Chapter 23: Do something

976 19 10
                                    

Chapter 23

Pagkababa namin sa Ferris Wheel.

"Tara na," bigla na lang niya akong hinatak palakad. Bakit ganito ang feelings ko parang gustong gusto ko pa na hawak niya ang kamay ko. Naku, hindi maaari! Kinalas ko yung kamay ko sa kanya, hindi talaga pwede. Pati yung iniisip ko kanina na baka nahuhulog na ako sa kanya. Wala yun, naisip ko lang yun dahil natatakot ako. Hindi talaga pwede akong magkagusto sa kanya.

Napahinto pala kami dahil sa ginawa ko.

"Bakit?" pagtatakang tanong niya.

"Wala hehehe." tapos ngumiti naman siya hahawakan pa sana niya yung kamay ko nang bigla akong lumakad.  Ewan ko naguguluhan ako, hindi ko maintindihan ang sarili ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad ng mapansin kong nandoon pa din siya pwesto niya at nakatayo.

"Saan na tayo pupunta?" tanong ko sa kanya, hindi siya sumagot at tinignan lang niya ako. Hindi ko mawari kung anong tingin iyon pero nagulat ako sa ginawa niya. Bakit? Dahil tumingin siya sa akin mula ulo hanggang paa katulad ng ginawa niya sa akin nooong unang beses kaming nagkita.

Pakiramdam ko babalik kahit ano mang oras ang Zac na nakilala ko noon. Kinakabahan ako, ayaw ko ng ganoon siya. Gusto ko yung ngayon na siya, sana hindi. Sana hindi na siya bumalik.

"Ayaw mo na ba akong kasama?" tanong niya sa akin ng may malamig ng tingin. Nakaramdam ako ng kaba, galit ba siya? Tumingin lang ako sa kanya, gusto ko ba siyang kasama o ayaw ko na? Naguguluhan na talaga ako. Oo aaminin ko nagkakagusto na ata ako sa kanya. Pero MALI eh! Hindi talaga pwede, dahil unang-una yung Religion namign dalawa. Napaka importante ng Religion sa akin at ibang-iba ang yung sa akin at sa kanya. Kaya ayaw ko talaga.. Pero,

Lumakad na siya palapit sa akin, huminto siya sa harapan ko. Okay na ba? Pero nagulat ako dahil lumakad na muli siya at nilagpasan ako.

Sumunod na pangyayari? Hindi niya ako nilingon muli at dumerecho na siya palabas ng peryahan. Sinundan ko siya, iiwanan niya ba ako? Akala ko ba...

Hinabol ko siya at nung nakita ko siya pasakay na siya sa tricycle. Iiwanan na niya talaga ako? Bakit ganoon bakit ganito ang nararamdaman ko? Naiiyak ako. May mali ba akong ginawa sa kanya, bumitaw lang naman ako sa kamay niya kasi naguguluhan ako. Akala ko ba sasamahan ko pa siyang bumili ng pangregalo.

Nakita ko na lang na sumakay siya ng Tricycle. Tinignan ko lang siya at tumingin siya sa akin hanggang sa tuluyan na ngang umalis yung tricycle. Iniwan na nga niya talaga ako. Lumakad ako doon sa may bench at umupo. Bakit ako naiiyak? Bakit?! Nakakaasar naman eh. Anong ibig sabihin nito? Bakit ako naiiyak? Dahil ba sa iniwan niya ako, may pamasahe naman ako pauwi eh.

Pero hindi eh hindi iyon ang iniiisip ko. Ang iniisip ko ano na lang mukha ang ihaharap ko sa kanya kung sakaling magkita ulit kami. Hihingi ba ako ng sorry? Wala naman akong ginawang mali eh.

At doon tumulo na ang luha ko. Hindi ako pwedeng magkagusto sayo! Nakakaasar ka Zac! Malapit na pa naman ang Birthday mo.

Ayaw ko nito! Ayaw ko ng ganitong nararamdaman, ayaw kong may nagagalit sa akin! 

"Serah!" napatingin ako sa lalaking tumawag sa akin. Nagulat ako sa taong nakita ko lalo na dahil nakita niya ako na ganito ang itsura. Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko.

"Umiiyak ka ba?" lumundag naman ang puso ko dahil hinawi niya yung buhok ko sa mukha ko at tinabi sa tenga.

AKO?! Ako ang crush niya? 

"Hindi, tumatawa ako. HAHAH." sarcastic kong sagot sabay talikod sa kanya. Pinunasan ko naman ng kamay ko yung luha ko. Bakit ba siya nandito? Haysss..

Cherish YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon