Chapter 12

1.1K 28 0
                                    

CHAPTER 12

December 22 : Outing

After nang away namin ni Caleb ngayon lang ulit kami magkakatabi and I'm sure sa 8 hours na biyahe namin hindi pwedeng di kami mag-uusap. Guilty din naman kasi ako kahit sina Dessa nagtatanong sabi ko na lang PMS. Alas singko ng madaling araw nang makarating ako sa school ground kung saan naghihintay na iyong bus na sasakyan namin.

Pagpasok ko madami na din iyong nasa loob halatang mga antok pa. Haha. Si Clavs na pinaka-malayo ang bahay nandito na? Excited ata masyado! Haha. Katabi na niya yung John Paulune? Hay pang tongue twister yung name pwede kayang JP na lang? Sa left side nila si Miel at Jay.

Pumunta na ako sa upuan ko habang pinagmamasdan si Caleb na nakasandal sa bintana at natutulog, napansin ko rin na hawak niya ang kanyang iPod. Umupo na ako sa tabi niya habang si Caleb nakapikit pa din hindi ata naramdaman ang presence ko. Hay. Paano ako matutulog nito wala akong sandalan may dala pa man din akong unan. Favorite spot ko pa naman yung tapat ng bintana masarap pang mag emote dun habang naka iPod.

Bigla dumilat si Caleb at nagulat pa ata siya nang nakita niya ako. Nag smile ako. Di ka ba mapapa-smile kung makita mo si Caleb at bagong gising pa. Ay ang cute!

"Morning" I miss that smile. Alanganin pa nga yung smile niya akala ata susungitan ko ulit. Guilty!

"Gusto mo palit tayo?" wow? Nababasa ba niya ang utak ko o alam talaga niyang paborito kong pwesto iyong tabi ng bintana?

"Pwede ba? Mukhang sarap ng tulog mo eh." alanganin kong tanong sa kanya kahit na talaga namang gusto ko kung nasaan siya.

"Oo ikaw kasi yung nasa panaginip ko" hindi ko masyadong narinig ang sinabi niya kaya naman tinanong ko pa siya ulit kung ano 'yon ngunit hindi naman niya ako sinagot at nakipagpalita na lamang siya ng pwesto. Ano kayang binubulong-bulong 'non.

"Tiffs." matutulog na sana ako dahil madilim pa rin naman at malamig pero kinalabit ako ni Caleb.

"Hmmm." sagot ko at pilit na hinarap siya kahit na pikit na pikit na ang mga mata ko.

"Sorry nung nakaraan ah."

"Ako kaya dapat mag sorry. Sorry for acting weird." ewan ko ba naman kung ano ang inaarte ko noon. Haha.

"Okay lang hindi naman na dapat ako nagtataka. Baka nung time na yun sinusumpong ka ng sakit mo. hahaha." hindi ko nagets yung sinabi niya kaya naman hindi ko na 'yon pinansin.

"Slow talaga oh. Psycho!" halakhak ni Caleb habang umaayos na para matulog.

"Baka gusto mong ihulog kita sa bus." pagbabanta ko sa kanya ngunit tumawa lang siya.

"Joke lang. Namiss kita." ayan! Bigla siyang babanat nang ganyan eh nagagalit pa ako! Nakakainis naman po. Namiss ko din naman siya lalo na 'yong kayabangan niya. Haha.

"Friends na tayo?" nakangiti niyang inilahad ang kamay niya sa akin ngunit umiling lang ako at umirap.

"Eh bakit?" nagtataka niyang tanong at halatang nasaktan siya sa sinabi ko. Ngumuso pa siya nang parang bata malayo sa kilala kong Caleb. Ang cute naman!

"Kasi po bestfriends tayo." saad ko at tinanggap ang nakalahad niyang kamay.

Hinawakan niya ang kamay ko as in yung naka interlaced yung fingers namin. Yung pang mag-boyfriend! Isinandal niya ang ulo niya sa balikat ko. Nang tinignan ko siya ay natutulog na siya at magka-holding hands pa din kami wish ko lang di ako mangawit 8 hours po kaya yung byahe.

Sa totoo lang ang sarap ng feeling sana ganito na lang kami palagi. Gusto ko syang i-kiss sa forehead. Ang cute niya parang bata matulog, napaka-peaceful.

I love you Caleb pano ko pa ba aaminin kung bestfriend mo lang pala ko.

I Wish I Never Met You (Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon