DO NOT READ YET

3.5K 105 14
                                    

Xia

"Hey wake up." Rinig kong may nagsabi. Himbes na pakinggan ito ay bumaling ako sa kabila. Natutulog kaya ako. Istorbo naman

"Hmm ayaw mo?" Rinig ko uli nitong sabi. Si Chloe ata yon. Ilang minuto namang wala itong ginagawa kaya back to dream world muna ako hehe

"WHAT THE FU- funrun hehehehe hi Chloe" woh! Baka himbes na tubig ibato sakin,apoy.

"Fix yourself up. Today will be the test so be ready" sabi nito at iniwan na kong mag isa. Napabusangot naman ako. Ganda ganda pa mandin ng panaginip ko. Hay makapag ayos na nga!

Pagkatapos kong mag ayos ay lumabas na ko. Nakita ko namang naghihintay doon sakin si Chloe kasama si April.

"Hello xia" kaway nito sakin. Sinuklian ko naman siya ng ngiti.

Sa arena daw gaganapin yung test sabi ni Chloe. Papunta pa lang kami doon pero pinagpapawisan na ko. Pano kung mapahiya ako, paano kung magkamali ako? Paano kung madisappoint ko si Chloe? Paano ku-

"Hey. Stop worrying. You can do it" sabi ni Chloe. Ngumiti naman ako. Tama. Gagawin ko ang lahat para hindi masayang ang pinag hirapan namin

"Ay oo nga pala, sabi mo sakin isasama mo ko sa training mo" nagtatampo kong sabi sabay nguso. Gusto ko pa mandin makita ang charm niya. Ang astig kasi.

"Nagtraining ako nung pinakulong kayo ni Nigel" ngiting sabi nito. Binigyan din ako ng makahulugang tingin ni April. Okay?creepy

Speaking of shokoy, oo nga no, nagising na lang ako sa kwarto. Pano ako nakapunta don? Atsaka pano kami nakalabas? Natigil ang pagmumuni ko ng sumigaw si April

"Nigel! Sabay ka na samin" sabi nito. Napatingin naman ako sa likod. Shet lang.

Bigla kong naalala yung ginawa ko kagabi. Shocks! Niyakap ko ba talaga siya?! Ewwwwww

Lumapit naman ito samin. Hindi naman ako makatingin ng diretso sa kanya. Nakakahiya talaga yung mga pinaggagawa ko kagabi.

"Hey nigelo. I saw you last night." Taas babang kilay ni Chloe.sinamahan pa niya ng ngiting ewan. Napasimangot naman ito.

"Shut up Chloe." Sabi nito sabay gulo ng buhok nito.

Close talaga sila. Psh si Chloe lang pala katapat neto. Nagpatuloy naman kami sa paglalakad. Wow grabe hindi man lang ako kinausap. Psh pake ko ba ?

Ilang sandali pa ay si Zhion naman ang nakasalubong namin at nakisabay na rin ito.

"Hey how was your charm"

Napatingin naman ako dito. Bat ba ang gwapo niya?

"Ok lang naman. Thank you nga pala sa pagtulong sakin. Kayo ni Chloe. Salamat" ngumiti naman ito at tumingin na sa harap.

Hay. Ang gwapo talaga niya. Tae kinikilig ako. Katabi lang yan ha! Pano pa kaya kung maging boyfriend ko siya hehehe sige umasa ka lang Xia

Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa arena. Marami ng nandun kaya nahirapan kaming maghanap ng Upuan.

"CHLOE!!!!!" bigla kaming napatingin dun sa sumigaw. Lumapit naman si Chloe kaya nagsisunuran na rin kami

"Tsk too loud Denise." Sabi nito at nagbeso sila.

"Denise this is Xia. Xia,denise." Pakilala nito. Ako lang naman kasi ang hindi niya kilala.

Hanggang balikat lang ang buhok nito. Maputi at kikay. Nakaheels kasi siya at naka dress. Ang ganda niya. Grabe sana kasing ganda ko siya

"Hi" sabi ko at nakipagshakehands kami sa isa't isa

"Thank you for the compliment" ngiting sabi nito.

Huh? Hindi ko gets.

Sakto namang may mga vacant na upuan katabi ng upuan nito kaya naki upo kami.

Ilang sandali pa ay dumilim sa loob ng gym. Napahawak naman ako sa katabi ko. Bigla namang nagbukas yung ilaw sa mismong stage. Napatingin naman ako sa katabi ko.

Shit.

Agad kong tinanggal yung kamay ko sa braso niya. Grabe Xia di ka pa ba nadala sa kahihiyan? Umubo naman ito at bumulong

"Chansing" bulong ba yon o talagang pinaparinig niya sakin?! Wow ha! Akala mo naman kung sinong gwapo! Grr sarap niyang bigwasan. Umirap na lamang ako

"Shokoy" bigla naman itong tumingin sakin ng masama. Aba akala niya magpapatalo ako sa kanya?! Tinitigan ko rin siya ng masama. Walang umaalis ng tingin. Konti na nga lang may lalabas ng kuryente sa mga mata namin

"~Sa isang sulyap mo ay nabihag ako, para bang himala ang lahat ng ito~" bulong na kanta ni Chloe. Agad naman akong napatingin dito. Nananadya ata to. Sinamaan ko naman ito ng tingin. Tumingin naman ito sakin ng inosente. Napataas naman ang kilay ko

"What? I'm just singing" ngiti nito. Napabusangot naman ako at tumingin na lang sa harap. Hindi ko na namalayan na kanina pa pala nagsasalita si sir. Takuma

"Let the charm rate begin!" Nagsigawan naman ang lahat.

○○○○○○

Hello guys. Sorry kung ngayon lang yung update ko kasi nagkasakit ako. Baka sa saturday na yung next kong update kasi test na namin so kaylangan ko ng magreview hehe. Vote and comment lang po kayo. Thank you sa mga nagbabasa ng story ko :)

Kingdom Magical Academy (EDITING) #Wattys2016Where stories live. Discover now