☆ Chapter 1

8.6K 182 18
                                    


Xia

" MAXINNE XIARA REYES!!" Agad akong napabalikwas ng bangon. Dahil sa pagkagulat ay nahulog ako mula sa higaan. Hay nako si nanay talaga maaga pa naman at gusto ko pang matulog. Napuyat kasi ako kakatapos sa pesteng project namin sa filipino.

Kahit masakit yung balakang ko dahil sa pagkakahulog, balik agad ako sa higaan na para bang walang nangyari.

"five minutes po muna nay please."pikit kong bulong.

"hay nakong bata ka!! February na,ganyan ka pa rin!!mag eend na ang school year hindi ka parin natutong gumising ng maaga" ayan nanaman si nanay. Bago pa ko sermunan ng todo todo ay tumayo na ko at dumiretso sa banyo. Baka malate pa ko masermunan pa ko uli.

Matapos kong maligo ay agad naman akong nagbihis at pumunta na sa hapag. Nandoon na pala silang lahat.

"Panget ang pagong mo talaga!"sabi ng my oh so beloved kuya Alexander. Sinamaan ko naman sya ng tingin.

"Bat ka ba andito?" Nag aaral kasi siya sa south college. Hindi dito natutulog si kuya kasi masyadong malayo ang casa mirabella sa south college kaya nagdodorm siya pero umuuwi rin naman siya pag wala siyang pasok gaya ngayon.

"Hay nako wag na nga kayong mag asaran. Halina't kumain na at Xandro ihatid mo ang kapatid mo" sabi ni nanay

"Ma naman!"

Napahagikhik na lang ako sa itsura ni kuya. Pano ba naman, ayaw na ayaw niyang tinatawag nila nanay at tatay ng Xandro. Ang bantot daw.

Pagkatapos namin mag umagahan ay hinatid na ko ni kuya sa highland.

Habang naglalakad, kapansin pansin talaga yung mga tingin ng halos lahat ng mga estudyante dito sa highland na nakatuon sakin. Siguro nagagandahan sila haha charing asa naman ako. Kaya lang naman sila nakatingin sakin kasi ako lang naman ang nag iisang scholar dito. Wala ring gustong makipagkaibigan sakin kasi daw weird and nerd daw ako. Napairap na lang ako. Porket may glasses nerd na agad?

Hindi ko namalayan na may nakabanggaan na pala ako. Hays Xia naman bobits ka talaga! Mag space out ba naman sa gitna ng hallway!

"F*ck nerd watch where you're goin! Bitch!" Nerd na nga bitch pa grabe naman.

"Sorry po" hingi ko ng paumanhin. Kilala kasi si Andrea bilang queen bee dito sa highland. Tinitingala kasi ito at napapasunod nito ang lahat.

"Alam mo nerd, kung tatanga tanga ka lagi, baka ipatanggal ko yang scholar mo tutal naman hindi ka dito nababagay" sabay tawa nito kasama ang mga alipores niya

"Sorry po hindi na po mauulit" sabi ko para wala ng away. Kaso pagtalikod ko, binuhusan ako ng tubig na dala pala niya kanina pa.

"There you go nerd. Sa susunod, kung mamimili ka ng babanggain ,wag ako. Nakakairita yang itsura mo. Now, fck off!" Sabi niya sabay talikod

Wala naman akong magagawa kaya tumakbo na lang ako papunta sa girl's bathroom at doon nag ayos ng sarili ko. Hay Xia wag kang iiyak pero peste namang mga luha to. Gustong mag running man sa sobrang dami. Hayy isang buwan na lang titiisin mo Xia. Isa na lang.

Nagsorry naman ako pero nakakainis lang na sa buong stay ko dito sa Highland tinuturing akong parang basura ng mga tao. hayaan na nga mag skiskip na lang ako sa first subject.

Pagkatapos kong maging desente ay dumiretso na lang ako sa likod ng highland kung saan may garden na napakalawak.

Ito ang tinagurian kong Xiera sanctuary. Oo inangkin ko talaga haha wala rin naman kasing pumupunta dito maliban sakin dahil madalas silang tumambay sa soccer field o kaya naman sa basketball court.

Dito napakapresko ng hangin. Yun bang malayo sa mga matang mapanghusga kaya dito ako tumatambay.

Naghintay lang ako ng mga ilang minuto at dumiretso na sa susunod na klase. Hindi ko dapat pabayaan ang pag aaral ko dahil lang sa mga taong walang magawa sa buhay kundi ang magmaliit ng kapwa nila.

Natapos ang klase kaya lahat ng kaklase ko ay nagsipag unahan na sa pintuan para lang makauwi maliban sakin. Dito ko na kasi tinatapos lahat ng madadali kong assignments para pag uwi ay matulungan ko na si nanay sa gawaing bahay.

Habang nagsusulat ako ay nakaramdam ako ng para bang may nakatingin sakin. Kilala ko na agad kung sino

"Ice bakit?" Tingin ko sa likod ko. Tama nga ako. Mula kasi ng magtrasfer ito netong school year ay lagi ko siyang nakakasabay dito. Ewan ko wala namang ginagawa ito pero lagi siyang nagpapahuli ng uwi o kung umuuwi ba talaga siya?

Aba hindi man lang ako sinagot. Umiwas pa ng tingin.

Hindi ko na lang siya pinansin at magsulat na lang. Alam kong nakatingin pa rin siya sakin pero sanay na ko. Araw araw ba naman itong nangyayari samin. Ako magpapaiwan tapos gagawa ng assignments, siya magpapaiwan at tititigan lang ako.

Nung una naweweirduhan ako sa kanya pero kalaunan nasanay na rin. Iniisip ko na lang na may gusto siya sa akin hahaha charot joke lang baka bored lang sya at nagpapalipas ng oras sa classroom.

Pinapabayaan ko na lang tutal hindi lang naman sa kanya ko nararamdaman yon. Marami rin. Yung tipong konting titig lang ng isang tao sakin kahit hindi ako nakatingin nalalaman ko agad. Sinabi ko na ito kay nanay at sabi niya malakas lang daw talaga ang six sense ko kaya ganon

Matapos kong magsagot, inayos ko na ang mga gamit ko at tumuloy na sa pintuan. Naiwan sa loob si Ice.

○○○○○○○○○○○○○○

Editing po itong story ko. Iniba ko yung plot and no pictures na po para kayo ang umimagine :) hope you like it

Kingdom Magical Academy (EDITING) #Wattys2016Where stories live. Discover now