Chapter 36

781 16 0
                                    


CHAPTER 36

TIFFANY'S POV

Late na ako! Pati sa date ba naman ay late pa din ako. Papunta ako sa mall dahil may usapan kami ni Andrew na magkikita kaming dalawa ngayon. Hindi naman ako makatanggi.

Late na ako pero okay lang naman siguro if maghihintay siya. Hindi naman kasi niya ako masundo sa bahay kasi magtataka si mama at saka take note hindi nya bet si Andie for me. Loyal Caleb yun.

Nakarating din ng mall. Imbes kasi na sa SM kami pumunta sa ATC pa kami nagkita. Alam na baka kasi may makakita pa sa amin. Feeling ko tuloy secret lovers kami ni Andie.

"Sorry if late ako." hinihingal pa ako ng makarating doon sa may tapat ng McDo.

"Okay lang angel. I'm glad you're here." Hinawakan niya ang kamay ko tapos magka holding hands kaming naglakad-lakad. Naku sana naman walang makakita sa amin. Wala man lang akong maramdaman na spark.

"San mo gusto pumunta?" tanong niya sa akin.

"Ummm kain na muna tayo kasi mag-lunch na din naman oh." Pinakita ko sa kanya yung oras sa wristwatch ko. Nanlalata na ako sa gutom. Kamusta na kaya si Caleb? Kumain na kaya siya? Hay. Bakit ba si Caleb yung iniisip ko eh kitang si Andie yung kasama ko?

"Jolibee?" masiglang tanong ni Andie. Iyon kasi ang paborito naming kainan noong kami pa. Kinurot niya ang pisngi ko nang ngiting-ngiti ko siyang inaya patungo sa may Jolibee. Ito lang ang ayoko sa Jolibee ang daming bata! Bakit ba kasi favorite nila dito? Mga may tantrums pa Takbuhan ng takbuhan. I HATE KIDS!

"Angel order muna ko." tumango lang ako sa kanya at naghanap na ng mauupuan. May tumatakbong bata sa harapan ko tapos nadapa. Ayun buti nga! Yan kasi ang likot-likot. Tumayo ako at tinulungang tumayo yung batang lalaki pinagpag ko din yung shorts niya. Ang cute nya infairness. Ngumuso siya at mangiyak-ngiyak na. Wag kang iiyak kundi lagot ka sa.......

"Wahhhhhhhh! Wahhhhhh! Mommy!!!" sabi ko huwag iiyak e! Ayoko pa naman sa lahat yung batang iyakin. Hinawakan ko siya sa balikat.

"Bakit ka ba umiiyak ha? Asar yung tono ng boses ko medyo parang nasisigawan ko na siya. Sige pa din sya sa pag-iyak. At palakas talaga ng palakas.

"Shut up! Bading ka ba at umiiyak ka?" Okay torture yata ginagawa ko dito sa bata. Nakakairita naman kasi baka akala nung iba pinapatulan ko yung bata.

"I said stop crying! Di ka tatahan?"

"Tiffs! Tinatakot mo yung bata eh." Mabilis akong itinayo ni Andie.

"Eh pano kasing bata na yan di ko naman inaano tapos bigla na lang umiiyak." Inirapan ko yung bata tapos nagfold ako ng arms. Lumalabas pagiging witch ko sa batang 'to.

"Boy bakit ka ba kasi umiiyak? Sorry ha ayaw kasi ni ate sa iyakin. May masakit ba sayo?"

"Mommy ko."

"I'm not your mom kaya!" mariin kong sabi.

"Ace nandito ka lang pala." Napalingon ako dun sa matandang babae na lumapit dun kay Ace. Akalain mong Ace pa pala pangalan nung bata kaya naman pala mainit ang dugo ko eh.

"Naku pasensya na dito sa apo ko ah."

"Mommy." Biglang yumakap sa akin si Ace. Hinawakan ko siya sa balikat para ilayo siya sa akin pero lalo lang humigpit yung pagkakayakap niya sa akin.

"Ace! Wala na nga ang mommy mo diba?! Patay na sya!" Parehas pala kami.

Kawawa naman pala batang 'to. Mga 4 years old pa lang siguro siya. He's still a baby pero wala na siyang mommy. Alam ko yung feeling. This time ay niyakap ko na siya ng mahigpit. Naramdaman ko yung pag-iyak niya.

"I'm sorry baby. Hush now." Pinat ko lang yung ulo niya. Tapos kiniss ko din siya sa ulo. Kawawa naman pala siya. Nakikita ko sa kanya yung sarili ko noong bata pa ako. Naiiyak na din ako.

"Pasensya na hija, masyado lang kasi siyang na-trauma sa pagkawala ng mommy niya."

"Okay lang po. Nasigawan ko pa siya kanina. Sorry din po. Ahmm ano po ikinamatay ng mommy niya?"

"Nag suicide." Bull's eye! Lalo kong hinigpitan yung pagkakayakap kay Ace. Ayokong umiyak. Ang sakit na lalamunan ko. Imagine if si Caleb/Ace yung nasa situation ko at mommy naman niya yung mag suicide. Siguro maiintindihan niya yung nararamdaman ko.

"Hush now darling. Mommy loves you." I kissed his forehead.

Isinabay na namin sa lunch si Ace. Ayaw humiwalay sa akin kaya hinintay pa namin na makatulog bago kami nakaalis ni Andie. Nandito kami ngayon sa department store. Nadaan kami sa isang jewellery stall.

"Tiffs napansin ko lang di mo na isinusuot yung necklace na ibinigay ko sayo nung first monthsary natin." Malamang naman na natapon ko na yun! Haler matapos niya akong lokohin dati alangan naman na itago ko pa yun.

Actually binigyan naya ako ng necklace na may pendant na angel nung 1st monthsary namin tapos nung 4th monthsary isang bracelet. Noong 8th monthsary namin ay binigyan naman niya ako ng anklet. Kung di lang siguro kami nag break malamang na ring na yung binigay niya sa akin nung 1st anniversary, sa kasamaang palad din ay hindi na kami nakaabot dahil dun sa malanding kaboteng si Anne.

"Ha? Eh na-misplace ko na yata yun."

"Sira. Bibigyan na lang kita ng bago."

"Uy wag na 'no! Adik ka naman!"

"Naalala mo pa yung favorite nating gawin dito sa mall?"

Teka ano nga ba favorite namin? Hindi ko maalala. Kumain? Manood ng sine? Neoprint? Hindi eh! Reminiscing ba ang gagawin namin ngayon?

"Madami kasi yun. Alin ba dun?" Imbes na sagutin ako ni Andie ay hinila niya ako papunta sa Tom's World at pumunta dun sa shooter. Sa kanya nga pala ko natuto magbasketball. Madalas kami dati maglaban dito eh. May favorite pustahan pa kami.

"Namiss ko 'to." sincere kong sabi at tiningala siyang nakangiti rin sa akin.

"Ako man." Nagpapalit na kami ng token tapos nag tig-isa na kami ng shooter. Hinulog na namin yung token pero di pa naming pinipindot yung play button.

"Dating gawi? " nanghahamon niyang sabi sa akin kaya naman mayabang akong um-oo.

Noong una ay lamang pa ako ngunit mukhang ayaw talagang magpatalo ni Andie kaya eventually ay siya rin ang nanalo. Palagi naman. At dahil mabait daw siya ay gagawin niya ang pusta niya. Hinila ko siya doon sa may hagdan buti na lang at mga walang sagabal na nakatambay.

"Ready?"

"Tagal na din baka naman di mo na kaya? Takot ko lang." pagbibiro ko sa kanya kahit na aminado akong namimiss ko na itong matagal na naming libangan.

"Akong bahala!" tumawa naman ako at sumang-ayon. Hinalikan ko siya sa pingi at tumango. Halos mapasigaw ako dahil sa ginawa niya. Pumasan ako sa likod niya at kumapit ng mahigpit, di ko kasi sure if kaya pa niya, ako lang naman atang baliw nagpapagawa ng ganito. Hahaha.

"Ms. Tiffany. Are you ready for Andrew's Express?" sasagot pa sana ako nang mapapikit ako sa takot. Tumatakbo siya pababa ng hagdan habang nakapasan ako. Ang bilis ng takbo!

"Andie!!!!" sabay tapik sa braso niya dahil nakakatakot baka parehas kaming masubsob kapag tuluyan na siyang nawalan ng balanse. Akala ko ay hindi ko ma-eenjoy ang date na ito pero nakakamiss rin pala noong kami pa ni Andie.

Kung palaging ganito ay hindi ako mahihirapang kalimutan si Caleb.

��?�9T/ƎG



I Wish I Never Met You (Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon