Chapter 6

11.5K 213 10
                                    

Paggising ko nakita ko nasa ospital na ako.

"Ano nangyari?" tanong ko sa kanila. Hindi ko na maalala pagkatapos sumigaw sa harap ng bahay ni Jeremy.
"Anak, dinugo ka at nahimatay. Buti may nakita agad na taxi at naipadala ka na sa ospital. Allie, bakit ka pa umalis? Hindi ba sabi namin na wag?" tanong ni mommy.
"I'm sorry mommy. I'm sorry daddy. Alam ko matigas ulo ko. Hindi ko kasi matanggap iniwan ako ni Jeremy. Musta na ba ako? Ang baby ko?"

"Well, your daughter seems fine but because she's pregnant at a very young age, medyo maselan ang pagbubuntis niya. Lalo nasa first trimester siya. Konting ingat muna at bed rest magiging okay siya at ang baby. Iwas din sa stress," sabi ng doctor sa amin.

"Sige, thanks doc. Oh Allie, rinig mo? Iwas muna sa stress," sabi ni daddy.
"I'm such a disappointment to you. Hindi ko alam ano gagawin ko! Magisa na lang ako," iyak ko. "Allie, wag mong sabihin yan. Oo, wala dito si Jeremy. Pero kami ng daddy mo nandito para alagaan ka. Kung ayaw ka panagutan, eh di wag. Siya nawalan, hindi ikaw. Kaya wag na wag mong isipin magisa ka lang. Kasi nandito kami para sayo at sa baby mo."

"At friend! Nandito kami ni bakla. Wag kang magalala, lagi ka namin pupuntahan." Ngiti ni Dianne sa akin.

"Thank you, kahit nagkamali ako hindi niyo parin ako gini-give up."
"Don't think your baby is a mistake. And no, anak. We will never give up on you." At niyakap ako ni daddy.

I am mad. Mad that Jeremy left me without any notice. He left me and our baby. Pero papatunayan ko kaya ko ito. Kahit wala siya, magiging malakas ako. Para sa anak ko. Hindi ko siya kailangan.

~

Seven months has passed and any moment now pwede ako manganak. Hindi ko alam kung babae o lalaki magiging anak ko, pero kahit ano pa man, basta healthy siya. Masaya na ako.

Hindi na ako nagkasakit pa, o nahimatay. Sina mommy at daddy ginagawa ang lahat para maging maayos pagbubuntis ko. Minsan-- Oo na, inaamin ko lagi ko iniisip si Jeremy pero di mo ako masisisi dahil siya first ko. First kiss, first boyfriend, first love, first lahat. At sa isang iglap lang nawala siya. Ganun kabilis. Hindi ko masasabi na naka-move on na ako 100% pero hindi na ako umiiyak. Mas tutok ako ngayon sa baby ko.

Dumalaw si Dianne at Inggo sa akin sa bahay. Alam na nila malapit na ako manganak.

"Hay Allie. Excited na ako magkakaroon na tayong baby! Omg, girl ba siya? O boy?"
Tanong ni Dianne.
"Hindi ko alam eh. Nung huling ultrasound masyado na siya malaki kaya hindi na masabi," sagot ko naman.
"Hay naku, sana girl siya no? Mas masaya kung girl kasi."
"Kung boy, naku baka maalala mo lang si--" pinutol ni Dianne ang sinasabi ni Inggo. "Ano ba! No mention of the J word, okay?"
"Hay naku, kayong dalawa. Basta healthy siya, masaya na ako. Yun lang naman mahalaga."

Bigla kong naalala yung time tinanong ni Jeremy kung ano mas gusto ko. Girl or boy. Nalungkot ako bigla.

Napansin ni Dianne natahimik ako. "Girl, natahimik ka nanaman bigla. Si J na naman ba? Kaakasabi ko lang no mention."
"Wala ito. May naalala lang ako."
"Allie, ano ba yun? Wag mo na itago," sabi ni Inggo.
"Wala, naisip ko lang kung paano kung hindi umalis si Jeremy. Yun lang. Pero okay lang ako. Nandyan naman kayo eh." Ngumiti ako para itago ang lungkot sa mukha ko.

"Pwede ba ako magtanong. Paano kung, bumalik siya? At gusto makita baby niyo? Okay lang ba." Tumingin sila sa akin.

"Siguro, I mean siya ang tatay. Pero nandyan pa rin sakit eh. Hindi yun basta-basta mawawala. Hays, tama na yan! Masyado na ma-drama! I don't need this 'filth'!" Biro ko, hugot dun sa nanay ni Jeremy at ang putik scene nila mommy.

"Ayy bet ko yun! Ako mommy mo! Dianne ikaw si madam witch," biro ni Inggo. Bet na bet nila yung away nila at gustong gusto ina-act out yung away nila.
"Ayy, grabe! Ako pa yung nanay ng demonyo!"

"Filth! Ikaw filth! Pwe!" Tapos hinampas ni Inggo ang diaper sa mukha ni Dianne. "Aray! Bakla ka talaga!"

Tawa kami ng tawa hanggang nakaramdam ako ng sakit. "aray," napasigaw ko.
"Allie!" Tumigil sila at lumapit sa akin. "Bakit?! Ano nangyayari sayo?!"

"Masakit! Sobrang sakit!" Biglang may tumulo sa hita kong basa. "Hala naihi ka ata!" sigaw ni Inggo.

"Gagi! Hindi yan ihi! Your water broke! Hala! Manganganak ka na! Inggo! Tawagin mo si tita Cindy at tito Albert!"

Oh my gosh, manganganak na ako,

Agad nila ako dinala sa ospital at ready na ako manganak. Expected next week pa ako pero hindi na ma-take ang baby at gustong gusto na lumabas sa tiyan ko.

Nakailang push ako at umabot ng dalawang oras. Sobrang sakit pero nandyan si mommy at daddy sa tabi ko. After my final push lumabas na baby ko. I'm officially a mother.

"It's a girl," sabi ng doctor. I have a baby girl. Umiyak siya for the first time.

Nilinis ang baby ko at inabot sa akin. Kamukha ni Jeremy. Hindi mo makakaila na anak niya siya.

"Hi baby, ako mama mo." At niyakap ko siya.

Lumipas ilang oras bumalik ang doctor sa kwarto ko. "Healthy ang baby mo. Very beautiful. Nakakatuwa. Ano name niya?"

"Jennifer Alisa Reyes." Sagot ko. Pinagisipan ko ano apelyido gagamitin ko. Pero mas mabuti kung Reyes na lang.

"Pretty name. Mommy, daddy. Pwede na lumabas ang anak niyo at apo bukas. Pahinga lang ng konti at pwede na bumalik sa dating gawi."
"Salamat doc," sagot ni daddy. "Tingnan ko nga apo ko." Tapos kinalong ni daddy si Jenny. "Hi Jenny, ako daddy Albert mo. Ang ganda-ganda mo. Parang kailan lang ganito kaliit mama mo." Nakita ko may isang luha bumaba sa pisngi ni daddy.

"Daddy?" Nilapitan ko siya. "Thank you po sa lahat. Mahal po kita." At niyakap ko siya.

"Mahal din kita anak."

~

"Anak, uwi lang kami saglit ng daddy mo. Maliligo lang. Babalik agad kami."
"Opo mommy ingat kayo."

So far mabait naman si Jenny. Well, ilang oras pa lang siya nandito pero isang bese lang umiyak dahil nagugutom siya. Pero ngayon nakatulog ulit siya.

Nakahiga lang siya at tinitigan ko anak ko. Hindi ko makapaniwala galing siya sa akin. Napakaganda niya, napaka-special. Sobrang blessing. Habang tinitingnan ko siya napaluha ako. Naisip ko na naman si Jeremy. Biglang umiyak si Jenny. Siguro naramdaman niya lungkot ko. Binuhat ko siya at pinatahan. Agad siyang nakatulog.

"Sorry baby ha. Medyo emotional ako. Ever since nagbuntis ako sayo wala isang araw hindi ko inisip papa mo. Alam mo kahit iniwan niya tayo mahal ko pa rin siya. Pero sobra ginawa niya. Pero ito baby. I will love you. Yung love dapat ibibigay ng papa mo ako na lang magbibigay sayo. I love you."

Binaba ko ulit siya at bumalik ako sa higaan. Pagkabalik ko sa higaan may kumatok sa pinto ko.

"Sino kaya yun?" Bumangon ako at lumapit ako sa pintuhan. Pagbukas ko...

"Jeremy?"

"Allie, nandito na ako."

Giving My Love (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon