☆ Chapter 6

4.6K 117 7
                                    

Xia

if this is just a dream, can someone please wake me up.

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Basag na mga gamit at gulong gulo na sala na para bang may dumaan na malakas na bagyo.

no no.! Hindi to maaari!

Dali dali akong pumunta sa kwarto nila nanay at katulad ng sala,parang dinaanan din ito ng bagyo. Ang kaibahan lang, may mga patak ng dugo akong nakikita. Para akong nanghina sa mga nakikita ko ngayon. Unti unti akong napaluhod. Hindi ako makapaniwala at nalilito rin kung nasaan sila nanay at tatay.

Hindi ako pinanghinaan ng loob kaya dali dali kong inikot ang bahay habang sinisigaw ang pangalan nila. Nalibot ko na lahat lahat pero kahit anong bakas nila ay wala akong nakita. Napaiyak na lamang ako. Hindi ko alam kung bakit nangyayari to sakin ngayon. Gusto ko lang naman maging masaya.

Kahit nanlalabo ang mga mata ko,ay dali dali kong dinial ang kuya pero nadismaya lang ako dahil hindi nito sinasagot ang tawag. Wala nakong nagawa kundi ang tumawag na lamang ng mga pulis

Ilang minuto pa ay dumating na sila. Sinabi ko lahat ng nalalaman ko at inimbestigahan naman nila. Samantalang marami namang mga tsismoso't tsismosa ang nagkalat sa harapan. Wala sana akong balak pansinin ang mga ito ngunit may nahagip ang mata ko. Hindi ako makapaniwala

"Ku-kuya?" Nalilito kong bulong. Tatawagin ko pa sana siya pero dali dali itong umalis.

"KUYA!" Tawag ko rito at dali daling hinabol. Nakipagsiksikam pa ko sa mga nakikiusyoso. Wala rin namang nakapansin saking mga pulis na umalis ako. Takbo lang ako ng takbo ng makita kong pumasok si kuya sa kagubatan. Ang sinasabing mapanganib na kagubatan dito sa Casa Mirabella. Ito ay dahil lahat daw ng pumapasok dito ay hindi na bumabalik pa. Hindi ko na lang ito pinansin at sinundan si kuya. patuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa naramdaman ko na lang na may humila sakin. At tinakpan ang mga bibig ko.

"Hmmp! Hmmp!!" Pilit akong nagpupumiglas kahit na natatakot na ko. Alam kong lalaki ito dahil tindig pa lang mahahalata mo na

"Shh wag kang maingay. Baka matunton tayo ng mga kronos" Bulong nito sakin. Hindi ko alam pero sinunod ko naman yung sinabi niya. Para kasing alam kong nagsasabi siya ng totoo pero ano daw?krolus?kromos?

Pareho kaming tahimik na para bang may hinihintay. Kinakabahan pa rin ako dahil hindi ko alam kung ano ba ang hinihintay namin at hindi kami pwedeng gumawa ng ingay. Maya maya pa ay may narinig kaming mga yabag.

"Akala ko ba dito natin siya makikita?!"  Ano daw?sino ba yung tinutukoy nila?baka itong katabi ko! Mas lalo akong kinabahan. Pano kung dahil sa kanya ay baka mapahamak lalo ako.

"Hindi ko siya naaamoy" naaamoy? Malakas ang tibok ng puso ko ng maramdaman kong parang malapit na sila.

"Wala siya dito!halina kayo! Kaylangan natin itong ipaalam kay ama."

Pahina ng pahina ang mga yabag hanggang sa tuluyan na itong mawala. Nakahinga na kami ng maluwag at tinanggal na niya yung kamay niya sa bibig ko. Hinarap ko naman siya

"Anong nangyari kanina?bakit mo ko hinila?sino yung mga yon?ikaw ba yung mga hinahanap nila?" Sunod sunod kong tanong. Naguguluhan na kasi ako

Si kuya!

Tatakbuhin ko na sana ang pinuntahan ng mga tao kanina nang agad akong hinawakan sa braso nung lalaking humablot sakin.

"Ano ba! bitiwan mo ko ! Kaylangan ako ni kuya!"pagpupumiglas ko.

"Shut up. Baka mas lalong matunton tayo dahil sa pinaggagawa mo."

Hindi pa rin ako tumigil sa pagpupumiglas. Kaylangan ako ni kuya.

"Hindi pangkaraniwan ang mga makakalaban mo kung patuloy kang magpapamilit diyan. Yung kuyang sinasabi mo, its not impossible that he was captured by those kronos."

Napaluhod na lamang ako at napahagulgol. Hindi pwede. Jusko bakit nangyayari to samin ngayon?!

Ilang minuto pa nang unti unting humina ang iyak ko dahil sa pagod. Hindi naman ako iniwan mag isa nito.

May narinig kaming alulong ng parang isang hayop.

"Let's go. Baka maabutan tayo ng mga carions." Naguguluhan man ay wala akong nagawa kundi ang sumunod dito dahil na rin sa takot.

Dere deretso lamang ito sa paglalakad. Gusto ko man magtanong ay parang wala na kong lakas. Sa dami ng nangyari parang isang panaginip lang ang lahat. Hindi, isang bangungot.

"I'll tell you everything but for now, we need to go" bigla nitong sabi sabay hila sakin. Ilang beses ring napalapit samin yung alulong buti na lang salamat sa kasama ko ay nakakagawa siya ng paraan.

Patuloy kami sa pagtatago hanggang sa makalabas kami ng gubat. Sinabi ko naman kung saan ako nakatira pero umiling ito. Mas makabubuti daw kung sa bahay muna niya ako magpalipas ng gabi dahil baka balikan daw ako ng mga cronos.

"Hindi ba ikaw ang hinahabol nila?" Takang tanong ko. Ano naman kasi ang kaylangan nila samin. Hindi naman kami mayaman.

"Its you who they want. I just happened to saw you entering the forest and might need some help"

Nang makarating kami ay pinagbuksan kami ng isang matanda.

"Zhion iho mabuti nakauwi ka na. Akala ko may nangyaring masama sayo." Napakamot naman ng ulo si Zhion? Zhion pala pangalan niya.

"I'm fine Manang Selfia. By the way this is uhm your name?" Sinabi ko naman ang pangalan ko

"Maxinne Xiera Reyes po. Xia na lang" agad naman kaming pinapasok nito.

Kahit pagod ay hindi ko maiwasang hindi mamangha sa ganda ng style ng bahay. Parang makaluma siya. Yung mga tulad ng bahay ng mga kastila noon nang hinaluan ng modern furnitures. Basta yon.

Inalok kami ni Manang Selfia ng pagkain pero tumanggi ako. Wala kasi akong gana at ang gusto ko na lang ay matulog.

Tinuro ni Zhion ang magiging pansamantala kong kwarto. Pinahiram na rin ako ng t shirt at short ni Manang Selfia. Hindi ko na natanong kung kanino yon.

Pagpasok ko pa lang sa kwarto ay agad akong naligo at nagpalit. Pinatuyo ko muna ang buhok ko bago humiga.

Dala na rin siguro ng pagod ay agad akong dinalaw ng antok.

○○○○○○○

**IK3BoOkLoVeR**

Kingdom Magical Academy (EDITING) #Wattys2016Where stories live. Discover now