☆ Chapter 4

4.8K 123 5
                                    

Xia

"Congratulations! You all are now officially high school graduates!" Sabi ng aming principal

Sabay sabay na pumalakpak ang mga magulang habang kami naman ay masayang nagyakapan. Well maliban sakin. Wala naman akong kaclose dito pero kahit ganon,masaya pa rin ako kasi sa wakas college na ko. Kaylangan ko lang matapos yon at humanap ng trabaho para matulungan sila nay at tay

"Anak,sobrang proud kami ng tatay mo sayo. Maraming salamat sa diyos at binigyan kami ng anak na katulad mo" mangiyak ngiyak na sambit ni nanay.

Natouch naman ako sa sinabi ni nanay kung kayang niyakap ko silang dalawa habang may ngiti sa aking labi.

Humiwalay na ko ng yakap sa kanila. Sakto namang dumating si Cess at pinagpaalam ako kung pwede ba raw akong kausapin. Kahit nagtataka ay sumunod na lang ako sa kanya papunta sa lugar na walang masyadong tao.

Nagtataka ako kasi hindi naman bago sa kaalaman ko na walang may gusto sakin dito. Dahil nga mahirap lang ako at sabi pa nila ay weird at nerd daw ako kaya maraming nambubully sakin.

"Xia, please samahan mo ko sa party mamaya kila Andrea. Wala kasi akong kasama" pakiusap niya

Napasinghap ako. Hindi ko aakalain na may isang tao na gusto pala akong kasama kahit ganito ang estado ko sa buhay. Marami namang nakapagsasabi na mabait itong si Cass kaya naaawa rin ako. Pero kasi may plano kami nila nanay at tatay na magcelebrate sa bahay mamaya.

"Pasensya na Cass pero kasi may handaan na kami mamaya sa bahay."

"Sige na please?saglit lang naman eh kahit ako pa magpaalam sa parents mo" aniya sabay takbo papunta kila nanay at tatay. Sinubukan kong habulin siya kaya lang nadatnan ko na lang siyang kausap sila.

Pumayag sila nanay at tatay kaya tumaon talon pa si Cass. Gusto ko pa sanang magprotesta kaso hindi na ko pinakinggan ni cass at sabay talikod papunta sa kanyang mga kaibigan.

"Ma alam mo naman na ayoko sa mga party atsaka mas gusto ko kayong kasama" maktol ko

" anak,mas maganda na yon para mas maging kaclose mo pa yung mga kaklase mo atsaka mayroon pa namang bukas wag kang mag alala" ani ni tatay.

Wala na kong magawa kung kaya't pag uwi namin ay pumasok na ko sa aking kwarto at nagbihis. Simpleng short na maong at white off shoulder ang suot ko. Hindi naman porket mahirap kami ay hindi na ko marunong manamit. Kahit galing sa tyangge lang ang mga damit ko ay parang bago pa rin naman at bagay sakin. Ayoko namang ma out of place doon at kahit papano ay hinihiling ko na sana tanggapin nila ako.

Ilang sandali pa ay dumating na si Cass. Nagpaalam na ko kila nanay at tatay

"Mag iingat ka lagi Xia. Tandaan mo, mahal na mahal ka namin" sabi ni nanay.

Napatawa naman ako.

"Nay naman! Para namang mawawala ako no!" Ngumiti naman ito at hinaplos ang ulo ko. Agad naman na akong nagpaalam.

Hinila na ko ni Cass papunta sa kotse niya at pinaandar ito.

"This will surely be your most memorable party" ngisi niya sabay tingin sakin. Nagtataka man, ay binalewala ko na lang yon. Wala naman siguro siyang gagawing masama. Marami namang nagsasabing mabait ito at mukang walang kayang gawin na masama kaya pinabayaan ko na lang

○○○○○○○○○○○

Another update po hope you all like it :) sorry kung short lang hehez
<vote>
<comment>

Kingdom Magical Academy (EDITING) #Wattys2016Where stories live. Discover now