Chapter 1: Transfer

1.8K 36 16
                                    

Chapter 1

"I once was lost but now I found. 'Twas blind, but now I see"

Hindi ko napansin na tumutulo na pala ang luha ko. Nagulat na lang ako/kami ng biglang pumalakpak si Sister Ruth. Kita ko na tuwang-tuwa siya sa pag-awit namin. Tumingin din ako sa mga ka-churchmate ko. Pati rin sila nagpupunas ng luha, ang ganda kasi ng Amazing Grace eh,.Pati ang sarap sa pakiramdam na umaawit ka para sa kanya.

"Okay that's all for now. Remember bukas just be yourself. Just sing from the bottom of your heart huh?" sabi ng tenor namin, sa church kasi namin tuwing Sabado, Youth Service lang. After noon magp-practice na kami ng kakantahin namin bukas. Lagi kasi kaming pinapakanta tuwing Sunday.

Nagpaalam na kami sa isa't isa, naku ginabi na pala kami. Magbiya-biyahe pa ako.Lalabas na sana ako doon sa pintuan ng tawagin ako ni Sister Ruth.

"Serah!"

"Oh ano po yun?"

"Napansin ko na super dedicated ka para kay Lord. Sinabihan na din ako nila Pastor pati nung mga Adult Member natin na ikaw na ang gawing Song Leader tuwing Linggo."nagulat ako sa sinabi ni Sister Ruth. Hindi ko masabi ang feelings ko ngayon ang dami kasing emotion ang naghalo-halo.

Una, masaya ako kasi gagamitin ako ni Lord. Pangalawa, nagtataka ako, bakit sa dinami-dami namin ako pa? Pangatlo, kinakabahan ako at nahihiya, kasi mag-iisa na lang akong kakanta sa harapan, wala na akong kasama. Pang-apat, masaya talaga ako hehehe.

"Uy, Serah.." biglang nag-snap si Sister Ruth sa akin, ewan ko ba feeling ko ang tanda tanda na ni Sister sa akin pero 24 lang naman siya, siguro nga dahil "Sister" ang tawag ko.

"Ako ba talaga ang kakanta? Ang bata ko pa, 15 pa lang ako."

"Ano ka ba, age doesn't matter. Ayaw mo bang malugod si Lord sa'yo?"

"Syempre gusto ko."

"Okay, ikaw na ang Song Leader. Magprepare ka na next week :) Bye."

Hala, kinakabahan talaga ako. Help me Lord.May stage fright ako...Habang naglalakad ako palabas, may nadaanan akong mga lalaki na naninigarilyo. Binilisan ko ang lakad ko, pati tinakpan ko din ang ilong ko. Kasi sa pagkakaalam ko masama daw makalanghap ng usok ng sigarilyo.

Hayss, sana yung mga ganoon kabataan madala namin sa Church namin. Para lumago naman ang Youth Member.

Nakalagpas na ako doon sa mga lalaki pero narinig kong nagsalita yung isa.

"Pare, ayos ba yung chicks kanina? May figure naman eh."

"Oo nga kaso nga lang, mukhang gurang. Napaka haba ng buhok, at tignan mo ang pangit manamit halos umabot na ang palda niya sa paa niya."

"Pero pare, pwede na iyon..."

"Sige ba, tara..."

Bigla akong napatakbo ng napakabilis. Lord, kayo na po ang bahala sa akin, wag niyo po akong dalhin sa kapahamakan. Takbo pa din ako ng takbo, lumilingon ako sa kanila at nakikita ko na sinusundan nga nila ako. Nahihirapan akong tumakbo dahil sa palda ko, hindi ko masyadong magalaw ang mga tuhod ko.

Hindi ko napansin na napunta pala ako sa isang iskinita na puro lalaki din ang tao, mga lalaking naninigarilyo, yung iba may hawak pang alak. Namali ako ng daan, babalik sana ako pero...

Nacorner na ako. Dalawa sila. At isa lang ako.

Nakakatakot, nakatingin sila sa akin, natatakot ako sa galaw ng mata nila... Tinitignan nila ako mula ulo hanggang paa at ngingiti ng nakakatakot.

Nang bigla silang tumakbo ng mabilis palapit sa akin at hinawakan ang mukha ko.

"Wag po..." hinahaplos nung isang lalaki ang mukha ko, tapos bigla niya akong diniin dun sa pader. Hinawakan niya ang balikat ko ng mahigpit. Ang sakit..

"Okay 'to pare..."

"Wag po,parang awa niyo na..." Lord, hindi ko na po alam ang gagawin ko hindi ko kayang lumaban, alam kong masamang manakit ng kapwa. Tulungan nyo po ako kung anong gagawin ko. Bigla kong naramdam yung isang lalaki na hinawakan ang bewang ko. Hanggang sa pataas na ng pataas ang mga kamay niya..

Naiiyak ako sa mga nangyayari sa akin.

"TIGILAN NYO NA YAN!" biglang may dumating na lalaki doon sa may gilid kaya't nagpapasalamat talaga ako na binitawan na nila ako, mga ilang sandali umalis na sila.

Nandoon pa din yung lalaki na tumulong sa akin. Siya yung kasama nung dalawa kanina na dinaanan ko.

Linapitan ko siya...

"Salamat. Kung hindi dahil sayo siguro---"

"Shut up! Umuwi ka na!" tapos naglakad na siya, habang yung kamay niya ay nakalagay doon sa pocket niya. Pero sinundan ko pa din.

"Kuya salamat talaga, God Bless you po."

"Umalis ka na nga sabi eh! Pwede ba? Wag mo akong hawaan ng mga God Bless you, God Bless you mo. WALANG DIYOS! Okay?!"

Pakiramdam ko tumama ang kidlat sa katawan ko, ang sakit sakit ng puso ko pagkatapos niyang sabihin sa akin iyon. Wala daw Diyos? Gusto ko sanang isigaw sa kanya lahat ng bagay na mag papatunay na may Diyos. Na nagkakamali siya...

Nakarating na ako sa sakayan ng Jeep. Sumakay ako at habang nakasakay ako doon iniisip ko pa din yung lalaking tumulong sa akin kanina, hindi ko siya makakalimutan, pinapangako ko, papatunayan ko sa kanya na nagkakamali siya.

***

Pagkarating ko sa bahay hindi ko na sinabi sa Mama at Papa ko yung nangyari sa akin kanina, ayaw ko na din silang mag-alala dahil pagod sila galing trabaho. Nag-oopisina ang tatay ko at nag titinda naman ang Mama ko. May kapatid din ako, dalawa kami ako ang bunso.

"Anak kamusta ang araw mo?"

"Okay lang po." okay lang ba talaga? Naku, sorry talaga, ngayon nakapag sinungaling na ko. Sinasabi kong okay ako kahit ang totoo hindi naman. Sorry po talaga, Lord patawarin niyo po ako, ayaw ko lang pong mag-alala ang mga magulang ko sa akin.

"Oh siya kumain na tayo."

"Pa, paki tawag si Daniel. Kakain na." hayss si Kuya nasa kwarto na naman, wala ng ginawa kung hindi mag-aral ng mag-aral.

After ng ilang seconds bumaba na din si Kuya at umupo na rin.

"Serah, pag-pray mo na 'tong food." parang hindi ko feel na magpray, may kasalanan akong ginawa ngayon.

"Ma, sorry po, pwede po bang kayo na lang po muna?" nagulat si Papa at si Mama sa sinabi ko dahil siguro nasanay nga sila na ako lagi ang nagdadasal.

Nagpray na si Mama nagpasalamat sa mga blessing na meron kami, na maswerte kami na nakakakain kami ng tatlong beses o higit pa sa isang araw, at sabay sabay pa din kaming kumakain.

Habang kumakain kami, biglang nag ehem ang Papa ko. Tumingin naman kami sa kaniya at nagulat ako nang nagsenyasan ang Mama at Papa ko.

"Uhmm, anak.. Serah.."tumingin ako kay Mama.. "-ano, pasensya na anak,... Kasi si Papa at ako nagkakaproblema kami sa financial. Sana maintindihan mo..." hindi ko magets ang sinasabi ni Mama pero pakiramdam ko ngayon kinakabahan ako. "-anak, sorry ha? balak kasi naming ilipat ka sa public school ngayong 4th yr pagpasok mo."

Public na ako mag-aaral? Ibig sabihin, hindi na ako sa Christian School mag-aaral? Malungkot ako kasi di naman sa sinasabi ko na hindi naman faithful ang mga tao doon kaso nga lang. First time ko ngayon, simula nang mag-aral ako sa Christian School ako pumapasok. Puro Christian ang mga classmate ko at walang ibang Religion.

"Anak, sorry ha? Pati kasi si Kuya gragraduate na din ngayon taon, kaya sorry ha? Tipid muna tayo."

"Okay lang po Mama..." siguro nga will ito ni Lord sa akin. Dapat tanggapin ko ito na, sa pasukan ibang lugar,at ibang tao na ang makakasalamuha ko.

Cherish YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon