Epilogue

649 22 20
                                    

Epilogue

Hilingin ko man na humaba pa ang araw, huminto ang oras o kaya ibalik ang nagdaang araw. Hindi ko magagawa. Ang tangi ko lang magagawa ay magpakatatag. Hindi ko dapat ipakita kay Zac na ayaw ko syang umalis. 

Katatapos lang ng Graduation namin. Naiyak kami ng mga kaklase ko sa speech ni Travis. Lalo na doon sa part na pinasalamatan nya ang pamilya niya tapos minention pa nya ang mga classmate, batchmate at lalong lalo na si Bethina. 

Kasama ko na sila Mama ngayon. Kumpleto kami hehehe. Nandito din si Kuya at Papa mabuti na lang at pinagkaloob ni God ang araw na ito na makompleto kami, 

"Gusto mo pang mag stay?" tanong ni Mama. Tumango ako ng bahagya. 

"Sige. Text mo na lang kuya mo kung magpapasundo ka." nakita ko na lang sa gilid ang kuya kong nakanguso. Tapos tumalikod sya kasi kasama din ni Kenn ang family nya kaya nandito si Ate Kate, girlfriend ni Kuya.

Pagkaalis nila Mama, hinanap ko si Kenn. Nakita ko na lang siya kasama ang mga kaibigan nya. Nilapitan ko sya.. Kasi simula nung gabing nag tapat siya sa akin. Hindi na niya ako pinansin hanggang ngayon.

Yung mga kaibigan nyang sila Jerome napansin ata ako na nasa likod ni Kenn.

"Alis muna kami pare.." pagkaalis nung mga kaibigan nya. Humarap siya sa akin na walang expression. Plain lang as in.

"Bakit?"

"Hanggang ngayon pa rin ba, masama pa rin ang loob mo sa akin?" iniwasan lang nya ang tingin ko at nakita kong humigpit ang hawak niya doon sa Diploma niya.

"Kung ikaw ay ako tapos nagtapat ka at di naman kayang suklian ng taong iyon ang nararamdaman mo. Anong gagawin mo? Magpapakamartyr na makipag kaibigan pa din doon? Serah, wag kang manhid. Iniiwasan kita kasi nasasaktan ako. Kaya huwag mo sanang hilingin na maging ganoon pa ang pakikitungo ko. Kasi ang sakit, Serah... Congrats na lang ." tapos tinalikuran na niya ako, napabuntong hininga na lang ako. Pakiramdam ko ang sama-sama kong tao.

Tumingin ako sa buong paligid, yung mga classmate ko nagpipicturan. Nakita ko si Bethina na nagpapapicture kasama si Travis. Lumapit ako nung tapos na sila.

"Serah! Picture tayo!" bigla na lang akong hinatak ni Bethina sa tabi niya at nagpapapicture sa Mama nya? "-Serah, mama at papa ko pala."

Nginitian ko naman yung mga magulang nya.

"May sasabihin pala ako" sabi ko

"Ano yun?" aniya

"Pwede bang bukas na tayo mag exam sa ____ State University?" nanlaki ang mata, mukhang alam ko na ang mangyayari.

"Kasi ano, hindi ako pwe-"

"Sige ako na lang mag-isa.." tapos tinap ko sya sa shoulder. "-congrats."

Tumalikod na din ako pagkatapos. Kaya gusto kong mag exam na bukas ayaw ko kasing ihatid si Zac sa airport. Baka mag breakdown lang ako, ngayon pa lang naiisip ko na aalis na siya bukas. Naiiyak na ako. Nakatayo lang ako dito sa may gilid ng may humigit sa kamay ko. Napaupo ako at kiniss ang batang humawak sa kamay ko.

Hawak siya ni Dria sa kabilang kamay. Lumalakad na pala si Mishka. Ang cute cute talaga nito.

"Ate, punta ka sa amin. May handaan." pero hindi pa ako nakakasagot may humatak na sa akin. Alam nyo na kung sino iyon. Nakatoga pa kami, sa isang araw ko na nga lang isasauli ito. Naglalakad kami ngayon papunta ulit sa Parking Lot.  Tapos siya nakaakbay sa akin, napansin kong nakatayo doon ang Mommy nya kaya nilayo ko ang sarili ko kay Zac.

"Pasok na.." nahihiya man akong pumasok, pumasok ako doon sa sasakyan. Hindi ko talaga planong pumunta sa kanila. Nag stay ako sa school kasi gusto ko mag gala gala muna doon. Kahit isang taon lang ako sa San Jose National High School, ang dami kong naging memories doon. Pagkapasok namin doon, nakita kong hawak ni Zac ang phone nya. 

Cherish YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon