DO NOT READ YET

3.6K 91 14
                                    


Xia

Nakakaasar talaga! Kung hindi lang dahil sa shokoy na to di kami mapupunta sa principal eh!

" In this academy,we don't tolerate those kinds of behavior. Since you two made a scene a while ago, you need to be punished." Seryosong sabi ni sir. Takuma. Dinala kasi kami ni Chloe sa office nito. Kung alam ko lang na dito niya kami dadalhin edi sana nagmakaawa na ko

Tinignan ko naman itong katabi kong shokoy. Teka sino ba to? Nahuli naman niya akong nakatingin sa kanya. INIRAPAN AKO?! nakakastress bading ata to. Sayang gwa- erase erase!

Tuloy lang sa pagsesermon samin ni sir takuma ng mabaling ko ang tingin ko kay Chloe. Ay ang bruha ngiting tagumpay. Sinamaan ko nga ng tingin. Aba tinaasan lang ako ng kilay?! Ahitin ko kaya ay este hehe joke lang baka isumbong niyo ko sa kanya.

"Chloe, kindly accompany them to the room. Ms.Gomez and Mr. Montero, please follow her"

Agad naman kaming lumabas . Nagtuloy tuloy lang kami sa paglalakad ng huminto kami sa isang room. Hmm - WHAT?!!!

"pasok na." Ngiting tingin samin ni Chloe. Teka ano bang gagawin namin dito? Pumasok naman si Montero? Surname niya ata. Tsk pake ko ba.

Tumingin naman sakin si Chloe at tinaasan ako ng kilay. Pati ba ko?

Bigla na lang niya akong tinulak papasok at sinarado ito. Wahhhh!!!

"Chloeee buksan mo to!!!" Sigaw ko. Pinipilit kong buksan yung pinto pero bakit ayaw?!

"There's no use. This room is for those people who had a fight. Kusa lang tong magbubukas kung magkakaayos tayo. Which I doubt."sabi nito. Aba nagawa pang matulog. Huhu baka irape ako nito. Takot ko namang hinawakan ang buo kong katawan. Yun bang parang pinoproteksyonan. Kailangan ko yon para malayo sa isa shokoy.

"As if i'm interested." Irap nito sabay pikit uli. Wow nahiya naman ako sa kanya.

Wala na kong nagawa kundi padabog na umupo na rin sa sahig. Mga isang kilometer. De joke lang mga isang tao ang pagitan. Wala kasing kahit anong gamit dito. Simpleng Puti lang siya. Ang makikita mo lang talaga ay yung pinto. Pano ba kami makakaalis dito? Sabi kasi niya na kapag daw nagkaayos lang kami. Tsk pano kami magkakaayos kung ugaling sanggano siya.

"Ano ng gagawin natin?" Tanong ko. Jusko ayoko pang maagnas dito. Mas gugustuhin ko pang pakisamahan ang isang shokoy.

Dinilat naman nito ang kanyang mga mata at tinignan ako. Weird.

"Hmm... ah! You should apologize. Since ikaw naman ang nakatapon" ngiting maloko nitong sinabi

"Wow ha! Fyi ikaw ang unang nakabangga!" Naiinis na ko ha! Siya naman talaga yung una.

"Hmm then goodbye freedom" sabi nito sabay pikit uli.

Napakagat naman ako ng labi. Ano bang mag pipiliin ko, freedom o pride?

"Lul! Kung ayaw mong magsorry sa AKIN, Aba sabay tayong magdusa." Sabi ko sabay irap. Ok mapride akong tao. Bahala siya.

"Ok if that's what you want" kibit balikat nito.

"Ano nga palang pangalan mo?" Hindi ko na napigilang itanong. Hindi ako curious! Incase lang na pagsamantalahan niya ako,masasabi ko sa mga pulis.

Bakit may pulis ba dito Xia? Ewan ko sayo brain manahimik ka na nga lang. Panira ka eh.

"Pfft" pigil nitong tawa. Bakit anong nakakatawa sa sinabi ko? Nabaliw na ata to.

"Nevermind" sabi ko sabay irap. Pasalamat nga siya kinakausap siya ng isang dyosang tulad ko

Ilang minutong katahimikan ng biglang namatay ang ilaw.

"SHET!!!!!!!!!!!!!!!KYAHHH!!!!!" sigaw ko sabay takbo papunta kay shokoy. Napayakap naman ako dito

"He-hey!wtf are you doing?!" Pilit nitong inaalis ang pagkakayakap ko dito.

"Bu-buksan mo yung ilaw!"nanginginig kong sabi

"Hindi ka ba nakikinig kanina kay sir Takuma? At exactly 12 namamatay yung ilaw dito. A punishment daw. Tsk as if matatakot ako. He- hey!get off!" Sabi nito

Shit shit lang talaga! Ilang sandali pa ng tinigil na nito ang pagtulak sakin

"Are you crying?" Malumanay nitong sabi. Wala na kong nagawa kundi ang umiyak pa lalo

Mommy

Daddy

Niyakap naman ako nito. At pinatahan. Yung kaninang matapang na ko, nawala dahil lang sa simpleng dilim. Xia ang duwag mo talaga kahit kaylan!

"Please wag mo kong iwan. Baka kunin nanaman nila ako." Patigil tigil kong sabi. Ayoko ng maulit yung noon

"Walang kukuha sayo dito." Sabi nito. Niyakap ko naman siya ng mas mahigpit.

"Ple-please" iyak ko.

Inilagay naman nito ang ulo ko sa balikat nito at hinawakan ang kamay ko

"I will protect you. I promise." Sabi nito.

Naramdaman ko na lang na pumipikit na ang mga mata ko. Bago ako nakatulog, narinig ko pa siyang nagsalita.

"Nigel. My name is Nigel Montero"

○○○○○○○

Hello guys! Another update para sa mga readers :) vote and comment lang po for your thoughts :) Sunday yung next update. Any questions? Send me po then i'll answer all of them. Thank you and please read my other story :) yun lang

**IK3BoOkLoVeR**

Kingdom Magical Academy (EDITING) #Wattys2016Where stories live. Discover now