Chapter 14: Iba ka na ngayon

987 16 12
                                    

 Chapter 14

"Ang ganda mo. Pakiss!" pagkasabing pagkasabi niya noon ay biglang may sumuntok kay Travis mula sa likuran.

"Hala??" bungad nung magkapatid. Bumangon naman si Travis at hinarap si..si ...Alex ba? Siya iyong gitarista ng banda nila ah...

"Ano ka ba naman Alex?! Anong problema mo ha?!" hinarap ni Travis si Alex. Tapos si Alex naman cool lang ang itsura, parang wala lang sa kanya. Grabe kinabahan talaga ako doon kanina. Ang lakas kasi ng pagkasuntok niya kay Travis, napaupo pa siya doon. 

"HAHAHA. Okay na, aalis na ako! Bye!" tumalikod na si Alex ng biglang hinatak ito ni Travis pabalik.

"Woah, pare. Chill!! Birthday gift lang sa'yo yan ni pareng Zac!" -Alex

Teka-- Tama ba ang pagkakarinig ko? Birthday GIFT? Naku!! Tapos galing kay Zac iyon? 

"Ahh!" bigla kong tinakpan ang bibig ko, nakagat ko pala yung labi ko. 

"Serah okay ka lang?" lumapit naman sa akin si Travis.

"Oh paano ba yan, aalis na talaga ako. Napag-utusan lang kasi ako ni pare eh! Maya na lang yung inuman natin ha? Treat ko! Si Zac at si Gian na daw bahala sa pulutan pati chicks!" narinig ko na naman yung pangalan niya, hindi ko dapat nararamdaman ito pero pagkarinig ko sa salitang 'chicks' may ibang feeling.... 

Umalis na si Alex, magkaharap kami ngayon ni Travis. Nahihiya ako, wala man lang akong regalo sa kanya. Hindi naman kasi niya sinabi sa akin eh.

"Serah.."

"Travis.." sabay naming natawag ang isa't isa.

"Ikaw na mauna."sabi niya sa akin, so hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa.

"BAKIT HINDI MO SINABI SA AKIN NA BIRTHDAY MO HA?! NAKAKAASAR KA NAMAN EH!" hindi ko na-control ang sarili ko at napasigaw na pala ako. Yung dalawang magkapatid ay nakatingin sa akin. Nakakahiya! 

Naramdaman ko na lang na bigla akong hinila ni Travis palapit sa kanya. At niyapos niya ako! 

"I-consider mo na lang na reward ko ito sa pagiging matalino ko." then he chuckled. Nakayapos pa din siya sa akin, naaamoy ko din ang pabango niya. I hugged him back. Ewan ko, kung bakit ko ginawa iyon basta kapag kasama ko naman siya I feel comfortable hindi katulad kay Zac. 

"Bukas na lang ang regalo ko sa'yo ha?" may ilang oras pa naman akong nalalabi para mag isip ng i-reregalo sa kanya. 

"Sige, sabi mo yan eh." 

"EHEM!!!!!" bigla naman akong binitawan ni Travis dahil nakatingin sa amin ang dalawa niyang kapatid. Hinatak na lang ako ni Travis doon sa may garden nila, umupo kami doon sa may bench at nagpahangin. Tinignan ko ang mukha niya. Thank God! Wala naman siyang pasa.

"Crush mo ako no?" bigla niyang sinabi sa akin.

"Ha?"

"Eh kasi nakatingin ka sa akin eh.." tapos ngumiti siya ng nakakatakot

"Eh-- tinitignan ko lang naman yung muk-- SUGAT MO! Ayy hindi baka kasi nagkapasa ka!" 

"Defensive. Wag ka nang mag deny, birthday ko naman ngayon eh. Pasayahin mo ako."

"Anong connect?"

"AHAHAH. Nag-iiba ka na talaga ngayon Serah! Dahil ba dyan sa new hairstyle mo?" iniwas ko naman ang tingin ko sa kanya. Sa totoo lang gusto ko na ulit magpakulay ng itim, kasi hindi magandang tignan ito eh. Lalo na kapag nagsisimba ako. Hindi magandang tignan talaga... 

"-Uy, wag mong damdamin may likod ka pa! Halika nga! Maglaro na tayo ng Xbox para naman mapasaya kita! At addshfsgsj ggsg ako.." hindi ko narinig yung sinabi niya kasi bumulong siya. 

Cherish YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon