Chapter 16: Panget ba ako?

989 18 5
                                    

Chapter 16

Maraming salamat kay Lord at magaling na ako. Syempre ang unang-una kong ginawa nung nakalabas na ako sa Hospital. Tinext ko si Hannah na kung pwede sumama sila sa akin sa Church kasi kinabukasan naman ay Sabado. 

Naisip ko na sa Youth Service ko na lang muna sila isama para makakarelate sila. Habang inaantay ko ang text ni Hannah. Kasi for sure tinext din niya si Carla, Abby, Irish at Paula naalala ko yung mga nangyari nung nasa Hospital pa ako. 

Haysss, hanggang ngayon. Nilalabanan ko pa din yung feelings ko. Ayaw ko talagang mahulog kay... Hindi pwede. Please lang, kung pwede ko lang utusan ang sarili ko. Gagawin ko talaga ang lahat.

Hindi ko pa nga pala nakwe-kwento kila Hannah ang nangyari sa akin. Basta ang alam nila nasa Hospital ako iyon lang at wala ng iba. Sinabi ko kasi kay Travis na sa aming tatlo na lang nila Zac ang tunay na nangyari sa akin. At syempre sa mga teacher namin sa school.

*Beep

"Sige, GO kaming lahat!" Reply sa akin ni Hannah. Yehey! Excited na ako! Tinext ko na din yung mga ka-churchmates ko na magsasama ako ng bisita. 

Kinabukasan.

Sabi ko magkita-kita na lang kami dito sa may park 3:00 p.m, walking distance lang naman yung church namin dito kaya ok lang. Habang iniintay ko sila, nakalimutan ko palang sabihin sa inyo na nakabandage pa din itong ulo ko. 

Kaya naman lahat ng dumadaan sa harapan o gilid ko ay nakatingin sa akin. Ang pangit ko talaga.... Hayss! Erase, erase! Lahat nga pala ng nilikha sa mundong ito ay maganda! Keep it that, Serah. 

"Ate Serah!!!!!!!!" nakita ko na sila Carla na tumatakbo sa place ko. Tinignan ko ang mga damit nila. Oh... 

"Ate Serah, kamusta ka na?" -- Irish

"Natambakan na ka na ng letters! Nag reply na kasi ulit yung Mara." --Paula

"Kamusta ka na?" --Hannah.

Minsan ang hirap din kapag kasama ko sila. Sunod-sunod kasi ang tanong, hindi ko alam kung sino ang uunahin kong sagutin. 

"Okay na ako, pero syempre hindi pa din ako pwedeng magkikilos ng napakadami. Baka mahilo ulit ako eh. Pati mabuti pumayag kayong sumama" sabi ko.

"Aba'y syempre. Hindi naman kami yung ibang tao nakapag nakarinig ng salitang simabahan ay magp-panic na at mag sasabi ng 'Masusunog ako. Waah.." sagot sa akin ni Hannah, nag nod na lang ako sa kanya. Siya nga ang pinaka matured sa kanila. Pati totoo nga din yung sinabi niya, may ganyan talagang mga tao.

"Oh tara na!" sabi ni Abby, nagsalita din siya. Nakatingin lang kasi kanina siya sa akin eh.

Pagkadating namin doon.

"Welcome!" syempre yung mga ka-churchmate ko kinamayan na agad sila Hannah and lead them sa may upuan. Nakakatuwa dahil mukhang enjoy na agad sila. Ang lapad kasi ng ngiti eh. Lalo na si Carla.

May drummer kasi kami, may itsura naman siya at napansin ko. Ang unang-una na kinamayan niya si Carla. Ohhh, something is fishy na agad sa mga mata niya! Ahahahah, alam na.

Tapos yung guitarist naman, siya naman ay sociable na lalaki. Nung nakipagkamay siya kay Hannah at nakaupo na ito sa upuan. Aba sinundan niya ito at nakipag chismisan :D Mukhang nagkakaintindihan yung dalawa dahil tumatawa silang dalawa. Ahhahaha, alam na.

"Bakit hindi ka pa pumapasok sa loob?" sabi sa akin ni Sister Ruth. 

"Heheh, papasok na po." 

"Bakit may ganyan ang ulo mo?" tanong niya

"Ah, di niyo pa po ba alam?"

"Hindi eh." 

Cherish YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon