Chapter 22: Ferris Wheel

881 17 6
                                    

Chapter 22

Nagising ako kasi parang nakikiliti ata ako. Pero bakit sa parteng mukha siya? Minulat ko ang mata ko at hindi ko ineexpect ang taong makikita ko kaya naitulak ko siya na malakas na kinahulog niya sa kama.

Bakit naman kasi ang lapit ng mukha niya? Kagigising ko lang siya agad ang nasilayan ko. Hindi pa nga ako nakakapag pray eh.

"Ouch" sabi niya na hanggang ngayon ay nakahiga sa sahig. Napabangon ako at nilapitan siya.

"Oh, sorry, sorry talaga," tinayo ko siya, kasi naalala ko may sakit nga pala siya kagabi.

"No need na itayo ako. Magaling na ako." nung nakatayo na siya pati ako. Nagkatinginan kami, kaya iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Naalala ko na naman kasi eh ... Bigla ko namang naramdaman na may humawak sa pisngi ko. Lumingon ako sa kanya, pero hindi ko pala kaya! Bakit ba ganoon sa tuwing titingin ako sa kanya? Nahihiya ako. Naiilang.

"Salamat pala," tapos gumalaw ang kamay niya at hinawakan niya yung buhok ko. Pinadulas pa niya sa daliri niya ang mahaba kong buhok. "Bakit brown na ang buhok mo? Mas maganda itim, normal at simple lang."

Naalala ko naman kung bakit nagpabrown ako ng buhok kahit labag sa kalooban ko. Dahil hindi malulugod si Lord kasi iniiba ko yung binigay niya sa akin. Kasi kaya ako nagpa brown ng buhok asar na asar ako sa kanya. Kinuha niya kasi eh.. 

Bigla ko namang tinapik yung kamay niya na hawak pa din ang dulo ng buhok ko.

"Oh sige, alis na ako ha?" bigla na lang akong tumakbo palabas ng kwarto niya. Ewan ko ba naalala ko lang kasi yung time na hinalikan niya ako. Feeling ko bumalik na naman yung inis ko. Ang bipolar ko nga siguro.

Bumalik na ako sa kwarto namin, mabuti at tulog pa din sila. Wooh, thank you Lord! Hindi ko talaga alam ang sasabihin ko kung tatanungin nila ako kung saan ako galing. Bad kaya ang mag sinungaling! Hindi ko pwedeng sabihin,

'Hindi ko alam.'

'Nagpahangin muna ako, tapos pagbalik ko tulog na kayo'

'Sarado na yung kwarto nung babalik na ako'

'Kinuha ako ng Alien, ngayon lang ako nakabalik'

Ang dapat ko lang sabihin to speak out the truth if ever na tanungin nila ako.

'Natulog ako sa kwarto ni Zac, may sakit kasi siya.'

Haruy, ano na lang iisipin nila? Kapag sinabi ko iyon? Panigurado kukuyugin ako ng mga iyon. Waaah! Tumingin ako sa orasan at 5:35 a.m pa lang. Humiga ako sa tabi ni Abby siya lang kasi yung walang katabi at may malaking space pa sa gilid niya. Pagkahiga ko nagbuntong hininga ako. Hindi ko talaga kasi alam ang gagawin ko, paano ko na lang ie-explain sa kanila?

Baka inantay pa nila ako kagabi tapos late na sila nakatulog. Grabe, kung mangyayari iyon, hiyang-hiya na ako sa kanila. Isinama na nga nila ako dito sa grupo nila, tapos pinaghintay ko pa sila. Waaah, ano na lang ang gagawin ko? Mag sisinungaling o hindi? No no no! Hindi ako magsisinungaling, turo sa akin iyon ni Mama, bad iyon. Pero, baka magalit sila sa akin eh, baka nag hintay pa sila at sabihin hindi man lang ako bumalik para ipaalam na dun ako matutulog. O kaya naman itext sila pero naiwan ko kasi ang cellphone ko sa bag ko at hindi ko naman alam ang number nila.

Magsisinungaling o hindi?

Biglang bumangon si Carla sa kanyang pagkakahiga. Basta parang may tali sa kanyang katawan at bigla siyang umupo. Pero nagulat ako ng bumagsak ulit siya. Hala? Ano yun? Nanaginip si Carla na gigising na siya? Tapos inantok ulit, naku! Wag ka munang gigising Carla. Hindi ko pa alam ang sasabihin ko.

Cherish YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon