Chapter 8

1.3K 27 1
                                    

CHAPTER 8

Monday na and maaga akong pumasok ngayon. Kinakabahan ako dahil baka galit sa akin si Caleb, hindi man lang niya ako tinext kung nakauwi ba siya ng maayos o hindi. Guilty ako! I swear na hindi ko siya aasarin about dun. Papasok pa ba yun? Bored na ako. Wala yung nang-aasar at makulit na si Caleb. Miss ko siya.

"Nica di ba papasok si Caleb?" pangatlong beses ko na atang tinatanatong 'to kay Nica simula pa kaninang first minor subject namin.

"Uy miss niya si Caleb! Ano ka ba two days lang kayong di nagkita" pang-aasar ni Dessa sa akin habang hawak pa din ang College Physics book namin.

"Hindi ko alam sis. Di naman kami magkasama sa bahay eh."walang emosyong sagot ni Nica sa akin.

"Bakit namiss mo ata si Caleb? Akala ko baa yaw mo dun?" makahulugang tanong ni Clavs kaya naman umiling-iling ako. Baka mamaya ano na naman ang isipin niya.

"Magkasama kami nung sabado kaya lang may nangyari tapos di man lang nagtetext." kumunot ang noo ko ng mapansin kong nalaglag ang mga panga nila sa huli kong sinabi

"Eh bakit ba ganyan kayo makatingin?" nagtataka kong tanong sa kanila.

"Nag date kayo ni lover boy ano!" singit ni Alex habang sila Clavs naman ay nagtilian. Kanina mga tulala pa sila tapos ngayon naman mga nagwawala.

"Ewan ko sa inyo! Di kami nag date 'non. Part lang ng pustahan 'yon. Asa naman kayo." giit ko kahit na bakas sa mga mukha nila na hindi sila naniniwala. Iirapan ko na sana sila ng tumunog ang phone ko.

"Si Caleb binata na pare!" umiling na lang ako ng nakipag-high five pa si Troy kay Alex na ngayon ay nakangisi na sa akin. Bakit kaya tumatawag sa akin si Caleb? Hindi ko maiwasang pamulahan ng mukha dahil sa hiya.

Talagang nag-appear pa talaga sila Troy at Alex, kung pag apirin ko din kaya mga ulo nila? Hahaha. Hind ko talaga alam kung bakit worried ako sa kanya pero minsan asar talaga ako sa kayabangan niya. Amp! Pinili ko na lamang sa labas ng room sagutin ang tawag at bago ako makalabas ay katakut-takot na panunukso muna ang natanggap ko.

"Hello?"

"Hi. San ka?" maingay sa background ni Caleb, nasaan kaya siya?

"Ikaw ang nasaan? Di ka kaya pumasok."

"Tinamad ako eh. Bakit namiss mo ko siguro" nakikita ko na. Siguro naka-grin na naman 'to habang kausap ako sa phone.

"Caleb?" nang-iinis kong tawag sa kanya

"Why?" natatawa niyag tanong kahit na alam kong sa likod niyon ay naaaliw siya sa pang-aasar sa akin sa telepono.

"Spell Asa. Hmp! Ano ba kailangan mo?"

"Wala namiss lang kita. Ikaw ba miss mo ko?" ano bang nakain nito! Ayokong kiligin!

"Hindi." pinilit kong maging monotonous kahit na deep inside ay kinikilig na ako.

"Weh? I miss you too! Hehehe" hindi ko alam kung ano ang isasagot sa mga banat niya kaya katulad ng ibang mga babae na nagpapakipot ay pinilit ko ang magtaray.

"Kapal mo!"

"I miss you more." tulungan niyo po ako! Paano ko pa pipigilan ang sarili ko na kiligin? I'm so glad na hindi niya ako nakikita ngayon dahil namimilipit ako sa sobrang pagpipigil ng kilig. Animo nagpipigil ako ng ihi.

"Adik ka. Ikaw na mayaman!" ibababa ko na sana ang tawag nang pigilan niya ako.

"Bakit na naman?!" paangil kong tanong sa kanya. Ilang minuto na lang ay magsisimula na ang klase namin and I can't miss that one dahil major subject iyon.

"Ay g*go binabaan daw ba ako!" sigaw ko sa phone ko ng marinig ang pagbaba niya sa tawag. Bwisit!

"Tiffany!!"

Nz9��_�b�@

I Wish I Never Met You (Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon