lamang ni Chloe ito. Napahilot na lamang siya ng sentido.

"Sige po bababa na ko" nang mawala ito ay napabuga si Chloe ng hininga. Kahit na ilang buwan na ang lumipas ay hanggang ngayon wala pa ring lead kung saan niya mahahanap siya. Pero kahit na ganun ay hindi ito nawalan ng pag asang balang araw ay magkikita sila muli.

Hindi lang tungkol sa kanya ang iniisip nito. Hindi mawala sa isip ni Chloe ang sinabi sa kanya ni April noong mahigit isang buwan ng nakakaraan. Naibalita na rin sa kanya na walang may alam kung bakit nagpakita ang mga dark gryms.

Ang dark gryms ay isang nilalang na nakakulong sa underworld. Isang lugar na puro kasamaan.
Kaylangan mayroong magbukas ng dimensyon o tinatawag ma black hole para makalabas ang mga ito. Ang tanong, sino at bakit.

Napabuntong hininga ito.

Samantalang sa bahay naman ni Cass ay si Xia ay mag isang nakaupo at umiinom ng ice tea.

Maraming usok,maingay at mga malilikot na ilaw ang makikita sa kinatatayuan ni Xia. Marami ang sumasayaw ngunit ayaw naman niyang makisali dahil hindi siya sanay.

Niyaya na rin siya ni Cass na uminom at sumayaw pero hindi niya pinaunlakan ito. Alam naman kasi niyang magagalit ang mga magulang.

Para siyang loner na naligaw lamang sa party dahil wala man lang kumakausap sa kanya. Para ba siyang hangin na dinadaan daanan lang ng mga tao.

Mas mabuti pa kung umuwi na lang ako. Isip niya. Tumayo siya at hinanap si Cass na ngayo'y nakikipagsayawan sa kapwa nitong kabarkada.

"Cass uuwi na ko. Baka nag aalala na sila nanay"

Nabahala si Cass kung kaya't sinabihan niya ito na may gagawin lang saglit. Nagtataka man ay hinayaan na lang niya ito. Umalis si Cess at pumunta sa dj,kinuha ang mic at ipinatigil ang tugtog. Nagtinginan ang lahat sa harap.

"Good evening guys!!! Nag eenjoy ba kayong lahat?!"sigaw nito

nakakabingi namang tugon ng lahat. Napangiti naman si Xia dahil aminin man niya o hindi ay talagang nag enjoy rin siya. Ngayon lang kasi siya niyaya sa isang party.

"Since nag enjoy tayo, iwelcome naman natin ang bago nating kasama sa barkada. Xia please come forward"

Gulat na gulat si Xia. Hindi siya makapaniwala na sa buong araw na namalagi siya sa paaralan ay ngayon lamang siya natanggap bilang isang kaibigan. Nangingilid ang luhang humakbang ito. Nagsi atrasan naman ang mga tao upang bigyan siya ng lugar.

"Xia, welcome to our group" ani to sabay ngisi

Napangiti na lamang si Xia ngunir walang anu ano ay bigla na lamang siyang nakaramdam ng panlalamig. May nagbuhos lang naman sa kanya ng tubig. Mabaho at amoy malansa ito. Nagtawanan lahat ng nandoon. Hindi pa sila nakuntento dahil may mga nambato naman ng mga itlog at kamatis. Napaupo na lamang ito. Panay mura at pang iinsulto ang natanggap ni Xia.

"Ba-bakit?" Tangi lamang nitong sambit. Hindi kasi siya makapaniwala sa lahat ng nangyayari hanggang ngayon. Parang ayaw pang iproseso ng kanyang utak ang mga nangyayari.

"Bakit?well nagtaka ka pa. Akala mo ba talaga matatanggap namin ang isang dukha?eww ha! and since gusto namin ng mapagtritripan, ikaw ang naisip niya kaya ininvite ka namin. Ang tanga mo kasi girl. Asa pa more!"  sabay tawa naman ng lahat. Hindi inakala ni Xia na maging ang kaisa isang taong tingin niya kaibigan sa highland ay siya ring nagpahiya sa kanya.

Hindi na kinaya ni Xia ang kahihiyan kung kaya't tumakbo na lamang ito paalis sa lugar na iyon.

Himbes na maguilty ay lalo pang naghiyawan ang mga ito.

"Cheers for the success guys!!!!" Sigaw ni Cass.

Samantalang parang zombing naglalakad lamang si Xia sa kalsada. Tulala,umiiyak,magulo ang buhok at madungis na pag nakita mo'y mapagkakamalang baliw. Hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwalang si Cass na tinuring na niyang kaibigan kahit sa sandaling panahon ay ang tratraydor sa kanya. Akala pa naman niya ay tanggap na nila ito ngunit nagkamali siya

Kinuyom nito ang kanyang kamao. Naalala niya ang sinabi ni Cass

Wala naman akong ginawa sa kanila pero bakit niya ako ginaganito? isip nito.

Mahigit isang oras ng makarating si Xia sa kanilang bahay. Sa pagod ay hindi na niya inabalang buksan pa ang ilaw.

Tuloy tuloy lang siya ng may naapakan ito. Napansin niyang kumikinang ito kaya pinulot niya. Naalala niya na ito ang kwintas ng kanyang ina. Sa pagkakaalam niya ay hindi nito tinatanggal ng kanyang nanay sa leeg nito kaya kinabahan agad siya. Dali dali siyang bumalik sa switch ng ilaw at ng bumukas ito ay nasindak siya sa nakita

========================================================
New update po :)
<vote>

<comment>

**IK3BoOkLoVeR**

Kingdom Magical Academy (EDITING) #Wattys2016Donde viven las historias. Descúbrelo ahora