Chapter 32: Small world

679 15 6
                                    

Chapter 32

Umuwi na lang ako sa bahay pagkatapos noon... Ihahatid sana ako ni Kenn pero sabi ko wag na dahil may party pa dito sa school. Pati nahihiya na din ako sa kanya, lagi na lang siya ang sinasandalan ko sa tuwing nagkakaproblema ko. Ayoko naman ng ganoon, hindi naman kasi kami ganoon kaclose talaga. Pagkadating ko sa bahay, Mama ko agad ang bumulaga sa akin.

"Bakit namumugto ang mga mata mo?" tanong niya sa akin, tinignan ko lang siya. Tapos bigla namang sumulpot sa likod ni Mama si kuya.

"Anong nangyari?" ewan ko bigla ko na lang niyakap si kuya at doon ko binuhos yung sama ng loob ko. Niyakap din niya ako pabalik tapos hinimas himas ang likod ko.

"Kuya, nililigawan lang niya dahil lang sa pustahan" pagkasabi ko noon mas lalong tumulo ang mga luha ko, napahikbi na lang ako. Ang sobrang sakit kasi ng nalaman ko, akala ko magiging masaya ang Christmas ko pero hindi pala. Sobrang sakit ng nararamdaman ko, tama nga si Bethina noon.

He will play your heart and torn it to pieces.

Sana nung una pa lang naniwala na ako sa kanya. Para sa ganoon hindi na sa akin mangyayari ito pero wala eh. Nalaman ko na, pero malaki ang pasasalamat ko doon sa mga outsider na iyon kung di dahil sa kanila, baka hanggang ngayon. Nabubulag pa din ako sa mga kasweetan ni Zac. Grabe ang galing niyang mambola! Bakit hindi na lang siya naging Basketball Player? Manloloko siya!

"Serah naman, wag mo akong kurutin" sabi sa akin ni kuya, tinanggal ko na yung yakap ko sa kanya. Tumingin ako kay Mama at nakatingin lang siya sa akin. Yung tingin na nag-aalala. Pinahid niya yung luha ko at hinarap ako sa kanya.

"Serah, si Zac ba yung tinutukoy mo?" nag nod ako, sabay iwas ng tingin kay Mama. Sana kasi hindi na lang pinapasok ni Mama yung lalaking iyon nung panahon na pumunta siya dito. Ako ang nahihiya sa ginawa niya eh! Kapal ng mukha niyang magsabi sa harapan ng mga magulang ko naliligawan ako, yun pala dahil lang sa kotse.

"Mama, sabihin mo sa akin. Bakit nagkakaganito ako ngayon? Masama ba ako? Kaya niloloko ako? Ma--"

"Sshhh.. Isipin mo na lang Serah, naglalakad ka sa Maze Hindi sa lahat ng lakad mo, mararating mo agad ang finish line. May part na kailangan mong bumalik, lumiko, dumerecho, mahanap lang ang tamang daan palabas. Kung sakaling pabalik balik ka na lang, kailangan mong marealize na mali ang dinadaanan mo at kailangan mong mag isip ng bagong dadaanan. Ganoon din sa lovelife, hindi lahat ng dumadating sayo ay tamang lalaki na. Pwedeng pansamantala lang siya, napadaan sa buhay mo. Kaya anak wag mong que-questionin ang lovelife mo. Ganyan talaga ang cycle ng love. Wag kang mag-alala dadating din naman ang right guy para sayo at the right age and at the right time kapag sinabi na ni God.

Niyakap ko na lang si Mama ng super higpit. Tama nga si Mama, si Zac ay pagsubok lang. Dapat matuto ako sa nangyari ngayon. Mag-ingat ka sa gugustuhin mo.. Kilalanin mo muna, para hindi ka masaktan.

"Nasa bahay na ba yung Zac na iyon?" biglang tanong ni Kuya.

"Nasa school pa siguro iyon" wala kong ganang sagot. Nakaupo na kami sa sofa.. Binubuksan ni Mama yung mga natanggap kong regalo. Wala kasi ako sa mood magbukas ng mga iyon

"Humanda sa akin iyon bukas" bulalas ni kuya

"Kuya! Wag na!" sabi ko naman

"Aba, lakas ng loob niyang manligaw sayo tapos ganoon lang pala. Dapat maturuan siya ng leksyon! Pinaglalaruan ka niya.. Hindi ako papayag"

"EH kuya, nagawa mo na din ba iyon?" bigla kong tanong sa kanya para mawala yung galit niya. Pati ayoko kasing makigulo pa si kuya, dami na nga nyang iniintindi. Dadagdag pa ito..

Cherish YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon