Special Chapter

442 10 5
                                    

Special Chapter

A/N: Ito na po ang ZARAH special chapter. Alam kong maraming nabitin sa Ending. Sana sa special chapter na ito eh mafill up-an ko ang bitinness niyo. Charot!

Timeline po nito: Third Year college si Serah. Hindi pa nag p-propose si Zac dito at hindi pa kasal sila Travis. This chapter is all about their endless courtship.

Serah's Standpoint

 "Serah, upo ka nga dito" lumapit naman ako sa kanya nakaupo kasi siya sa sofa at tinabihan ko siya. "-hindi, dito ka" nagulat naman ako dahil gusto niya akong umupo sa sahig. Balak ko sanang umapila kaso napansin kong seryoso siya kaya sinunod ko na din. Pagkaupo ko doon, hinawakan niya ang buhok ko. Hihingutuhan ba niya ako? 

"Anong gagawin mo?" tanong ko.

"Basta...Tatanggalin ko muna itong ipit mo ah"

Nawi-weirduhan na ako kay Zac ah. Ilang linggo na ba itong nakauwi? Ganito ba talaga ang epekto kapag galing ibang bansa? 

Tinanggal nga niya yung ipit ko at sinuklay niya ang buhok ko gamit ang kamay niya.

"Zac, wala ka talagang magawa no?"

"Tsk." nagulat na lang ako nung tinirintas niya ang buhok ko. Akalain mo? Maranunong pala siya? Nangiti na lang ako. Di ko kasi ineexpect na gagawin niya ito sa akin. Alam ko ang cliche pero kinikilig ako.

"Ang ganda ng buhok mo wag ka ng magpapakulay ha? Katulad dati."

"Eh ikaw kasi eh kiniss mo ko." tinali na niya yung pony pagkatapos niyang magtirintas. Tumayo na ako para gawin yung naiwan kong trabaho sa kusina nang hawakan ako ni Zac sa kamay kaya lumingon ako sa kanya.

"Dito ka muna..."

"Ito naman di naman ako aalis. Magluluto lang ako."

"Eh sa namiss kita eh"

"Grabe Zac halos araw araw mo na nga akong nakikita eh."

"So naiinis ka na sa akin?" nagulat ako nung nag-iba ang aura ni Zac pagkatapos niyang sabihin iyon. "-sige, alis na nga ako."

At bigla na lang siyang tumayo sa sofa at nagtungo sa pintuan before I knew it umalis na nga siya. Hala! Napatakbo ako palabas...

"ZAC!!!"

Ano ba yan ang layo na niya kaagad. Nakaramdam ako ng lungkot dahil nagtampo na naman siya sa akin. Hayss, ang hirap pa namang suyuin yan. Lulutuin ko na nga lang yung adobo tapos dalhin ko na lang sa kanila mamaya. Kaya iyon bumalik ako sa amin at sinimulang mag hiwa hiwa ng mga rekados.

Habang naghihiwa ako ng sibuyas. Ano ba yan ang sakit sa mata

“Bakit ka umiiyak?” napalundag ako nung may nagsalita sa gilid ko. Napasigaw na lang ako nung marealize ko kung sino iyon.

“Kuya!!! Anong ginagawa mo dito?"

“Akala ko pa naman matutuwa kang makita ako. Minsan na nga tayong magkita eh." sa Taguig na kasi siya nakatira doon kasi ang trabaho niya kung dito kasi siya magmumula eh siguradong palagi siyang malalate. Kaya naisipan ng magulang kong palayuin na si Kuya at umuwi na lang dito kung may time siya.

“Nasaan pala si Ate Kate?”

“Ewan…”

Cherish YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon