Chapter 21: Stay with me

909 17 9
                                    

Chapter 21

Nandito na kami sa Camp John Hay Manor Hotel. Pinapila muna kami dito sa may garden. Grabe ang ganda nitong lugar na ito parang nasa America na ako! Hehehe, ang OA naman ata ng isipan ko. Eh kasi naman yung structure nung Hotel parang kahoy eh di ba sa America ganoon? Kapag snow? Hindi ako nagsisisi na sumama ako kasi super ganda talaga! Ang swerte din naming mga taga-San Jose National High School kasi dito kami mag s-stay in. Tumingin ako sa paligid ko at napansin ko na lahat sila ay maiingay at nagkwe-kwentuhan. Ako lang ang walang kausap.

"Sis, secret lang natin ito! Tumakas lang ako kaya nakasama ako sa Field trip!" sabi nung girl na nasa likuran ko.

"Ows?"

"Oo, ang alam ni Mama may camping ang Red Cross kaya pinayagan niya ako. Pero sa totoo lang hindi, tapos nilibre pa ako ng Boyfriend ko! Awieeh!"

"Naks naman."

"Syempre may kapalit yun noh.."

"Alam ko na.. Mamayang gabi."

Hala, grabe naman iyon. Lumayo na ako sa mga iyon kasi parang nakakaamoy ako ng hindi magandang topic doon. Ang bad naman ni Ate nag sinungaling siya sa Mom niya tapos.. Ah basta yun na un! Nakita ko sila Hannah nakaupo sila sa damuhan. Kaya lumapit ako sa kanila.

"Hi Ate Serah!!!" in chorus nilang bati sa akin. Nakiupo din ako sa kanila sa tabi ni Paula.

"Ang ganda pala dito." sabi ko habang nakatingin sa paligid.

"Correct ka dyan ate!"

"Ate, sasama na lang tayo sa room!" -Carla

"Oo nga para masaya at para makabonding din natin si Ate Serah!" -Irish

"Sige sasabihin ko kay Ma'am. Sabi kasi ni Ma'am kanina 5 person daw kada room eh. Sa atin gawin na lang natin magkasama sa isang bed yung dalawa." -Hannah

Natuwa naman ako sa suggestion ni Hannah. At least may kasama na ako! Hindi na ako mag-isa! Yehey! Lord, thank you po! Akala ko forever alone na talaga ako eh.

"Ikaw Ate Serah ha.." bigla ba naman akong kinalbit ni Carla sa may bewang.

"Ano yun?"

"CLASS ATTENTION! WAG KAYONG MAINGAY! PAPASOK NA TAYO SA LOOB! WALK BY TWOS!" tapos sila Hannah nagtayuan na din kaya ako napatayo na din habang dala-dala yung gamit ko. Hala, kasama ko na pala ngayon mga 3rd year. Ok na din ito kasi nandito naman ang makakasama ko, hindi naman sinabi na per year or section ang dapat mo lang samahan eh. Nag partner kami ni Carla at naglakad papasok sa Hotel. Sinundan lang namin yung nasa unahan.

Pagkapasok namin doon, hindi ko mapagilan na mapamangha sa itsura nung loob. Ang laki ng chandelier pati parang Antique yung mga gamit. Umakyat kami sa stairs at after ng napakadaming panhik panahog. Nakarating din kami sa respectively room namin. Muntikan na nga kaming hindi bigyan ng room kasi si Irish tawa ng tawa, ang ingay daw.

Nung nakapasok na kami sa loob ng room. WOW! Alam ko yung bibig ko nag form sa malaking O. Eh kasi naman ang ganda ng room. Walang wala ang kwarto ko dito, sa kama pala at lampshade wala na. Nagsitakbuhan sila Carla doon sa Bed at nagtatalon including Hannah. HAHA, ang saya lang nilang tignan tapos nagbatuhan sila ng mga unan sa isa't isa. Binaba ko na yung gamit ko sa may cabinet nung nailagay ko na umupo ako sa may chair sa gilid at pinanuod sila. Nakitawa na din ako kasi nakakatawa talagang panuoring itong magkakaibigan na ito na naghahampasan sa unan.

Pero nagulat ako ng tumigil sila at tumingin sa akin.

"Ate Serah bakit di ka maki-join sa amin?" -Paula

Cherish YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon