Δ Chapter 10

4.1K 112 6
                                    

Chloe

Today, we all fixed ourselves and bring all the things that we need since it is the opening ceremony and the same date that we are going back as a student. Kasama namin ngayon si Xia but I just ignored her. Hindi naman ako tulad ni April na madaldal. Pagkatapos kong mag ayos ay lumabas naman agad ako. Sumunod naman si April

"Chloe so whats the plan?" Tanong nito sakin. Tumingin lamang ako at nagkibit balikat. Sa totoo lang ayoko munang mag isip.

I don't wanna think about what I left behind in the mortal world. Ang mahalaga ay makapagtraining muna ako to be able to get stronger na kung sakali man na may makasagupa akong mga nilalang o maging mga kronos ay handa ako.

When we arrived ay kokonti pa lamang ang mga tao. Makikita mo na walang gumagamit ng elemental powers nila. It is because of they are seen using their powers, they are going to face the consequence. Ang detention dito ay yung bracelet. Yung bracelet na kayang tanggalin pagsamantala yung kapangyarihan mo.

Dahil matagal pa naman ay nagpaalam na muna ako kay April and ask her to look after the transferee. Malalagot kami pag may nangyari don.

My feet led me here. At the garden.

Agad akong umupo at sumandal sa puno. Dahil bored ako at kahit bawal, gumamit pa rin ako ng kapangyarihan. Nagpalutang ako ng apoy at pinaglaruan ito sa aking mga kamay na parang bola.

Suddenly, a light emerged from my necklace.

Hindi ka dapat gumagamit niyan. Alam mong malalagot ka

She said. I just rolled my eyes. She is my guardian and her name is Sefira. Guardians ang pumoprotekta sa mga taga elemental. Lahat kasi ay mayroon nito and they are believed to be connected to the soul of their masters.

"Relax Sefira. I won't burn the school.  Well not now." she glared at me and I just smile and said that I was just kidding.

"Careful. You might burn down the whole academy" muntik pa kong mapasigaw ng may nagsalita.

"Tsk. Ikaw lang pala" I rolled my eyes.

Nigel Montero. Sinong mag aakalang ang snob na to ay ang bestfriend ko? Mula ng malaman ko ang lugar na ito ay siya ang una kong naging kaibigan. Nung una pa nga ayaw niya akong kausap pero dahil na rin siguro sa panahong magkasama kami ay nasanay na kaming magkasama.

Agad itong tumabi sa akin.

"Nakakatampo ka" sabi nito. Napataas naman ang kilay ko. Anong ginawa ko?

Tumingin lamang ito ng deretso sa harap.

"I missed you" saad nito at agad na bumaling ang tingin sakin na may kasamang ngiti. Nagulat naman ako dito. Sabagay ilang buwan rin kaming hindi nagkita

"Pasensya na alam mo naman kung bakit kaylangan kong umalis noon" tumingin rin ako sa harap. Kitang kita kung gaano kaganda ang parteng ito ng Academy. Maaliwalas at tahimik.

"You want?" Sabi nito na ikinatingin ko. Hawak nito ang isang mansanas. Kukunin ko na sana ng bigla nitong inilayo sa akin at kinagatan. Napasimangot naman ako doon. Mag aalok siya tapos babawiin?baliw rin to eh no.

"Ewan ko sayo. Sunugin kaya kita diyan?" Banta ko dito

Umirap lang ito at nagbigay na lang ng panibagong mansanas. Hmp! Kaylangan pang takutin bago bumigay eh

Tahimik lang kaming kumain. Pagkatapos ay sabay na kaming bumalik sa hall. Marami ng tao noon at saktong magsisimula na ng makarating kami.

"Hello everyone. Welcome to Kingdom magical Academy! I am Mr. Takuma and I am your principal in this school. Since we all know that every year ay nagkakaroon tayo ng Academy rate. Isang rate na kung saan ay nasusubukan ang inyong mga kapangyarihan. This month ay puro mga basics pa lamang ang ituturo sa inyo. Sa Academy rate kasi ay madedetermine kung saang house ka. Sa Light or Night. Sa ngayon ay magkakasama muna ang mga Neophyte ganun din ang mga Thrive at maging ang mga Deity. Saka lang kayo ihahanay ng maayos kapag tapos na ang Academy rate. Sa isang buwan rin ay sasanayim niyo ang kapangyarihan niyo dahil sa pagsusulit na ito, maaaring bumaba o tumaas ang stage niyo naiintindihan niyo na students?"

Agad namang tumugon ang lahat.

Hindi na ko nagulat sa sinabi ni sir. Mula dati pa naman talagang ginagawa ito. Para bang malalaman mo dito kung gaano ka kalakas at the same time ay malalaman kung saan ka kabilang.

Ang mga kabilang sa Night, sila yung mga taong magaling sa pakikipaglaban. Sila rin yung mabibilis at ang head ng house na ito ay si Sir. Freyo samantalang ang light naman, dito nakikita yung mga elementals na magaling sa trategy at maging sa healing. Minsan ay may napupuntang malalakas sa light, minsan ring may napupuntang healing sa Night. Dahil ito sa Book Of Source. Ito kasi ang magpapasya kung saan ka kabilang kaya masasabing pareho lang ang bawat house.

Pinaalis na kaming lahat ni Sir Takuma. Bukas pa naman daw ang simula talaga ng klase.

"Chloe" tawag ni Nigel sakin. Nabaling ko naman ang tingin ko kay Zhion na ngayon ay kasama na si Xia. Agad naman akong sumunod na lamang kay Nigel. Sabay kaming pumunta sa canteen area para kumain. Pagkatapos ay naghiwalay na kami. Pinapatawag kasi ito ni sir Takuma samantalang ako naman ay bumalik na sa kwarto tutal naman wala pang gagawin.

Napabuntong hininga ako.

Wag kang mag alala. Gumagawa na ng paraan ang hari at reyna para malaman kung nasaan ang iyong tunay na mga magulang.

Hindi kasi ako mapakali. Nag aalala pa rin ako na baka hindi nila sila mahanap. Tugon ko.

Kaya rin kasi ng elemental na makipag usap sa mga guardian nito mula sa isip.

Magtiwala ka lang sa mga pinadala ng hari at reyna

Tumango na lamang ako at hindi na nagkomento pa.

○○○○○

Edited na po!!!hehehe sana po magustuhan niyo yung edited version kasi yung una wala talaga akong sinusundan na plot kaya po inayos ko po uli ngayon kaya sana suportahan niyo po :)

Kingdom Magical Academy (EDITING) #Wattys2016Donde viven las historias. Descúbrelo ahora