☆ Chapter 3

5.4K 144 7
                                    

Chloe

Flashback

"Alam mo kung bakit walang umaampon sayo?kasi freak ka!hahaha" sigaw niya. Sabay sabay silang tumatawa na para bang wala akong pakiramdam.

Ganyan ang naging buhay ko mula ng tumuntong ako sa bahay ampunan na to. Sabi sakin ni sister Marie ay nakita lang daw niya ako sa labas ng gate ng ampunan. Ilang buwan matapos non ay wala namang pumunta upang kunin ako.

Madalas kong itanong sa sarili ko kung may nagawa ba kong masama kaya pinatapon ako ng aking mga tunay na magulang dito sa bahay ampunan. Kung tama ba ang sinasabi ng mga bata dito na salot ako at galing sa impyerno?

Hindi naging madali sa akin ang tumira dito. Walang may gustong makipagkaibigan sakin. Kapag sumasali ako sa kanila, lagi nila akong pinagtatabuyan. Wala naman akong ginagawa sa kanila pero talagang matigas ang mga puso nila. Ganito ba talaga sa mundong ito?

Akala ko magiging mag isa na lang ako palagi ngunit nagbago ang lahat ng dumating siya

Araw noon ng isang charity party. Sabi ni sister, may isa daw pamilya ang nagbigay ng malaking donasyon at sila rin ang nag organize ng party na para daw sa amin.

Masasabi kong masaya ang party. May mga games at pagkain at kita naman sa mga mukha ng mga batang nandoon na nag eenjoy talaga sila. Oo sila. Sabi kasi si Matilda, isa sa mga nangbubully sakin ay bawal daw ako don kasi baka daw magsialisan ang mga bisita.

Wala naman akong magawa kaya kahit pinipilit na ko ni Sister Marie na sumali ay tumanggi ako. Sanay naman na kong mag isa atsaka baka makagulo pa ako don

Andito ako ngayon, nakaupo ako sa isang swing habang pinapanuod silang naglalaro

"Bakit ka anditong mag isa?" Muntik na kong mapasigaw nang may nagsalita sa tabi ko. Bago lang ata siya dito. Ngayon ko lang kasi siya nakita

"Pipe ka ba?" Maputi,may matambok na mga pisngi, matangos ang ilong at medjo matangad.

Tinapunan ko lang siya ng tingin at agad ko ring binaling sa harap.

"Uy! Bingi ka ba o pipi?" Sabi pa uli nito. Iling lang ang naisagot ko

"Wag ka ng mahiya ako nga pala si Justine" sabi nito sabay ngiti. Tinignan ko naman muli ito. Hindi ba siya natatakot sakin o kaya naman lalayuan ako?

"Ki-Kim" sabi ko. Hindi ko alam kung bakit yon ang sinabi ko.

"Kim gusto mong maglaro tayo?" Ani nito sabay ngiti uli. Nilahad niya ang kamay niya sakin.

Masaya ko sanang tatanggapin kaso hindi pwede. Baka makasakit nanaman ako at madamay siya.

Simula non ay madalas ko ng makita si justine sa bahay ampunan. Siya pala yung anak nung pamilyang nagdonate. Hindi siya sumuko sa kakapilit saking maglaro. Kahit na ilang beses ko na rin siyang tinatanggihan ay pilit pa rin itong lumalapit. Nang hindi na ko makatiis ay hinila ko siya sa pinakamalayong lugar ng playground.

"Kung ayaw mong lumayo, ako na gagawa ng paraan para lumayo ka." Agad akong gumawa ng apoy sa kaliwa kong kamay at tinakot ko siyang susunugin pag hindi pa tumigil

"Wow astig naman! May powers ka pala" namamangha nitong sabi. Napatigil naman ako. Hindi siya natatakot?

"Bakit naman ako matatakot eh ang astig nga. Atsaka alam ko naman na hindi mo ko sasaktan." Agad kong inapula ang ginawa kong apoy sa aking kamay at napaluha.

Kingdom Magical Academy (EDITING) #Wattys2016Where stories live. Discover now