Chapter 3

2.2K 37 0
                                    

CHAPTER 3

Tiffany's POV

BV talaga araw na to'. Uwian na. Lahat ata ng tao eh nasungitan ko na. Bwisir na yabang na yun. Ako daw psychotic? Wahhhh ganda ko namang psychotic oh. Baka sya ang baliw. Baliw sa kagandahan ko. Nang makarating sa restaurant ay agad kong tinulungan si mama na ngayon ay nagluluto. Pagkatapos ng nakakapagod na araw ay kailangan ko pang tumulong rito para hindi mahirapan si mama.

"Tulungan na kita diyan Ma." anunsyo ko kay mama.

"Tamang-tama. Oh dalhin mo na to' sa table number 4."

"Okay. Si Mark nga pala?" hanap ko sa kapatid kong batugan.

"Wala pa nga eh. Baka nasa school pa yon." nasa bilyaran na naman siguro ang batang 'yon o kaya nasa may computer shop. Kainis! Hindi man lang tulungan si mama rito sa restaurant.

Bored! Araw-araw ganito na lang ginagawa ko. Papasok sa school siyempre late, matutulog sa subjects, iwas kay ex tapos uuwi at tutulong sa restaurant. Ngayong araw lang naiba paano naman may nakilala akong nakakainis na lalaki. Nang sumunod na araw ay nagulat sa akin sina Clavs dahil maaga akong pumasok. 5 minutes before the class! Achievement diba?

"Naks aga natin ngayon Tiffany ha?!" bati sa akin ni Clavs ng makaupo na ako sa may tapat niya.

"Huwag mong batiin baka mausog. Hahaha." pabiro kong sagot at inayos na ang notebook ko para mangopya ng assignment.

"Wow! You're not late Tiffany." halatang nagulat ang professor namin dahil sa biglang nasa upuan na ako. Ewan ko ba kung ano ang nakain ko at maaga akong pumasok ngayong araw. Good vibes?

"Okay HRM 3B. We have a new student from Los Angeles, California." pumasok pa siya? Malapit na ang midterms ah?

"Please come in Mr. Del Rosario. Kindly introduce yourself. Since puno na ang ECE at kayo nalang ang kakaunti ay makakasama niyo siya sa general subjects. From Phil. Lit to PE 103 ninyo" ayos na sana may new face dito sa block namin pero hindi ko inaasahan na si Yabang 'yon! Nanlalaki ang mga mata ko ng magtama ang mga mata namin at binigyan lang niya ako ng isang lopsided smile. Halos nakanganga ang mga kaklase kong mga babae at patio na rin ako.

"Good morning. I'm Chase Caleb Del Rosario. 18 years old." hanggang ngayon ay nakatuon pa rin ang tingin niya sa akin pati tuloy mga kaklase ko ay lumingon sa akin. Ano bang problema niya?

"So Caleb dun ka na maupo sa tabi ni Tiffany." he gave me an evil smile! I don't like that smile! Bakit sa dinarami rami ng pwede niyang tabihan ay ako pa?

"Surprise to see me?" hindi ko na lang pinansin ang pagiging sarkastiko niya at hindi siya pinansin.

"I'm sorry. Do I know you?" Tama! Magkukunwari akong hindi kami nagkakilala kahapon. Ibabaon ko sa limot 'yon.

"So my amnesia ka pala?" hindi ako nakapalag ng nilapit niya ang bibig niya sa may tainga ko upang bumulong. Nanigas ako lalo na ng matalim akong tinitigan ng mga kaklase kong babae. Oh sige kayo nalang dito!

"Ang swerte mo Tiffs!" tili ng isa kong kaklaseng babae. Sus. Ipangalandakan daw bang kinikilig? Nakakahiya ah.

"Back to our discussion, Tiffany and Caleb mamaya na kayo mag ligawan." aba humirit pa si Ma'am. Nakakainis!

"Ang ligawan sa gabi yan ginagawa hindi sa umaga." mataray na utas ni Ma'am. Hindi naman po kami nagliligawan dito eh. Paglingon ko ay sumalubong lang sa akin ang nakangusong si Caleb.

"Di mo talaga ko matandaan? Kahapon lang yun?" bulong ulit niya.

"Hindi talaga. Hindi katanda-tanda yang mukha mo. Panget!" biglang tumingin sa akin si Clavs. Napalakas ba ang pagkakasabi ko? Geez.

"As if namang maganda ka?" woah! Napikon ata. Haha.

"Hindi naman talaga ako maganda eh. Magandang maganda lang naman po kasi ako. Don't act na as if close tayo." pagtataray ko sana kanya at nagpapasalamat akong natulog nalang siya sa klase! Tatlong sunod na klase ang tinulugan niya, ibang klase naman talaga! Nagpapasalamat ako at break na namin at isang subject ko nalang siyang makakasama. Wala na akong pakialam kung makita ko man ang ex ko ngayong araw dahil ginugutom na talaga ako.

"Ang gwapo ni Caleb!" Tili ni Clavs.

"Mayabang naman. Gusto mo palit na lang tayo ng pwesto?" excited kong tanong sa kanya? Ayoko makasama ng isang buong sem yung lalaking 'yon! Doon nalang siya sa mga ka-course niya! Huwag na siya sa HRM please!

"Sige! Sige!" aba gusto nga ni Clavs na makipagpalit! Grabe talaga!

"San si Nica?" tanong ni Jezel na ngayon ay kumakain na ng Lays.

"Kasama nung pinsan niya. Di ko expect ganun ka-gwapo pinsan ni Nica. Ang puti!" tili ni Joana. Naks totomboy-tomboy to' ah tapos nakita lang si Caleb napano na.

"Sana satin sumama yun! Yieeee" hindi ko akalain na pati si Dessa ay makikitili kay Caleb! Anong meron sa lalaking yun? Gwapo nga siya kaso nakakairita naman ang ugali. Napapaano barkada ko usually kami lang talaga ni Clavs ang mahilig sa gwapo.

"Wag na! Baka mabakla pa satin yun" naiirita kong awat sa kanila.

"Init naman ng dugo mo dun kay Caleb. Ang cool nga niya eh." anong cool don? Pa-cool lang!

"Basta di ko gusto ang ugali niya. Kain na nga lang tayo." nakakasar naman 'tong mga kasama ko. Nawawalan ako ng ganang kumain kapag naaalala ko si Caleb. Dalawang araw palang kaming magkakilala pero naiinis na ako sa kanya. Hindi ko siya feel maging kaibigan.

"Teka si Miel?" sita ni Clavs at biglang huminto para bilangin kaming magbabarkada. Sa dami ba naman namin ay minsan hiwa-hiwalay kami. Haha. Minsan kami lang dalawa ni Clavs ang magkasama tapos si Nica, Dessa and Jezel naman ang magsosolo.

"Wala kasama yung boyfriend niya." Sagot ko. Si Miel lang talaga may bf sa aming lahat. Minsan nakaka-inggit din at nakakamiss ang magkaroon ng lovelife. Hay.

Habang nakapila kami di ko napansin ako pala yung nasa dulo at nagulat nalang ako ng may biglang kumalabit sa akin sa balikat. Tse! Sino ba 'to? Concentrated ako sa pamimili ng kakainin ko. Hindi ko na sana papansinin pa kaso ayaw akong tigilan sa pangangalabit. Sana tawagin nalang ako diba? Magsasalita na sana ako ng malingon ko ang lalaking kumakalabit sa may balikat ko. Oh no!

I Wish I Never Met You (Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon