DO NOT READ YET

3.4K 90 7
                                    

Xia

Tumayo naman na si Chloe. Excited na kong makita yung charm niya. Ginoodluck ko naman siya,tumango lamang ito. Huminga muna siya ng malalim bago pumunta sa barrier.

Ng mag signal na yung timer, agad na nagsilapitan yung mga mimesis. Teka bakit ang dami naman ata nila? Kung ikukumpara mo dun sa mga nauna,mas marami yung mga mimesis na susugod sa kanya. Agad naman akong nabahala. Pano kung hindi niya kayanin?

"Don't worry. She can do it" napatingin naman ako dito. Nakatingin lamang siya sa may harapan. Ako ba kinakausap nito?binaliwala ko na lamang at sinubaybayan si Chloe.

Ng medyo malapit na yung mga mimesis ay ipinikit nito ang mga mata nito. Nagulat ako ng biglang nagkaroon ng bolang apoy sa kaliwa at bolang tubig naman sa kanan nitong kamay. Kasabay nito ang pag dilat ng mga mata nito. Ang mas nakakamangha ay yung mga mata niya. Grabe! Pinaghalong kulay blue,red,green at white ang mga ito.

Parang lalong nagalit yung mga mimesis dahil mas binilisan ng mga ito ang takbo. Agad namang pinaulanan ng mga bolang apoy at tubig ni Chloe ang mga mimesis pero dahil sa sobrang dami nila, marami pa ring buhay.

Tinanggal na nito ang bolang apoy at tubig sa mga kamay nito. Biglang tumapak naman ito sa may lupa at natangay siya pataas. Doon naman ay gumawa siya ng pana gamit ang hangin. Wow! Unti unti ng nagsiubusan ang mga mimesis. Ng matapos ang oras ay bumalik na si Chloe.

"Level 29. Impressive as expected" puri ni Sr. Takuma. Ngumiti lamang si Chloe at nagcheer naman yung mga tao. Grabe sikat pala dito si Chloe. Kaya pala maraming takot sa kanya. Isa pala siya sa mga pinakamalakas dito.

Kinongrats naman namin ito pagdating niya sa upuan niya.

"Zhion Florenz" tumayo naman ito na parang wala lang at agad na dumiretso sa may barrier. Naalala ko, malakas rin siya at excited na rin akong makitang makipaglaban ito.

Ng nagsimula ng lumapit yung mga mimesis. Tulad ng kay Chloe,mas marami ang mga mimesis na aatake kay Zhion kumpara dun sa mga nauna. Malakas rin pala si Zhion.

Biglang nagliwanag ang mga kamay nito. Bigla nitong itinapon yung liwanag sa harap ng mga mimesis at bigla namang sumabog ito at tumilapon halos lahat ng mimesis. Ng tumilapon ay nawala na lang ang mga ito. Nakakamangha talaga kasi isang move lang yon pero ang dami ng mimesis ang nawala.

Sumunod ay gumawa rin ito ng mga sphere na gawa sa liwanag at tinatapon niya sa mga mimesis. Sa bawat atake niya ay paunti ng paunti ang mga mimesis. Bigla itong nagpalabas ng liwanag na sword at ito naman yung ginamit niya pang atake sa mga mimesis. Patuloy ito sa pagpatay ng mga mimesis hanggang sa natapos ang oras nito.

"Level 29. Congratulations" ngiting pahayag ni sir. Takuma.

Bumalik naman ito sa upuan nito. Kinongrats rin namin siya. Tango lang ang isinagot nito. Narinig ko pang may sinabi siya kay Chloe

"Tie again huh?" Napairap lamang si Chloe. Makikinig pa sana ako kung may pag uusapan pa ba sila ng narinig kong nagsalita si Sir. Takuma.

" Maxinne xiara reyes" shet! Ako na!! Nanginginig naman akong tumayo. Muntik pa nga akong matapilok.

"Hey don't worry. You can do it. Just always remember the things that i've thought you" niyakap naman niya ako. Nagpasalamat naman ako kay Chloe at pumunta na sa barrier.

Ng magsenyas na si Takuma, nagsimula ng lumapit yung mga mimesis sakin. Teka! Easy lang hindi pa ko ready! Napa atras naman ako habang sila patuloy na umaabante.

Shemay! Hindi ko alam gagawin ko!

Hindi ko na mamalayan na napasandal na pala ako sa barrier. Bakit ba kung kaylan yung test saka ka duduwagin ha?Maxinne Xiara?!. Nagulat ako ng may isang mimesis ang gumawa ng latigong gawa sa salamin. Shet oo nga pala, the more na hindi mo sila masasaktan, the more ma lumalakas sila.

Hinampas nito ang latigo papunta sakin. Agad naman akong nakaiwas pero nasugatan ako sa may braso. Shit! Ang laki ng sugat ko. Hindi pwede to. Patuloy lang ako sa pag iwas pero lagi akong nadadaplisan.

May mga naririnig na rin akong mga "boo" at mga masasakit na salita tulad ng mga hindi daw ako belong,na wala akong charm at dapat umalis na ko. Na ang duwag ko daw dahil hindi man lang ako marunong lumaban.

Ika ika akong pumunta sa gilid. Bumibigat na rin ang paghinga ko at nanghihina na rin ako. Feeling ko ilang sandali lang mahihimatay na ko. Mukang marami ng dugo ang nawala sakin. Gusto ko ng sumuko. Hindi naman ako magaling. Hindi naman ako tulad nila na mula bata pa ay sinanay na. Hindi nga ata talaga ako para dito sa mundong ito.

Nay, tay sorry po .

Maluha luha na ko ng biglang may sumigaw.

"DON'T YOU DARE GIVE UP! I DIDN'T TRAIN YOU JUST FOR YOU TO CRY! PROVE EVERYONE IN THIS PLACE WRONG!" Galit na sabi ni Chloe. Tama! Hindi ko sasayangin yung effort at oras naming nagpakahirap para lang mapalabas etong charm ko para lang sumuko. Kung hindi sumuko si Chloe sakin at maniniwala pa rin ito, dapat mas lalo na ko. Hindi dapat ako magpatalo

Pinilit kong iangat ang katawan ko. Palapit ng palapit nanaman ang mga mimesis kaya ng makatayo ako ay nagconcentrate nako. Pinikit ko ang mga mata ko para ipalabas ang charm ko.

Ilang sandali pa ay nararamdaman ko ng unti unting lumalabas ang charm ko. Ng tuluyan na itong lumabas ay dinilat ko ang mga mata ko. Tinapat ko ang kaliwa kong kamay sa isang grupo ng mimesis. Nagsilabasan naman mula sa mga kamay ko ang ng spikes na gawa sa mga thorns ng rose pero ang pinagkaiba, mas malalaki ang mga ito.

Sa kanan naman ay nagpagawa ako ng sanga at ipinulupot ko sa mga mimesis. Sinikipan ko ito hanggang sa kusa silang mawala. Saktong tumunog yung bell. Hudyat na tapos na ko. Nanghihina naman Akong napaupo. Nagsipuntahan naman sila Chloe sa pwesto ko para alalayan ako papuntang clinic.

Sa sobrang pagod at dahil na rin siguro sa dami ng nawalang mga dugo ko mula sa mga sugat ko ay hindi ko na namalayan ang mga sumunod na nangyare.

■■■■

Another update po as promise! Hehe next update ko po is friday so stay tuned :) btw please read my other stories po hehe yun lang. Vote and comment rin po kayo :)

Kingdom Magical Academy (EDITING) #Wattys2016Where stories live. Discover now