☆ Chapter 8

4.4K 115 15
                                    

Xia

Bumalik kami dun sa lugar kung saan may mga nakakatakot na humabol sa amin kagabi. Ibibigay na ba niya ako sa mga nilalang na yon?!

"Huy! Wag mong sabihing ipapamigay mo ko dun sa mga nakakatakot na nilalang kagabi"sabi ko habang pinipilit na tanggalin yung kamay niya sa akin. Shet! Ayoko pang mamatay!

Patuloy lang siya sa pagkakaladkad sakin habang ako naman ay pinipilit na tanggalin yung pagkakahawak niya. Ang lakas niya sobra!

Ilang sandali pa ay tumigil kami sa isang lugar na may waterfalls. Tatlong waterfalls?! Napanganga na lang ako sa sobrang ganda. Hindi mo aakalain na ang isang nakakatakot na gubat ay may bahaging napakaganda. Parang nagliliwanag ito at talagang masarap pagmasdan. Ay teka bat niya ba ako dinala dito?don't tell me..

"HOY GRABE KA!hindi naman ako ganon kabaho para dalhin mo ko dito." Anong akala niya sakin,amoy inidoro?!

"Stupid. I didn't say that you should take a bath. Uhm well I think you need to but not here."sabi nito sabay takip sa ilong.

What the shiz lang ha! Hindi naman ako ganon kabaho! Uhm slight lang?hehe ew yak bat kasi hindi ako naligo kanina? Magsasalita sana ako pero pinatahimik naman niya ako. Hmp! Kala mo kung sinong mabango

" Vasíleio magikó pýlis . Anoichtó!" Ani nito ng biglang humawi yung
Gitnang talon na parang kurtina at nagkaroon ng daanan mula sa kinatatayuan namin papunta sa talon. Teka namamalikmata lang ba ako?!

"Lets go" sabi nito at naglakad na. Tulalang sumunod naman ako. Hindi pa rin ako makapaniwalang hindi to panaginip. Ilang beses ko ng kinurot ang sarili ko. Namumula na nga.

"Moment of truth"

Pumasok na si Zhion. Inilahad niya ang kanang kamay niya. Naghesitate pa ko dahil pano kung hindi pala ako pwede sa mundo nila? Perolimang segundo lang ay tinanggap ko ito at mariing lumikit habang humahakbang.

"Hey open your eyes"

Unti unti ko namang binuksan ang mata ko. Sobrang nakakasilaw na halos wala akong makita ang tumambad sakin. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad, guided by Zhion's hands ay unti unti nang nawawala ang nakakasilaw na ilaw.

Mayroong isang malaking kulay gintong gate. Mayroon namang sinabing lenggwahe etong katabi ko. Hindi ko na nga lang narinig dahil naamaze ako sa laki at malagintong pinto. Ilang sandali pa ay unti unti na itong bumukas hanggang sa bumungad sakin ang loob.

"WOW!" Nakakamangha talaga! . Patay na ba ako? Grabe para akong nasa isang paraiso. Kakaibang mga bahay, mayroon rin akong nakitang mga matataas na parang isang kastilyo! Mayayabong na mga puno at bulaklak. Grabe sobrang ganda!

"See? I told you. You're one of us"

Napakamot naman ako sa ulo. Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala. It all felt surreal and magical.

Naglakad lakad lang kami. Makikita mo ang mga kakaibang mga uri ng nilalang. Teka fairy ba yon?

"Pst! Fairy ba yung mga yon?" Tanong ko dito sabay turo sa mga kausap ng isang tao na katabi nito

Napatigil naman ito sa paglalakad at gulat na napatingin sakin

"You can see them?" Taas naman nito ng kilay. Sino?yung mga maliliit ba na mga taong may pakpak ang tinutukoy niya?

"Yung mukang mga fairy? Oo bakit?" Hindi na ito umimik at pumito. Gulat akong napatingin sa isang kabayong bigla na lamang lumitaw sa harap namin. Kabayong may pakpak!

Niyaya niya akong sumakay. kahit nag aalalangan ay sumakay na lang ako. Bale ako ang nasa harap samantalang nasa likod naman ito.

Napapikit naman ako at napahawak ng mahigpit sa braso nito ng lumipad kami. Huhu ayoko pang mamatay!!!

"Open your eyes." Bulong nito. Kahit natatakot ay unti unti ko namang binuksan ang mga mata ko. Gulat ako sa tanawing nakita. Grabe ang ganda!

"Lets go to the king and queen"

Nagtataka naman akong tumingin dito. Diba patay na sila?

"King William is the former king's elder brother" napa ahh na lang ako.

Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa isang kastilyo na mayroong malaking gintong gate. Grabe ang ganda. Lahat ata ng bagay dito ay maganda! Kinausap lang ni Zhion yung guard at pinapasok na kami. Kung mas maganda sa labas, sobrang ganda naman sa loob. Parang isang palasyo na puro mayayaman ang nasa loob.

Pagpasok namin ay iilan lang ang mga taong nadadaanan ko. Mga maid ata?nakadamit pang maid kasi pero ang nakakamangha ay pinapalipad nila yung mga gamit.

Nagtuloy tuloy kaming naglakad hanggang sa makarating kami sa isang pintuan.

May mga bantay rin dito. Binuksan ng mga ito ang pintuan at tumambad sakin ang malaking espasyo na puro may iba't ibang muka ang nakaframe sa gilid na pader.

At doon sa dulo ay mayroong dalawang upuan. Ang hari at reyna

"Paumanhin po dahil wala akong anunsyo na ako'y darating ngunit mayroon akong balita hari at reyna" sabi nito sabay yuko. Dali dali ko namang ginaya ito. Mahirap na baka sabihin wala akong respeto.

"Ah Zhion buti nagbalik ka. Sino naman ang magandang binibining nasa tabi mo" sabay baling ng hari sakin. Alanganin naman akong ngumiti.

"Siya po si Maxinne Xiara Reyes. Nakita ko pong pinaghahanap siya ng mga kronos kaya para hindi siya matunton ay pinunta ko po dito" ani nito

Lumapit naman sakin ang reyna

"Tell me. Anong elemental ka nabibilang?" Ngiti nito

"P-po? Hindi ko po alam ang sinasabi niyo" naguguluhan kong sabi.

"Hmm I see." Hinawakan nito ang kamay ko at pumikit.

Ilang sandali pa ay dumilat ito

"You are one of us. Seems like you have an aura of an elemental like us. You just need to find a way to find out what your power is" sabi nito sabay talikod

"Bu-but imposible naman po yon dahil wala akong kapangyarihan atsaka tao ang mga magulang ko. Hi-hindi nila magagawang maglihim"pahina ng pahina kong sabi.

"How about like this. We will give you a month para ipalabas ang powers mo but after that, kapag wala pa rin ay makakabalik ka na sa mundo mo." Napaisip naman ako doon. Paano nga kung katulad nila ako?

"Bago po ako pumayag may hihilingin po sana ako." Tumango naman ang hari na parang nagsasabing sabihin ko ito

"Tulungan niyo po akong makuha ang mga magulang ko sa mga kronos. Alam ko pong nasa kanila ang mga ito" seryoso kong saad

"Makakaasa ka"at ngumiti ito. Ngumiti rin ako at gumaan kahit papano ang loob ko dahil tutulungan nila ako.

"Zhion lead him to the Academy at itigil mo muna ang misyon mo sa pag huli ng mga kronos. Mas kaylangan ka dito" halata sa mata ni Zhion na napipilitan lang siya. Na para bang gusto niyang bumalik sa mundo namin. Pero tumango na lamang ito.

Tinawag uli ni Zhion ang sinakyan namin kanina at dumiretso sa Sinasabi ng hari na Academy

○○○○○○○○○○

Now edited. Pwede na pong basahin 💞

Kingdom Magical Academy (EDITING) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon