Chapter 43

1.2K 24 0
                                    


Chapter 43

CALEB'S POV

"Nasaan daw si Tiffs? Alam namang ngayon na yung play eh." galit na tanong ni Alex kay Clavs habang nag-aayos ng props. Tss. Nagalit siguro sa ginawa ko. Sh*t lang talaga bakit ko naman kasi siya natulak eh at ang sasakit pa ng mga nasabi ko sa kanya. Pagkatapos ng araw na yun hindi pa nagpapakita sa amin si Tiffany.

"Hindi ko nga ma-contact tapos si tita parang tinatago si Tiffs."

"Ano bang problema ng bestfriend mo na yun ha?"

"Mamaya na kayo mag-away, balak ko sana mga tsong na yung maiipon na pera pambili na lang natin ng reliefs goods." Tangna! Ano daw Troy? Reliefs goods?

"Tangna Troy! Wagas ka naman sa 'S' nyan 'no?" nagmaalam alaman naman tong si Alexander. Tss.

"Naknamputsa ang bobo! Relief goods!" nagsalita si Albert na matalino.

Lumabas na lang ako ng auditorium, aabangan ko na lang dumating si Tiffany siguro kailangan ko ding humingi ng sorry. I know that I became rude, okay naman kami kahit break na kami nung araw lang talaga na yun, hindi ko lang alam talaga kung bakit ko nagawa sa kanya.

Ito nga may sugat ang kamao ko dahil sinuntok ko ng malakas yung salamin.

Nilait ni Precious si tita Magda? Nagkita na ba sila? Napansin ko lang na maraming naiirita kay Precious even mom and our own sister Toni. Yeah nakakairita lang minsan talaga yung kaartehan niya pero I think she's nice. Bigla siyang dumating nung iniwan ako ni Tiffany.

"Leb." Nakasandal ako sa labas ng auditorium ng may narinig akong tumawag sakin. Tss. Anong kailangan ng gagong 'to sakin? Di naman kami nag-uusap nito ah.

"Oh bakit?" I said in a cold voice.

"Nakita ko yung nangyari nung last week."

"Oh ano susuntukin mo ako sa ginawa ko sa girlfriend mo?" sabi ko sa naghahamon na boses at langya! Nag smirk lang siya. Nakakagago ah!

"No. Gusto ko ngang mag thank you sayo eh." He smiled at tinapik niya ako sa balikat at bumulong.

"Malapit na siyang bumalik sayo Caleb. Hintayin mo lang siya, hahanapin lang niya ang sarili niya." hindi ko maintindihan yung mga sinabi niya. Si Tiffany babalik na sa akin? Tangna naman naguluhan ako dun ah pero anong ibig sabihin na hahanapin lang niya ang sarili niya?

ANREW'S POV

Ngayon na ang araw ng play, audience lang ako. Nasaan na ba yung pandak na yun, kahit kailan naman talaga laging late yun. Nagpapanic na ang buong club kasi naman yung highlight ng play ay wala pa.

Sinubukan ko siyang itext pero hindi nagrereply, kulit talaga nun oh kung hindi ko lang mahal.

Akala ng lahat kami pa pero nung isang linggo pa kami nagbreak, nakakatawa lang talaga ako na naman yung nakipagbreak sa kanya pero ngayon ako naman ang iniwang bigo. Hindi ko naman gustong ipilit ang sarili ko kay Tiffany, pareho lang kaming masasaktan.

Alam ko naman noon pa na gagamitin lang niya ako, pumayag ako dahil umaasa ako na pag pinaramdam ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal eh mababalik na namin ang dati.

Tama nga siguro sila.

Once you lose someone, it is never exactly the same person who comes back.

Bumalik nga siya sa akin pero tangay naman ng iba ang puso niya. Useless lang diba?

"Andie." lumingon ako sa likuran ko. Si Tiffany, binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti na gusto kong laging makita. Niyakap ko siya at yumakap din siya ng mahigpit.

I Wish I Never Met You (Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon