Chapter 25

937 15 0
                                    


Chapter 25

Hay buti na lamang ay nakaalis pa kami ng University ni Ace. Ang kulit ni Toni gusto pang sumama sa amin, hindi ba niya alam yung word na privacy? Kailangan namin ng quality time ne bebe ko.

Saan kaya pwede mag-date? Nakakasawa na ang mag-mall.

"Bebe" ngiting-ngit akong lumingon sa kanya at sinuklian din naman niya iyon ng matamis na ngiti.

"Tara sa Star City!" excited kong aya sa kanya at nawala iyon nang mapanguso siya.

"Pang bata lang doon!" inis niyang tanggi.

"Bakit matanda ka na ba?" pangangatwiran ko naman.

"Nakakahiya puro bata don."

"Eh bakit bata pa naman ako diba?" irap ko sa kanya sabay halukipkip. Hindi rin naman niya ako matitiis.

"Batang isip" sabay tapik niya sa ulo ko.

Sa bandang huli ay napa-Oo ko rin siya. Ang tagal ko na kasing hindi nakakapunta sa amusement park at masaya ako na si Caleb ang makakasama ko roon. Nang makapasok ay agad akong nagpabili kay Ace ng cotton candy, mas nauuna ako sa kanyang naglalakad habang nilalantakan iyong cotton candy. Naalala ko si Ace yung childhoodfriend ko lagi kasi ako nung ibinibili ng cotton candy kapag malungkot ako. Nasaan na kaya yung cute na batang lalaki na yun? Nag evolve naman kaya siya into a super hot at gwapo na lalaki? Haha.

"Nang-iiwan ka na ah." Hindi ko napansin na magkatabi na ulit kami ni Caleb. Hinawakan niya ng mahigpit yung kamay ko.

"Bhie bitiwan mo ako, paano na yung cotton candy ko?" nguso ko ngunit hinalikan lamang niya ang tungki ng ilong ko at sinubuan ako noong cotton candy.

Pumila kami sa Anchor's Away. Yung parang barko ng Titanic tapos tataas at babagsak ng bigla sa ere. Nakakabwisit yung ibang babae na nakatingin sa bebe ko. Hello nandito po yung girlfriend oh maliit nga lang at pati bakit kailangan pang picturan aber? Artista ba at may picture pa? Suicide ata tong gagawin ko ah.

"Are you ready to fly?" he grins at me

"Anong fly? Baka mamatay! Ayoko na yata, tarab alis na tayo!"

"Ano ka? Ang haba ng pinila natin." aalis na sana ako sa pila pero hinila niya ako pabalik saka mahihirapan yata ako dahil ang haba ng lulusutan ko.

"Maiihi na yata ako sa kaba."

"Don't worry. I'm with you. Just hold my hand." he said in an assuring voice.

"Di mo ako bibitawan?" tanong ko sa kanya.

"Never. Bibitawan lang kita kung ikaw na mismo yung bibitaw." Ouch! Bakit parang double meaning yung dating sa akin nung sinabi niya? Of course I'll never let him go. Through out my life I have always been afraid of losing people I cherish so much. Takot nga akong iwanan magagawa ko pa kayang mang-iwan? I always end up alone.

"Hey! You're idling! Let's go!" Nagpahila na lang ako sa kanya. Yeah habang kasama ko si Ace wala akong dapat katakutan.

Natapos din ang nakakatorture na ride na yun. Naiwan ko yata yung kaluluwa ko sa may ere. Ito namang Chase Caleb walang kamatayang Tiffany sinisigaw. Sorry pero hindi ko siya na-appreciate dahil mas inintindi ko yung pagsigaw ko.

"Another round?" hagalpak ni Ace habang pinupunasan yung mga takas kong luha sa sobrang takot. Maihi-ihi na nga ako sa takot ay gusto niya pang ipa-ulit sa akin 'yon!

"No way!" iling ko habang lumalayo sa kanya baka kasi mamaya ay sapilitan niya akong isakay don.

"Baliw! Ang putla-putla mo na!" tawa pa niya habang hinuhuli ako dahil lumalayo pa rin ako sa kanya.

"Tara at kumain na lang tayo. Tara na dito!" ngumiti na lamang ako at tinanggap ang yakap niya.

k


I Wish I Never Met You (Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon