Chapter 37: Partner

658 14 7
                                    

Chapter 37

"Hanggang ngayon 4th years hindi pa rin kayo nagbabago! Ga-graduate na kayo next month ang titigas pa din ng ulo niyo! Pati I heard sa ibang teachers na sobrang iingay nyo sa subjects nila. Lalo na kayong dalawa Zac at Kenn! Ano bang pumasok sa kokorte niyo at nag suntukan kayo in the middle of class?!"

Hindi agad kami nakauwi, kanina pa talaga ang dismissal pero pinatawag kami ni Ma'am Fuentes na wag muna daw uuwi. Kakausapin niya daw kami at ito nga. Tumingin ako sa katabi ko at nakatungo lang siya.

Bumulong ako, "Uy tinatanong ka.."

Alam kong maiinis sa akin si Kenn kasi pinpopoint ko pa siya lalo. Pero ganoon talaga, hindi ko dapat itolerate yung ginawa niya kanina. Kaibigan ko sya eh.

And still tahimik pa din ang klase, tanging tunog lang ng electric fan ang maririnig mo.

"Hay, di ko na alam ang gagawin ko sa inyo!" tapos nag walked out na si Ma'am at binalibag ang pinto.

"Bakit ba kasi nag-away yung dalawa?"

"Badtrip naman oh. May pupuntahan pa ako, na delay pa dahil sa sermon"

"Asar!"

Mga komento ng classmate ko after lumabas ni Ma'am. Tumayo na si Kenn habang daladala ang bag. Ginawa ko din yun at uuwi na din ako. Sabi kasi ni Mama umuwi daw ako ng maaga dahil magluluto daw kami ng Hapunan.

Di ko na kinausap si Kenn habang sabay kaming naglalakad sa corridor. Wala din naman ata siyang balak kausapin ako baka nga galit. Pababa na kami sa hagdan ng bigla niyang hawakan ang braso ko.

"May date ka na sa prom?" bigla naman akong napahinto

"Ha? Ah wala.. Di naman ako pupunta" sabi ko sa kanya pero hindi naman siya nakatingin sa akin.

"Ah ganun ba.." tapos binitawan na niya ang braso ko at bumaba na sa hagdan. Ano kayang nangyari doon? Nung nakababa na ako bigla kong nakita sila Hannah na sabay sabay naglalakad kaya tumakbo ako palapit sa kanila.

"Uy, sorry kanina ha.."

"Wala yun, ate gusto mo sumama?" -Carla

"Bibili kami ng ay NO! Titingin muna kami ng dress para sa prom" -Irish

"Sorry guys, sabi kasi ni Mama umuwi daw ako ng maaga eh. Magluluto daw kami ng hapunan." bigla na lang nadismaya ang mukha nung lima, nakaramdam tuloy ako ng guilt.

"Bawi na lang ako sa susunod." tapos ngumiti na lang ako sa kanila

"Sige Ate asahan namin yan. Alis na kami" tapos bineso beso ako nung lima. Nagulat na lang din ako di kasi ako sanay. Siguro ganoon nga talaga ang mga close friends hehehe.

Habang palakad na ako palabas ng gate nadako ang mata ko doon sa Building ng mga Clubs. Bigla akong napatingin doon sa room kung saan ako nakulong at siya pa ang nagpalabas sa akin. Hala! Iniisip nga pala niya na galit ako sa kanya. Lumingon ako sa likuran ko baka sakaling pauwi na din sya at palabas ng gate. At di nga ako nagkakamali palabas na nga siya ng gate.

Nakatingin lang ako sa kanya at nakatingin siya sa ibaba habang naglalakad. Tatawagin ko na sana ang pangalan niya pero nagulat ako ng mag abresyente si Mara sa kanya. Nagulat siya sabay ngiti doon.

Dinaanan lang nila akong dalawa.

At naiwan ako ditong tulala. Akala ko ba..

Hayss, bahala nga siya sa buhay niya. Lumakad na lang ako palabas at pilit na kinakalimutan yung nakita ko. Pero hindi pa din eh, ang lakas ng impact. Hanggang sa nakarating na ako sa sakayan ng jeep. Umupo na ako habang nag aantay si Manong Driver ng sasakay. Sakto namang pumasok yung dalawa at umupo sa harapan ko.

Cherish YouWhere stories live. Discover now