Chapter 6

1.5K 28 1
                                    

CHAPTER 6

Tiffany's POV

3rd day na ng pagiging slave ni Caleb. Haha I can't believe it natalo ko siya! Wala naman ako masyadong mai-utos sa kanya. Lagi ko lang naman siyang pinapababa sa canteen kahit alam kong kagagaling lang niya doon. Meanie! Lagi siya yung may dala ng mga gamit ko. Kakatuwa facial expressions niya halatang asar na. Cute niya maasar. Enjoy naman pala may slave ang nakakaasar lang lagi kami napagkakamalan na mag bf/gf. Under daw si Caleb sakin. Hmmm Saturday ngayon ano naman kayang ipapagawa ko kay yabang?!

"Tiffany! Walang mag dedeliver nitong order! Ikaw na mag deliver!" sigaw ni mama sa may kusina. Sabado ngayon at dapat ay nagpapahinga ako ngunit heto nagtatrabaho ako.

"Bakit ako?! Nasan si Mark?!!" nasan na naman kaya yung magaling kong kapatid. Porke't siya ang tunay na anak siya ang walang ginagawa?

"Gagawa daw ng project!" lumapit ako kay mama para hindi na kami naghihiyawan. Project daw?!! Hindi naman masipag mag-aral yung batang yun. In fact dalawang beses na siyang nasa 4th year highschool.

Nag-isip akong mabuti at bigla nalang may umilaw na bombilya sa itaas ng ulo ko. Kaya nga may Caleb diba? Hahaha. Yes! Makakaligtas na ako sa mga utos ni mama. Agad kong kinuha ang cellphone ko para maitext na siya.

To: Yabang

Slave! Punta ka dito samin. May uutos ako. Ngayon na!

Ilang saglit lang ay tumunog na agad ang cellphone ko. Aba mabilis mag-reply!

From: Yabang

San ba inyo? Feeling mo naman alam ko kung san ka nakatira.

Infairness mahaba-haba siya mag-reply. Oo nga naman di nga naman niya alam 'tong sa amin. Stupid! Sungit naman ng Caleb na 'to.

To: Yabang

Dito lang malapit sa school. Precious Restaurant.

Hindi na siya nag-reply pero nakakasiguro naman akong pupunta siya. Usapan ay usapan 'no! After 5 minutes may narinig akong bumusina sa labas. Sira naman yung costumer na yun kailangan pa ba talagang bumusina. Tumunog muli ang cellphone ko at nagreply na si Yabang.

From: Yabang

Labas.

Grabe ayos din 'tong lalaki na 'to. So lumabas na ako ng restaurant. May nakita akong lalaking nakasandal sa itim na pick up tapos naka sunglasses. Take note Hilux yung sinasandalan niya. Hanep ang gwapo! H-O-T parang Caleb lang.

"Hoy tulala ka na naman diyan! Ano ba utos mo Master?" Si Caleb to?! Gwapo shet! Hahaha. Parang Edward Cullen lang ang porma. Ito ba gagawin kong delivery boy? Nahiya naman ako sa porma niya. Amp! Naka polo shirt siya na Lacoste and maong pants siyempre naka Nike na rubber shoes.

"Bilis mo naman nakarating?" tanong ko. Nag-grin siya. Sige ikaw na gwapo. Kinikilig ako sayo nakakabwisit ka!

"Nasa school ako. Naglaro kami nina Alex." sagot niya tapos tinignan niya yung restaurant namin.

"Precious Restaurant. Nice name." he smirked. Compliment ba yun eh bakit may smirk pa? Maganda naman ang pangalan ko ah? Precious Tiffany! Ugh.

Pumasok na kami sa loob tapos dumiretso sa kusina. Ang ganda ng ngiti ni mama. Sus! Hindi ko boyfriend yan Ma! Alam ko ang iniisip mo. Hmp. Sumimangot nalang ako sa kanya habang siya ay malawak pa din ang ngisi.

"Ma wag kang ngumiti ng ganyan. Si Caleb po classmate ko"

"Di mo ba boyfriend 'tong gwapong 'to? Hi pogi ako nga pala mama ni Tiffany." nakakaasar yung ngiti ni mama.

"Hindi! Tutulungan lang niya ko mag deliver ngayon." masungit kong sagot kay mama. Nilingon si Caleb na mukhang hindi komportable sa harap ni mama.

"Ang bad mo anak. Yung gwapo na 'to ang magdedeliver?!" bakit kapag ba gwapo dapat naka-display lang? Tss.

"Deliver? Yun ba utos mo?" sa wakas ay sumabat na rin si Caleb sa usapan namin.

"Oo. Wala ang kapatid ko eh kaya ikaw na lang. Bakit aangal ka? tinaasan ko siya ng kilay ngunit hindi naman siya natinag at ngumisi lang.

"Hindi. Hehe. Okay lang po Ma'am ayoko nahihirapan si Tiffany eh." yuck!! Kinindatan pa ako ni Caleb ng malawak na ngumisi si mama. Ewan ko sainyong dalawa.

"Sabi na nga ba manliligaw mo 'to eh! Sige mag-deliver na kayo. Tita na lang tawag mo sakin pogi. Boto ko sayo." Tapos umalis na si mama nag-wink pa samin. Inirapan ko si mama at ng makalayo na siya ay agad kong binatukan ang natatawang si Caleb.

"Asa ka naman Tiffany. Cute ng itsura mo! Hahahaha." halos mapasigaw ako ng bigla nalang niyang kurutin ang pisngi ko.

"Mag deliver na nga tayo! Nakakaasar ka!" So kinuha ko na yung lalagyan ng food tapos lumabas na kami. Ako papunta sa kaliwa dun sa motor tapos si Caleb naman sa kanan.

"Hoy eh bakit diyan ka pumupunta sa kotse mo? Tatakas ka?" namaywang ako at nagtaas ng kilay sa kanya.

"Sa kotse ko nga. Magdedeliver nga diba?" Promise! Ang gwapo niyang delivery boy. Dadami customers namin nito.

"Di tayo diyan sasakay. Adik ka pala eh. Dito tayo sasakay." Tapos tinuro ko yung katabi kong motor.

"Ah eh..... eh..... diyan?" tapos napakamot siya sa ulo niya. Umirap na lang ako at tumango.

"Oo. Bakit takot ka? Magaling ako mag-drive." pagmamayabang ko sakanya. Highschool pa lang kasi ako ay tumutulong na ako kay mama sa pagdedeliver.

"H-Hindi ah!" mariing tanggi ni Caleb kahit na hindi ako kumbisido sa sagot niya.

"Weh? Hahahaha. Hitsura mo Caleb. Don't worry kapit ka na lang sakin di kita ihuhulog wag mo lang akong aawayin."natatawa akong napailing at sumakay na sa motor.

"Sakay na." aya ko sa kanya sabay hagis ng helmet

����_���v

I Wish I Never Met You (Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon