Chapter 12: Demon's child

981 17 3
                                    

Chapter 12

Minulat ko ang mata ko. Ang lambot naman nitong hinihagaan ko, matutulog na nga ulit ako. Kukunin ko na sana yung unan sa tabi ko pero instead na unan ang makuha ko. Ulo ng tao ang nahawakan ko. Bigla akong napabangon, bigla naman niya tiningala ang ulo niya.

"Oh my God!!" bigla kong tinakpan ang bibig ko. Bawal para sa akin mag salita ng ganyan. I should not put the name of Lord in vain. Tinignan ko ang taong nasa harapan ko. Napakagat ako sa labi ko. Bigla naman niyang nilapit ang kamay niya sa mukha ko.

"No!!" 

Naramdaman kong may yumuyugyog sa akin. Pagkabukas ko ng mata ko. Mas lalo akong napasigaw. "-AHHHHHHHH!" tapos bigla na lang niya akong sinampal. Ngayon ko lang nalaman. Nasa clinic pala ako, at yung Nurse ang bumulaga sa akin na sobrang puti ang mukha kaya ako ay sumigaw. Nakakagulat kasi eh.

"Sorry pala. Ikaw kasing bata ka eh, binabangungot kaya yinugyog kita. Tapos nung nagising ka naman sinigawan mo ako kaya nasampal kita." sabi nung Nurse namin na inaayos ang mukha niya, nag-aayos pala siya nagpupulbos siguro kaya hindi niya natapos eh dahil binabangungot daw ako. 

Binabangungot? Hindi ko na matandaan ang nasa panaginip ko. 

"-Miss.." hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil nag bell na. Tinignan ko ang orasan sa may pader at uwian na nga. 

"Hala siya umuwi ka na, mabuti at ayos na din ang itsura at pakiramdam mo. Kanina kasi nung dinala ka ng boyfriend mo basang basa ang mukha mo pati namumuti ang labi mo. Siguro nag-away kayo?" 

"Hindi po." nagpaalam na ako para bumalik sa room, bukas ay exam na namin. Sana mataas ang grade ang makuha ko, naku nahihirapan pa naman ako sa Math. Pagkakuha ko ng gamit ko mabuti wala ng tao sa room. Mabilis akong lumakad pababa sa hagdan. Pero may humawak sa braso ko. 

Please not today. 

"Serah..." lumingon ako sa kanya dahan dahan, pero hindi ko magawang tumingin sa kanya, what if totoo nga ang sinabi ni Bethina?

"Bukas na yung exam, watched me! Mananalo ako sa dare!" tinap na lang niya ang balikat ko at bumaba na siya. Mabuti na lang at hindi si Zac iyon hindi ko maisip kung ano ang gagawin ko kung siya ang nakita ko dito.

Siguro mag t-thank you na lang ako. Habang bumababa ako sa hagdan may nakasalubong akong ibang students na nakatingin sa akin. Siguro 4-Dandelion sila.

Dinaanan ko na lang sila, pero nagulat ako ng tinawag nila ako. 

"Serah..." sabi nung isang girl, tatlo kasi sila. Kilala nila ako? 

"Bakit?" di ko alam kung ngingiti ba ako or what. Kasi unusual eh noon titignan nila ako mula ulo hanggang paa pero ngayon hindi na. 

"Ang galing mong kumanta." sabi niya... naalala ko yung Acquaintance. Ito na ba yung sinasabi sa akin ni Travis? Ngumiti na lang ako sa kanya. 

"Pwede ba kaming makipag kaibigan sa'yo?" sabi nung isa niyang kasama. I nodded.

"Ako pala si Maradee siya si Helen at Eve." nakipag shake hands ako sa kanila, nag paalam na din ako na aalis na ako pero bago ako magpatuloy sa paglalakad.

"Goodluck sa exam!" sigaw ko, masaya lang ako kasi kahit papaano may gusto din palang makipag kaibigan sa akin. Masaya akong umuwi sa bahay, kumain, mag review at marami pang iba.  Pero kahit ganoon hindi pa din nawawala sa isip ko yung sinabi ni Bethina. Siguro ang magandang gawin ko na lang ay iwasan sila. 

* * * 

Tapos na ang exam namin, 4 subjects sa isang araw. Ang masama pa doon mga Major ngayon ang hirap nung sa Physics about sa Eye. Tapos bukas naman yung mga minor. Nag pray ako kay Lord na sana mataas ang makuha kong grade kahit hindi mataas basta hindi bagsak. Natutuwa nga ako ngayong araw na ito kasi iniba ang upuan namin pinaglayo-layo kami sa isa't isa. Naiwasan ko siya. 

Uwian na naman. Paglabas ko sa pintuan nakita ko si Travis na ang lapad ng ngiti. Hindi ko siya pinansin, lumakad na ako. Kailangan ko ng umuwi. 

"Serah, bukas ko malalaman yung result ng exam! Minadali ko si Ma'am na checkan na agad yugn akin! Humanda ka Serah! Mananalo ako!" pakiramdam ko yung mga tao na nasa paligid ko ay napahinto din sa mga sinabi ni Travis. 

Nakarinig din ako ng mga bulong bulungan. I need to escape. 

Tumakbo ako ng mabilis... Uuwi na ako, naku lagot na ako kila Hannah, hindi na ako madalas nagpupunta sa Club namin, siguro after exams na lang. 

Nung nasa gate na ako, biglang may humatak sa braso ko. Magagalit sana ako kasi nagulat ako eh...Pero ang bilis ng pangyayari. Nasa harapan ko ngayon si Zac. Nakatingin siya sa akin habang hinihingal.

"Ang bilis mong tumakbo." sabi niya. You're so defenseless. Iniwas ko ang tingin ko kay Zac. Ayaw ko talagang makita siya o makausap man. Pero sinundan niya talaga ako. "--okay ka na ba? May ginawa ba sayo yung mga kasama mo doon sa Laboratory? Pero wag kang mag-alala pinadetention ko na sila." 

Nagulat ako sa mga sinabi, pinadetention? Ano bang iniisip niya? Hindi ko napigilan ang sarili ko, naiinis kasi ako eh. Isang salita lang ang pumapasok sa isip ko para idescribe siya. 

"PAKIELAMERO!!" sigaw ko sa kanya, bakit niya ginawa iyon? Wala namang ginawa sa akin yung tatlong first year students. Pati sino ba siya para gumawa ng ganoon. Alam ko na yung ibang students din ay nakatingin sa amin. Pero wala akong paki. 

From now on, wala na akong paki sa lahat ng sasabihin o iisipin ng tao sa akin.

Tinalikuran ko na siya, gustong-gusto ko ng umuwi. Nakaka isang hakbang palang ako. Nang bigla na naman niyang hinatak ang braso ko. Pero mahina lang... Tinanggal ko yung kamay niya sa braso ko. 

"Get off your hands! Demon's child!" biglang lumabas sa bibig ko 'yan. 

"What?!" iritatadong tanong niya sa akin. Pero nakatalikod pa din ako sa kanya. This time tatakbo na sana ako pero bakit ang bilis bilis niyang pigilan ako. 

Katulad ng ginawa niya kanina, hinatak niya ako ng malakas. Bakit ba Zachary Latiev? Ano ba ang gusto mong mangyari? Napalingon na lang ako sa kanya. Napatingin ako sa mata niya. Hindi ako makagalaw. Pakiramdam ko nagyeyelo ang buong katawan ko. Bigla niyang hinawakan ang batok ko. Before I knew it, mabilis niyang nilapit ang mukha niya sa akin. I felt his breath and his lips. He kissed me! 

Nakaramdam ako ng malakas na kabog sa dibdib ko. Kinakabahan ako. Nanghihina. Bakit kailangan mong gawin sa akin 'to? Zac. 

Then I feel his lips is moving. Anong gagawin ko? Napapapikit na din ako. Pero mali ito lalong lalo na nasa harapan kami ng maraming tao! I pushed him hardly.

"Bakit mo ginawa iyon?!" sigaw ko sa kanya, ayaw ko sa kanya! Illuminati siya! 

"I like you." then he kissed me again.

Cherish YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon