Chapter 15: Serah

957 15 1
                                    

Chapter 15

"Serah..."

"Serah..."

"PRINCESS!!!!!!!!!!"

Minulat ko ang mata ko, at feeling ko init na init ako. Pero hindi ko na pinansin iyon dahil ang nasa isip ko ngayon. Nasaan ako? Ang puti ng paligid, tapos si Mama at si Kuya na sa harapan ko. Teka, tama ba ang pandinig ko? May tumawag sa akin na Princess?

"Ma..." kasi naman maiiyak na ang itsura nya. "-uyy Ma, bakit ganyan ang itsura mo?" tanong ko tapos pumatak na yung luha niya. Pati ako naiiyak na din, kasi ang hirap makita na umiiyak ang Mama mo.

"Eh paano ba naman kasi, akala ko matutuluyan ka na. Binabangungot ka kaya." sabi ni Mama

"Pang-asar ka! Napadasal talaga ako ng higit pa sa sampung beses ng paulit-ulit gawa kanina. Hayss, Serah kung alam mo lang..." -Kuya Daniel

"Pasensya na po..." tapos nag flashback sa memory ko yung panaginip ko. Si Bethina... Sino ba yung bumato sa akin? Tumayo ako sa pagkakahiga ko.

"Princess wag ka munang tumayo. Sasakit ang ulo mo." sabi sa akin ni Kuya Daniel.. Ano daw?? Princess??? Ha?!

"Anong tawag mo sa akin, Kuya?" nanlalaki na siguro ang mata ko ngayon.

"Princess."

"Bakit ganoon?" tapos kinamot niya ang ulo niya... at umalis ng kwarto.. Hmmm, nasa Hospital pala ako. Teka, sino nagdala sa akin dito? Ang naalala ko lang nasa may garden ako kasama ko si Travis tapos may bumato sa akin at iyon BLACK OUT.

"Anak, alam mo bang 2 araw kang tulog? Kinakabahan nga din kami kasi mababa yung heart beat mo. Pero good thing nagising ka na. Alam mo bang? Nagdasal ang kuya mo kasama kami ng Papa mo? Kasi nag-aalala din siya sayo?" umling naman ako. Wow... Thank you Lord! Kung hindi pa siguro ako maaksidente ng ganito. Walang mangyayari sa Kuya ko!

"Ma, paano po ako nakarating dito sa Hospital?"

"Yung kaibigan mong si Travis tinawagan ako. Hindi nga nya alam kung sino ang gumawa nyan sa'yo." tapos tumungo na naman si Mama. Hayss, sino ba siya? Pakiramdam ko nagagalit ako sa taong iyon. Bakit niya ginawa sa akin ito? Kung galit siya, harapin niya ako.

"Nak, masamang magalit." hinawakan ni Mama yung kamay ko. Nakaclenched fist pala ako. Pero naasar kasi ako eh. Never ko pang n experience ito. Sorry Lord.... Pero ngayon lang talaga...

"Ma, ilang araw pa ako mag s-stay dito?"

"1 week." malala nga talaga itong nasa ulo ko.

"Ma, pwede bang pakidala yung Bible kapag umuwi ka mamaya?" yun na lang ang pagkakaabalahan ko. Mas maganda pa iyon! Pero madami akong ma-mimiss na lessons. Kamusta na kaya si Travis? Hindi pa ako nakakapag thank you sa kanya.

Hayss,Bakit ang bait ni Travis? Tapos may itsura, matalino at di lang iyon.. savior pa. Teka, ano ba itong iniisip ko? Di kaya.. Hindi! Hindi pwede!

"Nak, aalis na muna ako. Pupunta mamaya dito si Travis pagkauwian na." tapos umalis na si Mama, naiwan akong mag-isa. Bakit kaya Princess?

* * * * *

Nakaupo s'ya sa isang madilim na sulok

Ewan ko ba kung bakit sa libu-libong babaing nandoon

Wala pang isang minuto.Nahulog na ang loob ko sa 'yo.

Gusto ko sanang marinig ang tinig mo

Umasa na rin na sana'y mahawakan ko ang palad mo

Gusto ko sanang lumapit, kung di lang sa lalaking kayakap mo, ho oh-oh

Cherish YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon