Chapter 36: Hinahanap ko siya

647 12 4
                                    

Chapter 36

"Ate Serah..."

"Ate, gusto mo kumain?"

"Ate, pansinin mo ako.."

"Uyy.."

Bigla na lang ako sumigaw ng aray ng mapagtanto ko na pinisil na pala ng malakas ni Carla ang pisngi ko.

"Bakit?" tanong ko

"Paano naman kasi kanina ka pa namin inaalok na kumain, di mo kami pinapansin" sabay pout ni Carla.

"Hehe, sorry. Ano ba yang baon nyo?"

Napa face palm na lang silang lahat na hindi ko naman magets kung bakit. Kasi naman panay pa rin ang rewind nung sinabi sa akin ni Zac eh.

I love you, Serah

I love you, Serah

I love you, Serah

Urgh! Niloloko lang nya ako, di yun totoo. O kaya naman pinag tritripan lang niya ako noong gabi na iyon. Hayss, bakit ba kasi naalala ko ba iyon eh isang linggo na din nakakalipas ang retreat namin. Pagkatapos nya kasing sabihin sa akin iyon lumabas na agad ako ng kwarto at bumalik sa room namin. Tapos na maligo si Bethina kaya ako naman ang sumunod at kinalimutan ko na din ang nangyari pero joke lang iyon. Hindi ko na lang pinapahalata na naiisip ko pa iyon.

Hindi ko na rin siya nakita after nung Retreat. Lagi kasi siyang absent. Okay na din yun. No! Bad iyon! Lalo na kapag walang valid reason ang pag absent..

"Ate, nagtatampo na kami talaga"

"Hala bakit?" tanong ko

"Wala!" sabi ni Carla bigla naman akong kinabahan.

"Uyy sorry... Ang dami ko lang iniisip kasi ngayon. Aalis na din pala ako mag rereview pa ako." sabi ko na lang. Pati may quiz pala kami mamaya sa Economics. Nag nod na lang sila kaya umalis na ako at tumungo sa room.

Pagkarating ko sa room as usual nagkakagulo na naman ang mga classmate ko. Tumungo ako sa upuan ko at nagbasa basa para sa Quiz nang..

"Serah.."

Boses pa lang alam ko na kung sino pero hindi ko siya kayang pansinin ngayon, ewan ko ba. Nasaan ba si Kenn? Flip lang ako ng flip ng mga pages.

"Serah..." kinalbit na niya ako sa balikat. Feeling ko nangunguryente ako. At nahihiya in the same time.

"Galit ka ba sa akin?" nagulat ako sa tanong niya! Waaah.. Pero pagkaharap ko naman sa likod ko bumalik na siya sa upuan niya. Napakagat na lang ako sa labi ko. Patay! Iniisip niya atang galit ako sa kanya kahit hindi naman. Hayss, Serah naman..

Ewan ko sa paa ko at tumayo ako para sundan siya. Nakita ko na lang ang sarili ko na nakatayo sa harapan niya at nakatingin ako sa kanya.

"Bakit?" malamig na tanong nya

"Ahm.."

"Hindi--"

"Serah!" paglingon ko sa tumawag sa akin nakita ko si Kenn na nakatayo sa labas ng pintuan at sinesenyasan ako na lumapit sa kanya. Tumingin naman ako kay Zac.

"Sandali lang.." pero hindi pa ako nakakatalikod ng mag salita siya.

"Totoo yung sinabi ko sayo nung retreat."

Napakagat na lang ako sa labi ko habang palapit ako kay Kenn na hindi maipinta ang mukha.

"Bakit?" tanong ko

"Wala lang, sige balik ka na sa upuan mo" tapos into hindi maipintang mukha ngumiti siya ng nakakaloko. Inangutan ko na lang siya at bumalik sa upuan ko. Binuksan ko na lang ulit yung libro ko at nagbasabasa.

Cherish YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon