Chapter 17: A, M, & Z

969 15 3
                                    

Chapter 17

Naghahapunan na kami nila Mama. Mabuti at nandito si Papa at Kuya. Kompleto kami! Yey!

Habang kumakain kami...

"Ma..." --Kuya

"Ano yun?" -Mama

"Daniel kung pera para sa gimik ang kailangan mo tumahimik ka na." sabi ni Papa, ang strikto talaga ni Papa. Masabi ko kaya... Nag aalangan akong magpaalam. Bukas na kasi iyon. Yung araw na gagawin na namin ang Project. Hanggang ngayon di ko pa din alam kung bakit alam ni Zac ang bahay namin.

Teka, bakit ba ako nag-aalangan, PROJECT lang naman iyon? Eh kasi pupunta ako sa kanila...

"Hindi yun. Papa. Ano kasi..." - Kuya

"Ano ba yun anak?" -- Mama

"May girl---" hindi napagpatuloy ni Kuya

"NA NAMAN?! NAG BREAK NA KAYO NI MISTY?" --Papa

"Opo..."

"Ano ba naman itong lalaking ito! Linggo linggo na lang bago ang girlfriend mo! Eh kakaisang linggo mo pa lang nung sinabi mo na kayo na ni Misty eh!" --Papa

"Anak, wag mo naman gawing paglalaro ang relasyon." --Mama. Hindi na nagsalita pa si Kuya. Oo, linggo linggo ata laging bago ang girlfriend niyan. Ano kaya ginagawa ni Kuya at walang tumatagal sa kanya? Hmm...

"Ma.." sabi ko. Heto na... Kaya ko ba? Kinakabahan talaga ako.

"Ano yun anak?"

"Wag mong sabihin na may boyfriend ka na Serah." - Papa

"Naku, Papa, hindi ko ginusto."

"Eh ano ba yun?"

"Aalis po ako bukas. Pupunta po ako sa kaklase ko, partner po kasi kami sa T.L.E gagawa po kami ng project."

"Ah sige, yun lang naman pala. Wag lang magpapagabi."

"Eh... Susunduin po daw ako bukas ng umaga."

"Eh di mabuti, hindi mo pa ba alam ang bahay niya?" --Mama

"Hindi po." sagot ko.

"Serah, ano yan babae o lalaki?" -Papa.. Hala.... Lord, sana po payagan ako nila Mama na pumunta bukas kila Zac para sa PROJECT. Please po..

"Lalaki po." sagot ko. Dahan-dahan akong tumungo, baka sumigaw si Papa eh.

"AH, si Travis ba kasama mo?"

"Hindi po."

"EH SINO?!!!"

"Si Zac Latiev po." mas lalo kong tinungo ang ulo ko.

"Wow!!!!! Yung vocalist ng Switch! Ma, Pa. Pahingi pera bibili ako ng album nila!" sabi ng Kuya ko. Kuya naman eh. Mas lalo mo akong pinapahamak na hindi payagan at pagalitan ni Papa eh.

"Sige pumunta ka bukas para gawin ang project nyo." -- Papa. Kapag nagsalita si Papa, hindi na makakahindi si Mama. "-maghugas ka na ng pinggan... Daniel."

"BAKIT AKO?!"

"Wala kang galang ah! Mag simba ka nga! Kung ano ano ang inaasal mo na hindi magaganda!" sabi ni Papa. Hindi na makakahindi si Kuya kapag sumigaw si Papa. Kasi kapag narinig mo talagang sumigaw si Papa, matatakot ka na. Si Mama, tahimik yan. mild lang magalit. Kaya naging matigas ulo ni Kuya.

Umakyat na ako sa kwarto ko. Hindi ako makakapag Youth Service bukas. Dapat masabi ko na kila Hannah ito. Ayuuun, kinuha ko ang cellphone ko at tinext sila na hindi ako makakasama bukas dahil may project ako na gagawin. Group Message > Send

Cherish YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon